Chapter 2

110 5 0
                                    

Day 2

ASH POV

Naglalakad na kami ni Jiro papuntang school pero huminto kami sa isang gate para daanan si Kara, nagdoorbell ako at lumabas naman kaagad si Kara.
"Tara na" anyaya ko
"Ge" sagot niya
'habang naglalakad kami ay nahulog yung panyo ni Kara na hindi niya namalayan kaya huminto ako at kinuha yung panyo pero naglalakad parin silang dalawa na parang hindi ako kasabay. At nagulat ako nang bigla silang dalawa nag-usap at bawat hakbang nila ay dahan-dahan silang nagkadikit habang naglalakad.Hindi ko alam pero parang may bumabagabag sakin "Peeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep" busina nang sasakyang dumaan kaya nagulat ako at bumalik sa realidad, tumakbo ako papunta sa dalawa
"Hoy, parang hindi niyo ako kasama ah!" sigaw ko
"Ay Ash hahahaha, pasensya na nakalimutan ko kasama ka pala namin"
"Aba, aba, hoy Kara ah! Huwag kang ganyan magkasama kami ni Jiro bago ka! Tapos ako pa kakalimutan mo!"
"Haha sorry naman, nagseselos ka ba Ash " pang-aasar ni Kara
"Huh? Ano?! Hindi ah" sagot ko naman
"Ash, huwag ka na magselos, lagi naman tayong magkasama sa bahay" singit naman ni Jiro
"TSS. KARA oh! Panyo mo!" asar kong sabi
"Hala, thanks" sagot niya

Pumasok kami ng classroom at nag-uusap parin sila ni Jiro, hanep parang close na agad sila ah.
"Goodmorning Class" sabi ni Ms. Terror, math teacher namin. Nagsulat agad siya sa board tapos nagtanong kung sino ang makakasolve pero walang sumagot, kaya nag drawing na lang ako"ASH Villaverde stand up and solve this equation" tawag sakin ni Ma'am
"Ah e, Ma'am hindi ko po alam yan e"
"Paanong hindi mo alam e hindi ka naman nag-aaral!" sigaw ni Ma'am
"E hindi niyo pa nga yan natuturo e"
"Aba sumasagot ka pa! drawing ka kasi ng drawing jan kaya wala kang alam!"
"E Ma'am naman, hindi niyo enexplain paano yan e solve kaya paano ko yan masosolve? Mamagic ko po?! Kaya nga po ako nandito para turuan niyo hindi bigyan ng equation at sasagot agad!"asar kung sagot
"Oy Ash,tama na" bulong naman ni Kara na katabi ko.
"Ang lakas na ng loob mong sumagot Ash ah! Tumayo ka ng matuwid at huwag kang uupo hanggang walang tumutulong sayong mag solve niyang equation na yan! Kung sinong tumulong kay Ash sumagot tapos mali ang sagot ay hindi rin uupo!" galit na sigaw ni Ms.Terror
"Yan kasi Ash bakit mo pa sinagot" bulong nanaman ni Kara
"Tss. Nagtatanong lang ako no" bulong ko naman"
"SO NOW, ANYONE WHO WOULD LIKE TO HELP Mr.Villaverde?!"
"Yes Mr.Vasques? Are you raising your hand?" Tanong ni Ma'am kaya tiningnan ko si Jiro at tumayo siya pumunta sa blackboard at nagsolve, ang bilis niya.
"Wow, impressive! Fast and accurate!" comment ni Ma'am kay Jiro
"Wow, grabe ang tali-talino niya"
"Oo nga, mapasakin lang siya pwede na akong mamatay hihihi"tilian naman ng mga babae, tsk.
"Now you can take your seat Ash, ang galing mo Jiro, how did you come up with that solution?"
"I just knew the answer by just looking at it, but in order to let my classmates understand, I wrote the solution"
"Oh, very well, Ash diba magkapatid kayo? Balita ko iisa lang kayo ng bahay, bakit hindi ka magpaturo sa kanya" sabi ni Ma'am habang tinitingnan ako, hindi ko siya sinagot.
"Oy, galing mo ah, gifted ka ba?" rinig kong bulong ni Kara kay Jiro. Ang arrangement kasi ng upuan namin ay nasa likod sa pinaka gilid at huli ay ako tapos katabi ko si Kara tapos katabi niya Jiro.
"Hindi naman, mahilig kasi akong mag-aral :)" sagot ni Jiro.

Kung nagtataka kayo, kapatid ko Jiro sa ama. May anak kasi sa labas si Daddy at yun ay si Jiro, wala na siyang Mommy patay na kaya nakatira na siya sa amin ngayon sa bahay. Tanggap naman siya ng Pamilya, nag-iisa lang akong anak pero ngayon dalawa na kami ni Kuya Jiro. Kuya Jiro tawag ko sa kanya or Kuya sa bahay kasi sabi ni Daddy dapat may respeto parin. Nakastop ng pag-aaral si Kuya kaya magkabatch kami ngayon, balita ko fast learner at matalino siya, malinis si Kuya at decente. Tahimik lang at laging nagbabasa sa bahay.Wala akong galit or ano mang nararamdaman sa Kuya ko dahil para sakin parang totoo ko na siyang kuya. At sa apilyedo namin apilyedo ng Mommy ni Kuya gamit niya, hindi pa kasi naayos.

Stay with me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon