Chapter 5

61 3 0
                                    

ASH POV

"Class! Silence! Tumahimik nga muna kayo jan!" sigaw ni Ma'am Adviser sa amin
"So tulad ng sinabi ko kanina, matutuloy na ang Seniors Ball niyo at next next week na yun kaya yung nabunot niyong partner noon iyon parin ang partner niyo.
"Pero Ma'am! Paano po iyong nagabsent noon? Unfair!" reklamo ng isa kong kaklase
"Tatlo lang naman ang absent noon diba? Ikaw, si Kara at si James! So kayo na ang bahala sino partner niyo!"
"E ma'am kulang po ng isa!"
"Hindi, tama na, nakalimutan niyo na bang nandito si Jiro!"
"Ay oo nga pala, halata namang sila ni Kara ang partner e tsk!"yamot na sabi ng kaklase ko
"So yun na nga, so malinaw na ba lahat ng sinabi ko?"
"YES MA'AM" Sigaw nilang lahat.
"So magsimula na kayong magpractice!"
"YES! YES!" Kanya-kanya na silang punta sa partner nila at pumunta naman ako kay Kara pero kausap niya si Kuya at bigla na lang magkahawak ang kamay nila at lumabas ng classroom.Lumabas din ako ng classroom naglakad ng mabilis at hinanap sila
"ASH! HINTAY!"
"OH?" huminto naman ako at nilingon si Angel
"Ano ba?! Iiwan mo na ako doon? Nakalimutan mo na bang ako ang partner mo?" tanong ni Angel
"Ay oo nga pala, pero magprapractice pa naman ng sayaw e"
"Kaya nga! Magpractice tayo?!"tanong ni Angel, lumingon-lingon ako at hinanap ko si Kara, nabigla ako nang nakita ko siyang sinasayaw ni Kuya, nagprapractice din pala sila.
"Oh ASH! ANO NA!" sigaw ni Angel
"Oo na, tara doon" sabi ko sabay turo sa Music Room. Nang makarating kami sa music room ay sinisilip ko parin sila Kara, tanaw na tanaw kasi sila dito. Nakangiti si Kuya habang marami ang nakatingin sa kanila habang si Kara naman ay hindi mapakali. Siguro sa sobrang saya ni Kara ay nahihiya siya kay Kuya. Ang ganda naman, bagay sila.
"Hoy Ash! Ano ba!" sabay batok sakin ni Angel
"Bakit mo ba ako binatokan ha!"
"E kanina ka pa jan tulala e, boang!"
"Anong boang?! Baka ikaw!"
"Teka!"sabi ko sabay tingin sa bintana, natatanaw ko si Kara na parang nakatingin sa direksyon ko tapos biglang umiwas.
"Ano na naman Ash?!" tanong ni Angel
"Pasensya na Angel, may nangako kasi sakin e"
"Oh? ano namang pangako?"
"Tuturuan niya daw akong sumayaw, siya daw ang magiging first dance ko at ako ang first dance niya"
"Oh? Anong connect ko doon? E magprapractice lang naman tayo?!"
"Eh kasi pag magprapractice diba, dance narin yan."
"Arte mo Ash, sino ba kasi yan?!"
"Wala, hintayin muna natin please?"
"Sige na nga, pinagmumukha mo akong tanga sa readers e"
"Angel pag nangako kaba, gagawin mo?"tanong ko
"Aba syempre may word of honor ata ako"
"Eh paano naman kung may nangako sayo tapos hindi niya nagawa?"
"Aba, magagalit ako. Nangangako tapos hindi gagawin? Sus mabugbug ko yun e"
"Ahh"
"Teka nga Ash ano bang nangyayari sayo?" tanong ni Angel
"Wala lang, hinihintay ko kasing tuparin yung pangako niya pero pang hindi na matutupad kasi ginagawa na niya sa iba"
"Teka nga Ash? Huwag mong sabihin iiyak ka?"
"Huh?Ako iiyak? Hindi ah, hindi ako bata no?"
"Ash,naiiyak ka na e, alam mo uso rin ang umiyak, try mo"
"Ayoko, wala akong dapat iyakan kasi ang pag iyak ay para lang sa mahihina ang loob"
"Malakas ba ang loob mo Ash?"
"Oo naman :) " sabi ko sabay ngiti
"Sus, bakit Ash? Sino ang nangako na isasayaw ka tapos wala dito ngayon?"
"Aba paano mo nalaman?"
"Hay naku Ash sinabi mo na e, matalino ako, ano ba!"
"Ahh, si Kara, teka ha" tumayo ako at tumingin ulit sa bintana para tingnan sila
"Ahh, si Jiro at Kara, ang saya nila ano, ang swerte ni Kara, bagay na bagay sila,crush ko pa naman si Jiro, hays, ang gwapo, talino, bait , tangkad, Mr.Perfect ano Ash?"
"Hoy Ash!""Hala! Ash naiiyak ka na, sorry, may nasabi ba ako Ash?" tanong ni Angel habang nakatingin sakin na nakaupo at nakasandal na lang sa pader
"Wala naman, tama naman lahat ng sinabi mo e, ewan ko nga bakit parang nasasaktan ako"
"Ash, alam ko na. Bestfriend kayo ni Kara diba? Ang close close niyo noon ngayon hindi na kasi nanjan na Kuya mo, nasasaktan ka ba dahil sa Kuya mo Ash? O dahil sa nararamdaman mo kay Kara?"
"Hindi ko alam, hindi ako nasasaktan"
"Ash, okay lang magpakatotoo promise secret lang natin, ano ba kasing problema mo?"
"Angel"
"Ash"
"Angel"
"Ash"
"Angel"
"Ano nga ASH!"
"Close tayo?!"
"Gago ka!"
"HAHAHAHAHAHAHAHHAHA"
"Bahala ka nga sa buhay mo! Jan ka na! Ako nalang magprapractice!" asar na sabi ni Angel at tumayo
"Hahaha, huwag na turuan mo na ako" sabi ko
"Ayoko, hindi mo naman sasabihin problema mo e"
"Wala yun,hayaan mo na ang nararamdaman ko, hindi naman ito mahalaga e"
"Ano nga kasi""Ang kulet! Sige na nga, nasasaktan ako pero natutuwa at the same time sa tuwing makikita ko si Kuya at si Kara na masaya."
"Mahal mo si Kara Ash?"

"........................."
"Hmmm. Siguro galit ka sa Kuya mo ano? Sinisisi mo ba siya Ash?"
"Hindi ako galit sa kuya ko kasi wala siyang kasalanan, ako lang naman may kasalanan e, kaya walang dapat sisihin. Ako lang naman kasi ang umasa na may mangyayari na higit pa sa bestfriend at umasang matutupad ang pangako"
"Pero Ash posibleng mangyari iyon kung hindi dumating ang Kuya mo"
"Walang kasalanan si Kuya, tama ang lahat ng mga nangyayari Angel, kaya huwag ka na at mag practice na tayo"
""Haha, alam mo Ash akala ko masungit ka, walang sense, lokoloko at basagolerong nilalang! Iba ka pala pag nakausap na hahahaha"
"Grabe ha! Salamat sa insulto!"
"Pero totoo Ash, si Kara lang kasi ang lagi mong kasama noon at bakit ka nga masungit sa iba at pagdating kay Kara ngiti ng ngiti! Ay bakit pa nga ba ako nagtatanong hahahahaha"
"Masungit ako dahil ayoko sa iba, gusto ko si Kara lang, kay Kara lang ako masaya kaya kontento na ako, wala akong pakialam sa ibang babae.Pero ang sakit pala na yung taong nagpapasaya sakin at yung taong inaasahan ko ay biglang mawawala sakin"
"Ash, anjan pa si Kara oh, buhay na buhay anong mamawala sayo pinagsasabi mo!"
"May boyfriend na siya e, sila na ni Kuya!"
"Ano?! Sila na ba?!! SO YOU MEAN WALA NA AKONG PAG-ASA KAY JIRO?!!!"
"Halata namang sila na kahit hindi natin itanong e""
Sa bagay may point ka Ash"
"Tara na practice na tayo"

Stay with me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon