Prologue
NAHILA ang aking atensyon mula sa aking pagdarasal ng isang babaeng umiiyak, nakaluhod sya at nakaharap sa altar ng maliit na kapilya ng ospital na ito kung saan ako nanalagi. Kung hindi ako nagkakamali ay mas nauna syang dumating sapagkat naabutan ko na sya pagpasok ko. Kanina ko pa syang napapansin na nakatungo simula nang akoy pumunta dito.Binalewala ko na lamang sya nung una at pinili ko na lamang umupo sa hulihang bahagi ng silid na ito, ngunit habang tumatagal ay palakas nang palakas ang impit na iyak nya. Halata sa pagtaas-baba ng kanyang balikat tanda na sya ay umiiyak. Pinilit kung ituon ang aking atensyon at taimtim na magdasal ngunit patuloy ito sa pag-iyak. Hindi na ako nakatiis at nilapitan ang babae.
“Uhm.. miss,” untag ko sa babaeng umiiyak.
Namamaga na at pulang pula ang kanyang mata nang humarap sa akin ang babae. Halata ang gulat sa kanyang mga mata nang sya ay tawagin ko.
“Sorry, kung nagulat kita” ani ko, habang dinudukot ko ang aking panyo sa aking bulsa.
“P-po” namamaos na tugon nang babae.
“Kanina pa kasi kitang napapansing umiiyak, ito oh, panyo.”
“Hmm, S-salamat po” tugon ng babae na may pilit na ngiting nakakapit sa kanyang mga mukha.
“Sorry ha, naistorbo ata kita sa iyong pagdarasal” sagot ko sa kanya.
“H-hindi po, Salamat po sa panyo”, ani nito at dagliang pinunasan ang kanyang mukhang ngayo’y basang basa dahil sa kaiiyak.
“Alam mo, sabi nila ang pinakamalakas daw na tao, ay mga taong madalas umiyak” usal ko sa kanya.
“P-po” nakakunot ang noo nyang tugon.
“Kasi, ang mga taong daw na mahilig umiyak, ay ang mga taong hindi takot na ipakita ang totoo nilang emosyon.”
Halata ang kaguluhan sa mukha nya nang sinabi ko ito.“Sorry, kung ano-ano nang nasasabi ko, pero sana kung ano man ang pinagdadaanan mo ay malampasan mo.” Dagdag ko pa. “may dahilan lahat nang bagay, lahat nang pagsubok na pinagdadaanan natin ay may dahilan, hindi naman nya tayo bibigyan nang pagsubok kung hindi natin kayang lampasan diba?” sabay tingin ko sa harap kung nasaan ang altar.
“Salamat po..” biglaang sabi nya dahilan kung bakit napabalik ang tingin ko sa kanya. Hindi na pilit ang ngiti na nakasilay sa kanyang mukha.
Ngiti rin ang aking isinukli at nagpaalam na sa kanya.HINDI mawala ang aking ngiti nang maalala ko ang babaeng umiiyak sa may kapilya. Ang saya sa pakiramdam na may napagiti kang tao mula lang sa mga sinabi ko.
Hindi kasi ako mahilig umiyak, kaya humahanga ako sa mga tao katulad nang babaeng iyon na hindi takot umiyak. Para kasing ang sarap sarap umiyak. Ang sarap ilabas nang mga nararamdaman mo sa pamamagitan nang luha.“Ma’am, pwede ko na po ba kayong kuhanan nang dugo?” pag-agaw ng atensyon ko nang nurse na laging naka-assign sa akin at sa iba pang pasyente dito sa mahabang kwarto kung saan ako nanalagi.
“Ah, Sige.” sagot ko sabay nang pag-ayos kung nang higa para makuhanan na ako nang dugo.
Mabilis naman akong nakuhanan nang dugo sapagkat alam na alam na nya kung saan matatagpuan ang mga ugat ko. Matapos akong makuhanan ay mabilis na nagpaalam ang nurse.
Matagal na akong nanalagi sa ospital na ito, I was diagnosed of Ovarian Cancer Stage 4. At first, halos madurog ang buo kong pagkatao nang malaman ko ang kondisyon ko, But, as the days passed by my body was slowly deteriorating. Sobrang nakakatakot, especially when you have no one by your side. My parents passed away long time ago, and the only person I have already left me. It’s like life leave me no choice but to be alone on my remaining days.
I came to a point, that I already accepted my fate. I realized that I am already happy with what life I had. Masaya na ako kasi pinilit ko na lang ding maging masaya at isa pa gusto ko nang makasama ang aking mga magulang at ang pinakamamahal kong anak.Inayos ko ang swerong nakakabit sa mga kamay ko at tinungo ang kapilyang hindi kalayuan sa kwarto ko. Going to chapel everyday became a habit. I always love the ambiance of that place. I always feel like I am at the safest place - a haven. Maybe because there, I can to talk to God without any inhibitions.
Hindi pa man ako nakakapasok ay nadidinig ko na uli ang maliliit na iyak nang isang babaeNanliit ang aking mata para tingnan ang babaeng umiiyak. Napabuntong hininga na lamang ako nang makilala ang babae. Siya ang babae noong isang araw. . Ilang araw ko na din syang naabutan dito, sometimes tahimik lang siyang nakaupo at tila napakalalim nang iniisip, But most of the times ay naiiyak siya katulad ngayon.
Tumabi ako sa kanya at pinatong ang panyong nasa aking bulsa. Buti na lamang ay lagi akong may dalang panyo sa ilalim nang aking gown.
Napataas ang kanyang mukha at gulat ang kumalat sa mukha nito nang makita ako.“Kamusta ka?” tanong ko sa kanya kahit alam ko naman ang sagot.
Ngumiti nang mapait ang babae at ipinagsawalang bahala ang aking katanungan.“Ako nga pala si Elaiza, matagal na ako dito, mga isang taon na rin” tuloy tuloy kung pagpapakilala. “Mamatay na ako, hindi ko nga lang alam kung kailan, basta baka mamaya, bukas o sa isang araw ay wala na ako” dagdag ko pa.
“Bakit nyo po sinasabi sakin yan?” naguguluhang tanong nang babae.
“Wala lang,”
“Pero sana kung ano man ang pinagdadaanan mo ay pilitin mong lumaban, kasi may mga taong hindi na nabibigyan nang pagkakataong lumaban katulad ko” ani ko pa.
Matagal na naging tahimik ang babae at pinili ko na lamang magdasal. Habang ako’y nakapikit at nakatungo ay biglang nagsalita ang babae.
“Salamat po”
“Ha?”
“Sabi ko po, Salamat po”
“Para saan naman”
“Para po sa panyo at sa mga sinabi nyo” sagot nang babae.
“Ako nga pala po si Frances, pagpasensyahan nyo na po ako kung lagi po akong umiiyak” paumanhin niya.
“Naku! Wala iyon, sa katunayan ay humahanga nga ako sa iyo kasi hindi ka natatakot umiyak sa harap nang ibang tao” sagot ko naman.
“May sakit po kasi ako sa puso, Cardiomyopathy.” Walang alinlangang sabi ni Frances.
“Humihina daw po yung heart muscles ko kaya nahihirapan daw pong mag-pump nang dugo, kaya madalas po akong himatayin lalo na kapag napapagod”
“E di hindi ka dapat umiiyak” sagot ko naman.
“yun nga po ang sabi ng doktor, pero hindi ko kasi mapigilan lalo nang sinabing dapat ay tumigil muna ako sa pag-aaral” sabi naman nya.
“Maaari ka namang bumalik sa pag-aaral pag magaling kana diba?”
“Oo nga po, pero malubha daw po kasi ang kalagayan ko at kailangan ko ng Heart Transplant para gumaling daw po ako, Sino naman po kaya ang magbibigay nang sariling puso para mabuhay ang ibang tao diba?”
“Magtiwala ka lang, Trust God, with Him everything is possible” sagot ko sa kanya nang may ngiti.
Sinuklian niya lamang din ako nang ngiti.
Now, I know what my purpose is!
Now I know, I wouldn’t just die in vain.
Thank you for Reading!!!
Your Vote and comment will be highly appreciated.
-pathetic :(
BINABASA MO ANG
Borrowed Hearts
General FictionFrances Coleen Balderama never waivered to achieve her goal, to be a Certified Public Accountant. Driven by her thirst of success and pressure coming from her parents, she was determined to achieve that title. No failure in her life nor distraction...