Chapter 8

62 3 0
                                    

ASH POV

"Hoy Ash! Ano nanaman bang naisip mo at ako ang pinagtritripan mo ngayon?" tanong ni Angel
"Angel, naguguluhan na ako" sagot ko
"Alam mo Ash ako ang naguguluhan sayo e, hindi ko nga alam bakit mo ako dinala dito? Anong iniisip mo? Anong ibig mong sabihin? An-" hindi na ituloy ni Angel ang sasabihin niya dahil nagsalita ako
"Ang sakit sakit na kasi, hindi ko alam ang dapat kong maramdaman, Angel yung kanina na sinabi ni Kara, yung nagcoconlude"
"Ah yung sa filipino, ikaw ba pinapatamaan niya?"
"Oo tingin ko""
Oh, ikaw naman pala, siguro nga gumagawa ka ng sarili mong ending Ash at padalus-dalos ng iniisip?" tanong ni Angel
"Pero Angel, kasi diba sabi ko sayo sila na, pero kanina narinig ko parang kanina lang ni Kara sinagot si Kuya
""Pero sabi mo sila na noong isang araw pa!" gulat na tanong ni Angel
"E yun nga yung akala ko e! Kanina noong sinabi ni Kara na nagcoconclude ako agad, napaisip ako. Siguro nga ang bilis kung mag-isip pero wala na rin e, sila na naman kanina e"
"Ash, pero malay mo hinihintay ka lang ng bestfriend mo at matanong ko lang Ash, anong nangyari sa inyo?!"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Diba nga bestfriends kayo? Bakit bigla kayong nagkalabo-an?
""Hindi ko alam, simula nang dumating si Kuya ganun na e"
"Ash, ano bang seryoso niyong huling pinag-usapan?" seryosong tanong ni Angel
"E bakit ba?"
"E kasi Ash kaming mga babae minsan nagtatampo kami kasi may mga nangyayari or nasasabi ang isang tao kaya siguro na ganun si Kara"
"Sabagay pero wala akong maalala na seryosong usapan namin e"
"Hay ano ba yan, hindi mo pa nga kasi iniisip e, isipin mong mabuti" anya ni Angel
"Ay! Alam ko na" sagot ko makalipas ang ilang minuto
"Oh ano?"
*Flashback*
"Ate pabili nga niyang strawberry tapos chocolate flavor! Tig iisang scoop lang po" sabi ni Kara sa vendor ng ice cream sa food court
"Heto ho" sabay bigay ni ate samin ng ice cream
"Kara patikim nga niyang strawberry" pakiusap ko
"Hmm, sige pero dapat masagot mo tanong ko!" sagot niya
"Sus, may patanong-tanong kapa! Game" sagot ko naman
"Sino ang pinakamagandang babae sa mundo?" tanong niya
"Syempre ikaw! Haha patikim na dali!" sagot ko
"Asus! Binobola mo naman ako tsk, pero sige ayan oh!" alok niya ng ice cream
"Yum! haha ngayon ikaw gusto mo nito Kara? Tatanong din ako!"
"Sus, sige nga!"
"Sino ang pinakagwapong nilalang?" tanong ko naman
"Syempre si Ash! Ash Villaverde!" proud niyang sagot
"Yiee. Kaya gusto kita e! kasi ang honest mo! Haha" sagot ko naman
"Ano? gusto mo ako? Hindi mo ako mahal?" biro ni Kara

"Hahaha syempre mahal kita pero higit pa sa bestfriend bleeh!" sagot ko
"Huh? ano ulitin mo nga?" takang tanong ni Kara
"Ahm wala hahahaha sabi ko tara doon!" sagot ko naman habang tinuturo ang World of Fun
"Hindi e, sabihin mo kasi ulit! Ano nga yun"
"Wala nga kara e!"
"Sige na, ano kasi!"
"Wala nga sabi e!"
"Talaga bang wala?!""
Oo wala, tara!" sagot ko naman, muntik na kasi akong mabuko e.
*end of flashback*

"Ah yun naman pala e, narinig ka kaya niya?!" tanong ni Angel
"Ewan ko nga e, sana hindi, pero baka narinig niya kaya nga ayokong marinig niya e, kita mo ano nangyari ngayon? Baka dumidistansya siya sakin kasi umiiwas siya. Kasi alam niyang mahal ko siya na higit pa sa isang bestfriend at ayaw niya sakin kaya siguro ganun! Lintik! Bakit ngayon ko lang naisip!" sabi ko
"Aba, Ash siguro naman kung narinig ka niya ay sinabi niya sayo kung anong nararamdaman niya hindi yung didistansya na lang siya na walang pasabi diba?"
"Pero baka na inlove lang talaga siya sa perfect kong kuya at nawala lang ang halaga ko sa kanya"
"Kawawa ka naman Ash at kawawa din naman ako pag na inlove ng lubos sa kanya si Jiro, wala na akong pag-asa Ash"
"Hmmm Angel, paano kung tayo na lang?" tanong ko ng seryuso
"Ano? Ikaw? Ako? Tayo?! Ulol! Porket pareho tayong na reject tayo na agad mag teteam up? Ano to teleserye ng na narereject? :3" iritang sagot ni Angel
"Ahahahahahaha, binibiro ka lang e! hahahahaha" pagtawa ko 
"hmmm pero alam mo Ash siguro kung drama man ang buhay natin, e nag team up na tayo para mapaghiwalay na natin yung dalawa at magkaroon tayo ng sariling ending" kwento naman ni Angel
"Sus, hayaan mo na sila. Kalimutan na lang natin. Salamat Angel ah at nakikinig ka sakin, pasensya na sa storbo
""Ano ka ba Ash walang anu man"

ASH POV
Naglalakad na kami ni Angel pauwi.
"Ash!" rinig kong may tumawag sakin pero hindi ko nilingon
"Ash! Angel!" tawag niya ulit
"Oy! Jiro! Bakit?" huminto si Angel at tinanong si Kuya kaya huminto rin ako pero hindi ako lumingon
"Sumama kayo samin ni Kara! Tara celebrate!" tuwang-tuwang alok ni Kuya
"Pass muna kuya" sagot ko sabay lingon sa kanila
"Ano ba Ash! Huwag ka ngang kj!" sabat ni Angel
"Bahala ka, mauna na ako" sabi ko habang naglalakad pauwi
"Huwag mo nang pilitin Jiro" rinig kong sabi ni Kara
"Hindi ,sasama yan, teka Jiro at Kara wait lang" sabi ni Angel
"Ash! Teka nga!" tawag ni Angel 'Hindi ko pinansin at naglalakad parin ako'
"Ash! Ang sama mo naman, sige na ako naman magfafavor sayo! Total ako naman lagi nakikinig sayo e, sige na bigyan mo naman ako ng chance makasama si Jiro!" pakiusap ni Angel
"Alam mo Angel ginawa mo naman akong boyfriend mo na humihingi ka pa ng permiso! Pwede ka namang sumama sa kanila e. Shoooo!" sabi ko
"Ash! Ang awkward naman nun e, sige na please?" pagpapacute pa niya
"Tss. Ang kulit mo! Mukha kang aso! Tama na nga tara!" sumama na lang ako kahit ayokong mag celebrate Pumunta kami ng mini bar at nakahanap agad ng pwesto si Kuya
"So guys order lang kayo ng order treat ko" pag-aalok ni Kuya
"Sige Jiro ah! Ikaw din ba libre?" tanong ni Angel
"Psh. Desperada" commento ko
"Ha?" agad namang tanong ni Kuya
"Ah, hahaha wala Jiro biro lang hahaha peace Kara" sabay niyang lingon kay kara at peace sign, nag smile lang si Kara
"Ahm Jiro ano palang ececelebrate natin?" tanong ni Angel,yun nga rin tanong ko pero alam ko naman bakit e.
"Kasi naman pumayag na si Kara" sabi ni Jiro 'tss. Sabi ko na e, sila na' bulong ng utak ko
"pumayag na siyang ligawan ko" ngiti ni Jiro
"NGE?!" reaksyon ni Angel
"hahahahahahaha" nagulat naman ako ng tumawa si Kara
"Oh bakit?" tanong ni Kuya
"Wala lang, akala ko kasi kayo na Jiro e haha ang saya mo kasi" sabi ni Angel
"Hahaha, malapit na sus! Ako pa crush ako neto e" sabay gulo ni Kuya sa buhok ni Kara, tumingin naman sakin si Kara pero walang experssion sakin.
"Dapat ba akong magcongrats kuya?" tanong ko
"Huh? Ano kamo Ash?" tanong ni Kuya
"Sabi ko congrats sa inyo, sana maging kayo" sagot ko
"Ahem" nasamid ata si Kara
"Oh, Kara, ayos ka lang?" agad naman tanong ni Kuya
"Wait, cr lang ako" pagpapaalam ni Kara
"Kara sabay na tayo" sabat nanaman ni Angel
"Sige" sagot ni Kara
"Oh Jiro, inom kana heto" pang-aalok ni kuya nang lagyan niya ng maiinom yung baso ko
"Sige" at ininom ko naman kaagad
"Teka lang, isa pa oh, sabay kasi tayo tsk" nilagyan niya ulit baso ko
"Para sa amin ni Kara, cheers bro!"
"Cheers!" sagot ko naman kahit masakit kaya ko
"Para sa kasiyahan ni Kara" sigaw ko naman sabay cheers
"Oh mukhang nagkakasiyahan na kayo ah" sabi ni Angel nang dumating na sila
"Hindi naman masyado" sabi ni Kuya
"Angel inom ka din oh" sabi ko sabay alok
"Ayoko Ash, hindi ako umiinom" sagot niya
"Ikaw Kara?" tanong ko
"Ayoko Ash salamat na lang" tugon naman niya
"Huwag mo siyang painomin Ash, hindi maganda sa babae umiinom" sabat ni Kuya
"Para sa Kuya kong PERFECT CHEEERS!" sabay taas ng baso ko, kahit hindi ako lasing pakiramdam ko lasing na lasing na ako at gusto kong ibuhos lahat ng hinanakit ko sa pag-iinom
"Hahahah! Para kay Ash na mabait!" si Kuya naman
"Para sa Bestfriend ko!" tiningnan ko naman si Angel
"Ash, tama na" payo ni Angel
"Psh. Ano kaba Angel bestfriend na nga tayo oh, bagong bestfriend!" sagot ko naman
"Para sa kasiyahan natin"si Kuya naman

Stay with me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon