Chapter 10

6.2K 239 1
                                    

Lavinia’s P.O.V.

Nagising ako mula sa sinag ng araw na tumatagos mula sa nakabukas na balkonahe ng silid. Nanatili akong nakahiga sa kama ng ilang sandali pa bago tuluyang bumangon. Napahikab ako sa pinagsamang antok at pagod kahit pa kakagising ko lamang. The ruckus that had happened in the previous days had finally catch up on me, making me feel really tired and a bit dizzy. Ilang sandali pa ay napagpasyahan ko na ang tumayo sa kama at saka magshower. Hindi maaayos ang problema ko sa pamamagitan ng pagtitig sa blankong kisame maghapon.

Habang ninanamnam ko ang paghaplos ng maligamgam na tubig sa aking balat ay hindi ko maiwasan ang alalahanin ang nangyari kagabi. Mga taong lobo, isang bagay na ang akala ko ay isa lamang kathang isip at produkto ng malikot na imahinasyon ng mga manunulat. Isang bagay na alam kong marami ang naghahangad na makatuklas subalit sadyang mailap sa karamihan. Sa pagkakataong ito ay hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko kung totoo rin ang bampira at witches. Some says that they are nothing but a product of human imagination driven by fear. Subalit sa mundong puno ng mysteryo, mayroong mga bagay at kaalaman na sadyang nakatago upang maprotektahan ang balanse ng mundo. Ignorance is a bliss they say, and I agree with it. The more we learn, the more we tend to destroy ourselves and our world. The more knowledge you possess, the more powerful you’ve become, the less compassion and empathy you feel.

Are you familiar with the quote that says ‘what you don’t know won’t hurt you’? That bullshit is proven to be true multiple times. Sa mga sandaling ito ay ang tanging hinihiling ko lang ay sana hindi ko nalaman ang totoong pagkatao ni Pyro at Greyson. Sunod sunod na tanong ang nabuo sa isip ko dahil sa nalaman ko kagabi. Tinulungan lang ba nila ako dahil sa mate nila ako? What if I am not? Will they hand me directly to the enemy and judge me without giving me a chance to defend myself? Umintak ang sakit sa puso ko sa isiping iyon. Masakit lang isipin na tinulungan ako ng mga ito hindi dahil sa palagay nila ay inosente ako kundi dahil mate nila ako. Sometimes, no matter how good the actions are, if the intention behind is crooked it will never be justifiable.

Pinahid ko ang luha sa mga mata ko at saka tinapos na ang paliligo. Hindi pa ako handang harapin ang dalawa subalit alam kong hindi rin makakatulong sa akin kung patuloy akong magkukulong sa loob ng silid. I’ll do what I need to do which is saving Rylan first, kill the man behind the ambush the other night and decide if I am ready to accept Pyro and Greyson in my life.

Pagkatapos kong magbihis ng simpleng T-shirt at cotton short ay nagpasya na ang akong bumaba. Naabutan ko si Pyro na nasa harap ng oven. He seems to be cooking something and from the wonderful smell that’s fogging this whole kitchen, I can say that it is going to be a delicious one.

“Good morning gorgeous.” He said as he turn to look at me with a charming smile painted on his lips. Imbes na sagutin ang pagbati nito ay tinaasan ko ito ng kilay.

“Are you a bipolar or what?” Hindi maiwasang tanong ko rito. One time he is sweet as candy, then the next moment he is as possessive as fuck and then the next second he will be a complete asshole.

“Nope,” Nakangising sagot nito sa akin habang hinahainan ako ng isang toast na pinaibabawan ng iba’t ibang uri ng cheese. “I’m serious about what I told you last night Lavinia. I’m not gonna allow you to leave the pack premises even after all of the threats has been extinguished.” Sagot nito sa seryoso tono. His eyes held a glint of stubbornness in it as it gleam against the artificial light inside the kitchen.

Wala akong nagawa kundi ang mapabuntong-hininga bago damputin ang inilapag nitong pagkain sa harap ko at kumagat roon. I held a moan the moment the intense flavor of cheese explodes in my mouth the moment it touches my tongue. Pyro put a cup of black coffee in front of me. In his eyes I can see that he is contented on the reaction that he gets from me for the taste of his food.

Bound To The Alphas (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon