Chapter 4

59 5 0
                                    

Monday Morning 6:25 a.m

ASH POV
Naglalakad kami ni Kuya papuntang school at dating gawi dinaanan namin si Kara.
"Oh Kara ang aga mo ata at naghihintay ka na jan sa gate niyo" sabi ko
"Hindi ah, kakalabas ko lang"
"Goodmorning Kara :)"
"Goodmorning din Jiro" sabay ngiti niya
"Tulungan na kita, ako na magdadala niyang gamit mo" alok ni Jiro, kaya nauna na lang akong maglakad sa kanila dahil alam kong ma o-OP lang ako sa bestfriend ko at Kuya ko.Habang naglalakad ako ay may nakita akong 3 lalaki na pinagtritripan ang bata.
"Mga kuya wala po talaga akong baon"
"Anong wala?! Sa Ace Academy ka nag-aaral tapos wala kang baon! Kami pa niloloko mo"
"E scholar lang po ako"
"Sus, di mo kami bibigyan ah, akin na yang bag mo" kinuha naman nung isa yung bag ng bata at hinalungkat at tinapon ang mga papel sa bag. Kaya nainis ako at nilapitan sila
"Hoy! Langya naman pati bata pinapatulan niyo!"
"At sino ka naman? Ikaw ba ang kuya ng payatot nato?!"
"At bakit ha?! Ang lakas ng loob niyong abusuhin ang bata porket malalaki kayo!"
"Puro ka salita bata! Halika dito at makikita mo!" sigaw nung isang lalaki tapos nabigla ako ng bigla akong sinuntok! Kaya naman nagsuntukan kami, 3 sila medyo malaki lang naman tapos isa lang ako, ayos diba!
"ASH!" rinig kong sigaw ni Kara, kaya tiningnan ko at paglingon ko may sumuntok agad sakin.Nilapitan nung isang lalaki si Kara at muntik nang suntukin din pero dumating si Kuya. Ang sakit na ng panga at ng tagiliran ko. Nasuntok pa ako at napatapon ako sa gilid. Habang si Kuya naman ang nakikipag suntukan at ang galing niya. Sinipa niya yung isa nang pagkalakas lakas kaya lumipad sa gilid tapos yung dalawa naman ay kinombo niya ng suntok. Ang galing galing ni Kuya. Nanalo si Kuya nang wala man lang sugat habang ako, talo na nga bugbug sarado pa.Tumayo ako kahit mahirap at inayos ko ang gamit nung bata.Hindi ko namalayan na katabi ko na pala si Kara at kinausap niya yun bata.
"Ayos ka lang ba?"
"Opo ate, salamat sa inyo"
"Tara sabay ka na samin pumasok, saan ba nanay mo?"
"Nagtratrabaho na po si Mama, may binili po kasi ako kaya natagalan ako"
"Ahh,sa susunod mag ingat ka ha" sabi ni Kara sabay gulo sa buhok ng bata
"Ito bag mo oh" abot ko sa bata
"Sige po kuyas, ate mauna na ako, salamat" at tumakbo na yung bata.
"Oh Ash, ayos ka lang ba?" tanong ni Kara
"Ahm, syempre naman, lakas ko kaya" biglang ayos ng tindig at paglalakad ko naman kahit masakit na gilid ko.
"Sus, yabang mo, kung wala si Jiro siguradong sobrang bugbog ka!"
"Ash, sa susunod bago ka sumulong siguraduhin mong kaya mo nang hindi ka umabot sa ganyan tss."

"Sorry naman kuya, naawa kasi ako sa bata"
"Oo nga Ash buti na lang talaga at nanjan si Jiro" commento naman ni Kara
"Opo sige na po tsk. Sorry ah, hindi kasi magaling e, hindi ako perpek e"
"Tss." Sagot ni Jiro.
"Sige na Ash, tara hatid na kita sa clinic" anyaya ni Kara
"Pabayaan mo siya Kara nang matuto siya na huwag sumulong ng sulong" sagot ni Jiro
"Ah, oo nga Kara, sige mauna na ako sa inyo" pagpapaalam ko sa kanila.Ang sakit, hindi ko alam pero masakit. Saan nga ba ang mas masakit sa nararamdaman ko ngayon.

Stay with me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon