Chapter 9

40 3 0
                                    

Kara's POV
Napaparami na ang inom ni Ash pero mas marami ang iniinom ngayon ni Jiro. Hindi ko naman sila mapipigilan kasi nagkakasiyahan sila kahit na naguguluhan ako kung ano ba tong ginagawa nilang cheers cheeers. Kung kasiyahan o ano.
"Kara, tulog na si Jiro oh, tara iuwi na natin" sabi ni Angel
"Ahm, sige" sagot ko naman tapos tiningnan ko si Ash na nakasandal sa lamesa
"Kara, ako na mag-uuwi kay Jiro ayos lang ba?" nakakalokong tanong ni Angel
"Huh?" gulat kong sagot
"Ano kasi Kara, si Jiro kayang kaya ko kasi malakas ako, ikaw kaya mo yang si Ash payatot naman e tapos may malay pa kaya niya pang maglakad ng maayos" sagot ni Angel
"E Gel alam mo ba ang bahay nila?" tanong ko
"Ahm, hindi e, pwede ba e take home? Ahm, I mean sa bahay lang muna siya magpapahinga hanggang magkamalay sa kalasingan? Safe naman doon Kara promise hindi ko siya gagalawin?" pakiusap ni Angel
"Ahm, sige. Sige tara sabay na tayong maglakad"sabi ko, kasi malapit lang naman yung mga bahay namin e, walking distance lang
"Ge Kara sa kabilang banda ako ng kalsada para diretso sa bahay at ikaw jan naman,babye ingat" payo at pagpapaalam ni Angel habang hawak-hawak si Jiro sa gilid at naka-akbay si Jiro sa kanya.Naglalakad na siya at nahihirapan habang inaalayan si Jiro pero ngiting-ngiti pa rin.
"Hays, ano kayang nakain ni Angel" bulong ko habang inalalayan ko rin si Ash maglakad
"Eshh,enjje-el!" bulong ni Ash
"Bakit Ash?" tanong ko
"tsk, hindi ka, naman si Angel" sagot niya
"Hindi ka naman ata lasing Ash e, umuwi ka na nga" sabi ko sabay pagbitaw ko kay Ash at pag-alis kamay niyang nakapatong sa balikat ko, pero nagulat ako kasi natumba siya"Aish" sagot niya sabay tingin sakin at papikit-pikit pa
"Cruel" sagot niya
"Ay sorry Ash akala ko kasi kaya mo na"
"Na-hihilo ako" tugon ni Ash
"Tss, halika na" sagot ko habang tinutulang siya at inaalalayan nanamang maglakad, nakita kong malapit na ang bahay namin at pagod narin ako.
"Gusto ko nang magpahinga Ash, kaya mo nang umuwi?" tanong ko
"....." walang sumagot
"Wow, tulog ka na ata Ash" bulong ko, nakarating kami sa gate ng bahay kaya nag doorbell na lang ako*Ding Dong* (Dantes)
*Ding Dong*(Tunog ng doorbell :P)
"Goodevening ma'am hala, si Sir Ash po ba yan? Anong nangyari?" tanong ni Yaya na sumalubong sakin
"Opo, nalasing e" sagot ko
"Haay yaya lusheeng" sabat ni Ash
"Hello po Sir Ash" sagot naman ni Yaya
"Sus, yaya nagloloko lang yan kunwari lasing tss" sagot ko, diniritso namin si Ash sa loob ng bahay nang makarating ako sa Sala ay nakita kami ni Mommy
"Oh anak, anyare kay Ash?" tanong ni Mommy
"Wala mommy, nalasing lang" sagot ko
"Ano? Bakit nalasing? Anong problema?" nag-aalalang tanong ni Mommy
"Goodevening Mommy" sabi ni Ash habang nakapikit parin
"Oh Ash ayos ka lang?" tanong ni Mommy
"Nahihilo po ako Mommy"sagot ni Ash
"Mom, pwede bang bukas or mamaya na kayong mag-chikahan, napapagod na kasi ako e, ang bigat ng kamay ni Ash at Ash huwag mo ngang ma mommy mommy si mommy" sagot ko
"Okay" tipid niyang sagot
"hahaha ano kaba naman Kara sanay na ako, sige ikaw nang bahala jan sa batang yan, papasok na ako sa kwarto" pag-papaalam ni Mommy
"Bye daddy" singit ni Ash
"Anong daddy?" tanong ni Mommy
"Ayaw ni Kara ng Mommy e haha" sagot naman niya
"Tsk. Tara na nga" sabi ko sabay akyat sa kanya papuntang kwarto ko. Tinawag ko si Yaya at nagpadala ako ng pangpunas kay Ash nang maaliwaswasan sa pagkalasing.Tulog na si Ash. Pinunasan ko lang siya at pinagpalit ng T-shirt. Binantayan ko, nakahiga siya sa kama ko at nakaupo ako sa gilid naghihintay na gumising at tumino ang utak, hanggang sa inaantok na ako.

Stay with me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon