Chapter 10

116 4 0
                                    

Ash POV

Hirap akong ibuka ang mga mata ko dahil parang ang bigat ng katawan ko. Pero parang mas nabawasan pa nga ito sa naramdaman ko kanina, pagkamulat ko ay nakita ko si Kara sa gilid ko na nakaupo at nakatulog. Kaya naman pinilit kong bumangon at buhatin siya pahiga sa kama. Pagkahiga niya kinuha ko ang kumot at binalot sa kanya.Habang nakatayo pa ako sa gilid niya pinagmamasdan ko siya habang natutulog, iniisip ko kung ano na kaya ang panaginip niya? Kasali kaya ako doon?Yumuko ako at sinara ko ng kaunti yung bunganga niya, kasi medyo nakanganga na e haha, pero nagulat ako ng minulat niya ang mga mata niya at tumingin sakin. Hindi siya nagsasalita at nakatitig lang siya sa akin, habang ako naman hindi ko rin alam ang gagawin ko at tinitigan ko lang siya. Yung mga mata niya at mata ko lang ang parang nag-uusap,walang umiimik, walang gumagalaw.
"Bakit?" biglang tanong ni Kara nang napakaseryoso. Hindi ko alam anong ibig niyang sabihin sa tanong niya? Kung bakit ko ba siya tinititigan? Pero pakiramdam ko may ibang kahulagan ang tanong niyang bakit kaya hindi ako nakasagot.
"Ash, bakit?" tanong niya ulit
"Ahm, anong ibig mong sabihin Kara?" tanong ko habang iniwas ko ang tingin ko at umupo sa kabilang dulo ng kama
"Bakit ka ganyan" tanong niya
"Anong ganyan? Hindi kita maintindihan" sagot ko
"Masaya ka ba para sa akin Ash?" tanong ni Kara
"Syempre naman, masaya ka e" sagot ko
"Masaya ba ako?" tanong ulit ni Kara, kaya nilingon ko siya
"Masaya ka naman diba?" tanong ko
"Hindi ako masaya Ash, ikaw lang ang nagsasabi niyan" sagot niya
"Anong ibig mong sabihin? E ang saya-saya mo nga e, lalo na pagkasama mo si Kuya" sagot ko
"Ash! Fake yun! Hindi mo ba na halata? Ang tanga mo"
"Anong fake? Hindi kita maintindihan Kara e" paglilinaw ko
"Hays Ash, ang bobo mo naman nakakainis" sagot niya sabay takip ng kumot at talikod sakin
"Kara! Tama na nga, alam mo namang hindi ko kasing talino si Kuya, sorry naman" sagot ko
"Ayan nanaman, kinukumpara mo nanaman sarili mo sa kuya mo Ash" sagot ni Kara
"Kara, ano nga! Linawin mo, naguguluhan na ako e" tanong ko
"Ako ang naguguluhan din sayo ASH, ang hirap kasi sayo, akala mo alam mo na lahat!" sagot niya sabay hawi ng kumot at harap sakin
"Ash, kung sinabi ko bang mahal kita, maniniwala ka?"
"Syempre naman bestfriend mo ako e"
"Kung sinabi kong mahal kita higit sa bestfriend?" sagot ni Kara
"Kara, please huwag mo akong pagtripan! Syempre hindi ako maniniwala kasi alam kong mahal mo si Kuya, at magiging kayo na!" sagot ko
"Yan! Yan ang problema sayo Ash! Nagcoconclude ka nanaman, parang ikaw may ari ng feelings at puso ko e, ano yan? Alam mo lahat ng nararamdaman ko? Alam mo?!"
"Bakit,totoo naman e" pagdedepensa ko
"E ako ba Ash! Mahal mo ba talaga ako bilang bestfriend lang Ash?!" tanong ni Kara sabay upo
"Kara" yun lang ang tangi kong naisagot
"Ano?! Sagutin mo ako Ash! Gusto kong malaman ang totoo nang hindi ako mag mukhang tanga sa huli!" pa-iyak na tanong ni Kara
"Kara, hindi pwede" sagot ko
"Putik ka Ash, umalis ka na nga!" sagot naman ni Kara, kaya naman tumayo na ako at dahan-dahang naglalakad papuntang pintuan
"Pag lumabas ka sa pintuan na yan Ash, lumabas ka na rin sa buhay ko, kalimutan mo nang bestfriend tayo, na may pinagsamahan tayo, lahat ng yun Ash, dahil ako gagawin ko din lahat makalimutan ka lang" mahinang bulong ni Kara, isang lakad na lang ay mararating ko na ang pintuan, pero hindi ko magawang lumabas. Bumalik ako sa kama at umupo ulit
"Alis Ash" sabi ni Kara habang umiiyak
"Kara! Huwag ka namang ganyan, hindi ko nga alam anong problema mo, huwag mo naman akong biruin!" sagot ko
"Leche! Ako pa nagbibiro? Ano ako boang na iiyak at magpapaalis sayo tapos nagbibiro lang?" sagot niya sabay bato sakin ng unan
"Kara, mahal mo ba si Kuya?" hindi ko alam pero bigla kong natanong
"...." hindi siya sumagot at nakayuko lang siya
"Kara patawarin mo ako pero hindi ko na kayang itago pa, sige gagawin ko ang sinabi mo Kara, pag lumabas ako sa pintuan na yan kakalimutan ko na lahat. Pero Kara, maniniwala ka ba pag sinabi kong Mahal Kita? Hindi dahil bestfriend kita Kara kundi dahil nahulog na ako sayo matagal na pero hindi ko masabi kasi natatakot akong mauwi ang pinagsamahan natin sa wala, noong dumating si Kuya bigla mo akong iniwan, alam mo bang ang lungkot ko noon? Bakit ganun? Bakit dahil lang sa kuya ko iiwan mo ako? Dahil ba ang bobo ko talaga, ang tanga ko? Dahil si Kuya hindi, dahil siya ideal man mo? Kara, patawarin mo ako, sige."
"Ash, ang tanga mo, ang gago mo, bobo ka, and manhid-manhid mo pa!"
"Alam ko Kara, sige alis na ako" tumayo ako at naglakad pero nabigla ako ng bigla niya akong niyakap mula sa likod
"Ash hindi ko alam kong anong gagawin ko para maintindihan mo na mahal kita higit pa sa pagkakaibigan natin"
"Kara, kung mahal mo ako, sana hindi mo binigyan ng pag-asa ang kuya ko" sagot ko
"Ang tanga mo kasi, ikaw lang hinihintay ko Ash, hinihintay kong sabihin mo yung totoo mong nararamdaman sakin, yung nadulas ka at nasabi mong mahal mo ako ng higit pa sa bestfriend pero binawi mo, noong dumating ang Kuya mo, siya lang ang nasabihan ko ng nararamdaman ko kasi ang tanga mo. Sinadya kong mapalapit sa kuya mo kasi umaasa akong, ipaglalaban mo ako Ash, na dahil doon ay aamin ka sa totoo mong nararamdaman.Naghihintay ako ng pagkakataong makita kang magselos na aagawin mo ako sa Kuya mo, na sasabihin mo na mahal na mahal mo ako! Pero Ash! Bakit hindi mo iyon nagawa? Wala kang ginawa Ash kung hindi bigyan kaming dalawa ng oras! Ako pa nga ang nagseselos sayo e, sa tuwing nagkwekwentuhan kayo ni Angel, sa tuwing naghahabulan kayo, ako ang nagseselos kaya nagagalit na ako sa sarili ko Ash! Kung tama ba ang ginawa ko. Ash ginawa ko yun para ipaglaban mo lang ako, pero hindi mo ginawa dahil pinaubaya mo ako, ang sakit nga e kasi ikaw pa ang nagtutulak sakin sa Kuya mo. Noon tinext mo ako na sinabi mong magiging masaya ka pag kami na ng Kuya mo. Iyon ang pinakamasakit na text na natanggap ko, ang sabihin ng taong mahal mo na maging masaya ka sana sa iba!" bumitaw si Kara sa pagkakayakap sa akin at nararamdaman kong basang-basa na ng luha ang damit ko. Nilingon ko siya
"Sige Ash, total ikaw naman ang may hawak sa buhay mo. *Sobs* bahala ka na *sobs*" sabi ni Kara habang umiiyak
"Kara, patawarin mo ako at naging duwag ako, nanghuhusga agad ako, hindi ako nagtiwala sayo o sa nararamdaman ko. Patawarin mo ako Kara" naluluha kong sinabi
"Ang tanga tanga ko talaga kahit kailan, Kara, please. Hindi na kita sasaktan pa ulit" pinunasan ko ang luha niya at naglakad ako papuntang pintuan nila, dahan-dahan kong inikot ang doorknob at binuksan ito
"Tsk. aalis ka na, iiwan mo ako? Langya,wala kang kwenta" rinig kong sinabi niya pero lumabas ako ng pintuan at sinara ito. Umiiyak ako ngayon, at alam kong ang luha nato ay worth it sa lahat. Nasasaktan ako pero nagagalit, pumunta ako ng kitchen nila, kumuha ako ng tubig uminom tapos nilagyan ulit ang baso ng tubig. Masaya ako at nanghihinayang sa mga panahong nasayang ko, bumalik ako sa kwarto pero pagbukas ko pa lang ng pintuan ay naririnig ko na ng malakas na iyak ni Kara. Nakita ko siya iyak ng iyak habang yakap yakap ang unan at nakadapa. Iiyak dapat ako pero tumatawa ako ngayon at hindi ko na natiis
"HAHAHAHAHHAHAHHAHAHHA!" tawang-tawa ako na napaupo ako at nalagay ang baso ng tubig sa sahig
"Araaaay!" sigaw ko, dahil binato niya ko ng ALARM CLOCK!
"Hayop ka! Gago! Bakit kapa bumalik! Umalis kana! " sigaw ni Kara sakin
"Masakit yun kara ah! Aray!" binato niya ulit ako ng unan pero tumayo na ako at kinuha ko ang tubig na dala ko, nilagay ko sa may mesa sa kama ang baso ng tubig at kumuha ng panyo, pinunasan ko ang luha niya pero pinalo-palo niya ako
"Umalis ka na sabi, wala kang konsensya tumatawa kapa!" iyak niya
"Shhhh. ikaw naman namiss mo agad ako, kumuha lang naman ako ng tubig kasi iyak ka ng iyak tsk"
"Gago ka talaga forever! Huhuhu" iyak na naman niya
"Ano ba kasing inisip mo? Ikaw ha! Nagcoconlude ka agad ng mga bagay! Hindi ba ayaw mo nun?" tanong ko
"Umalis ka na sabi!" sigaw niya
"Shhhhhhhhhhhhh" niyakap ko lang siya habang pinalo-palo niya ang dibdib ko, nakangiti parin ako hahahaha, at nung tumahimik na siya ay binigay ko ang tubig at pina-inom sa kanya.
*Knock*Knock Nagulat kami ng may kumatok sabay bukas ng pinto at iyon ay si Mommy
"Oh anak anong problema niyo?" tanong ni Mommy
"Wala po Mom" sagot ni Kara
"Oh, bakit ka umiiyak?"
"Si Ash po, inaway ako"
"Nako, huwag po kayong maniwala sa kanya Mommy, ayaw lang niyang iwan ko e hahaha" sabat ko kaya naman siniko niya ako
"Sus, kayo talaga, walang pinagbago parang mga bata parin, oshaa matutulog na ulit ako, hinihintay rin ako ni Daddy e haha Goodnight sa inyo anak" sabi ni Mommy sabay alis
""Goodnight"" sabay naming sagot
"Ano ba Ash,sakin nag goodnight si Mommy!"
"Sus, anak din ako ni Mommy no!" sagot ko naman
"Feeling, assuming Ash" sagot niya
"Ases, kung sabihin ko sayong pakasal na tayo ngayon e, official mommy ko na siya hahahaha" sagot ko naman
"Tsk. bahala ka matutulog na ako, pinaiyak mo pa ako, ang sama mo" sagot niya sabay punta sa kama niya at nagtakip ng kumot at tumalikod sakin at ayun matutulog na daw, kaya biniro ko nanaman, pumunta ako ng pintuan nilakasan ang pag pihit sa doorknob at lumingon agad siya.
"Oh? mamimiss mo agad ako honey? Hahahahhahahahaha" pang-aasar niya
"Che Tarantado!!" sagot niya, kaya sinara ko na pinto at matutulog na rin ako. Tumabi ako sa kanya at niyakap siya pero sinuntok niya lang ako
"Ano ba Ash! Huwag ka nga dito feeling mo ah!"
"Sige ka, aalis ako!" banta ko sa kanya"
"As if naman kaya mo!"
"Sus, As if din naman kaya mo!" sagot ko
"Gaya-gaya!"
"Totoo naman e, mamaya umiyak kapa!"
"Bakit? umiyak ka rin naman ah!" sagot niya sabay upo sa kama
"Sus, joke lang yun sakin!" at pati narin ako napatayo
"Anong Joke?! Totoo ba yan?! Ha?!"tanong niya
"Oo naman, ayoko sayo e, doon na lang ako kay Angel, mabait na hindi pa nang iiwan!" pang-aasar ko pero nagulat ako at nagbago ang anyo ng mukha niya
"Sabi ko na nga ba e! May gusto ka na sa Angel na yun kaya pumayag ka nang lumayo ako ng tuluyan sayo, kaya naman pala e, ANGEL HA! SUS! KAININ MO YUNG ANGEL NA YUN WALA AKONG PAKE SA INYO! BOBO KARIN NAMAN,BUTI PA YUN" hindi niya natuloy ang pagdadaldal niya dahil hinalikan ko na siya."Oh? dadaldal kapa?" Tanong ko
"Che" sagot niya sabay higa nanaman at takip ng kumot
"Haha kinilig ka honey?" pang-aasar ko pero hindi sumagot
"Yieeee. First kiss hahahahaha" pang-aasar ko ulit pero ayaw niya talaga sumagot haha kaya humiga narin ako at niyakap ko lang siya "I love you Kara,please stay with me" bulong ko at pinikit na ang mga mata ko.

A/N: Hi Guys, salamat sa pagbabasa.Please Don't forget to Voment :)

Stay with me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon