Chapter 1

34 2 2
                                    


Chapter 1

I am starting to believe that this isn't my day.

Naranasan mo na bang gumising ng wala sa mood? Iyon bang tamad na tamad kang gumawa ng kahit ano. At pagkatapos mong pilitin ang sarili mong bumangon, sandamakmak na kamalasan naman ang sasalubong sayo maghapon.

Itong ito ang sitwasyon ko ngayon.

Matapos kong makipagbuno kaninang umaga sa gravity ng aking higaan, kamalasan naman ang aking kalaban.

Bakit ngayon pa kasi ako inabutan ng ulan? Kasalanan 'to ng bwisit na prof ko. Kung maaga lang nya kaming dinismiss edi sana hindi ako nangangatog ngayon sa lugar na ito. Sa palagi nyang pag o overtime tuwing class, kulang ang pasahod sa kanya. Masyadong sinisipagan.

Dagdag alalahanin ko pa ang uniform na nakasabit sa may binta ng apartment ko, wala akong susuotin bukas.

At ang mas malala may exam pa kami bukas. Problema na nga ang susuotin, problema pa din pati isasagot sa test paper.

Nakakatangina talaga.

Hindi ko na nga alam kung ilang beses ako nagmura. Hindi na ata kakayanin ng kahit anong klase ng alpha-numeric keyboard i-censor ang kabalbalan ko.

Namamanhid na ang paa ko dito sa shed kakaantay ng jeep na hihinto. Kanina pa naglabasan at dahil nga huli kaming dinismiss ni Sir Marco.  Isabay pa ang malakas na ulan kaya hirap akong makasakay.

Tangina, may taxi lang na dumaan sasakay na ako kahit nagtitipid ako. Hindi pwedeng maibagsak ko ang exam bukas.

Kanina lang binigay sa amin itong reviewer. Ang alam ko nasa 30 pages ito at bukas sasabak agad sa exam.

I silently remind myself that this is a college world. I have no choice. At kulang na lang tapikin ko ang sarili kong balikat sa hirap na dinadanas.

Halos sumigaw ang walanghiyang parte ng aking utak ng matanaw ko ang puting kotse. Isang taxi.

Halos madapa ako sa paglabas sa waiting shed sa takot na lumampas ang taxi. Mahigpit kong yakap ang aking bag, sa takot na baka mabasa pa ang reviewer ko.

Hindi ko maiwasang singhalan ang sarili ko ng kalimutan ko ang payong sa apartment.

Kung kailan talaga wala akong dalang payong saka umuulan. Pag dala ko naman ay hindi.

Malas talaga siguro ako.

"Manong, hulog ka ng langit..." Sambit ko papalapit kahit di nya naman ako rinig.

Sa namamanhid kong paa at kamay na nanginginig binuksan ko ang pintuan ng sasakyan. Medyo swerte naman pala ako at nakuha ko ang huling upuan para sa taxi.

Inuna kong ilagay ang bag ko sa pag-aalala kong mabasa ang laman.

Akmang sasakay na ako ng may humawak sa kamay ko at marahas akong pinipigilan pumasok.

Agad na nangunot ang noo ko at tumingin sa nasa tabi ko.

"Miss wait, please I need the taxi. Please.." Hinihingal na sabi nya. Mukhang galing sa pagtakbo. Ang higpit ng hawak nya sa kamay ko at halos hilahin na ako papalayo.

"Excuse me Sir, kitang kita mo naman na ako ang nakauna dito. Kailangan ko na din  ng sasakyan. Kaya kung pwede tumabi ka, kailangan ko na makauwi.." Inis na sabi ko sa kanya at binawi ang kamay ko.

Bwisit na lalaki 'to hindi nya alam kung ilang kamalasan ko ngayon, wag na nya dadagdagan at nagdidilim ang paningin ko.

"M-Miss, please. Im sorry.." Sabi ng lalaking nakasalamin na ito kasabay ng panginginig ng kanyang mga kamay. 

Behind The Storm In Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon