Chapter 7
"Ate.." Nahihirapan akong tumingin kay Ate Anja. Paano ba ito? Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Pilit akong nangangapa ng tamang salita.
"Bakit ako? Wala na bang iba? Baka makatulong ako sa paghahanap Ate.." Alanganin akong tumingin kay Ate Anja na ngayo'y nakatitig sa akin
"Bakit hindi ikaw? Haides, kung may iba ay nahanap ko na. Pero wala. Hindi naman pwedeng kumuha ng kapwa film kasi diba.. Sige na Haides oh.." Magkadaop ang mga palad nya sa harap ko.
Pilit kong pinoproseso ang sinabi at hinihingi nyang maliit na pabor. Nag-uumpisa na akong hindi mapakali sa tayo ko.
"Ate, hindi ko alam kung anong maitutulong ko doon. Sa tingin ko talaga ay hindi ako ang tamang tao para sa hinihingi mo.." Hindi ko talaga alam kung bakit ako ang inaasahan nyang tutulong na gumawa ng isang pelikula ng pinsan nya.
Tinaasan nya ako ng kilay. "Kahit nai-kwento mo sa aking naging director ka noon?" Napaawang saglit ang labi ko. Hindi ko inaasahang tanda nya pa iyon.
"Pero katuwaan lang naman iyon e. Hindi seryoso, napagtripan lang na ako ang napili. Diba sinabi ko sayo yun Ate?"
"Kahit nanalo ka ng award na Best Director at Best in Three Cast Play?" Giit nya.
Tangina. Pati ba yon ay tanda nya pa?
"Ate Anja naman..." Tila batang maktol ko sa kanya. Napakamot pa ako saglit sa kilay ko.
"Haides, please?.."
Kapwa kami natahimik saglit.
"Remember the day you said that someday you'll pay back for the help I gave? Well, kahit ayaw ko, ngayon ay sisingilin na kita. Pare- pareho na tayong walang choice dito Haides. So please pumayag ka na.." Tumingin ako kay Ate Anja at kita ko sa mga mata nya ang desperasyon.
Wala yatang nakakalimutan ang taong ito.
Totoong malaki ang utang na loob ko sa kanya. Kung wala siya ay literal na wala ako rito ngayon. Siya ang tumulong sa akin makapagsimula dito sa Trimocha. Mula sa pagpapapasok nya sa akin sa kanyang cafe noon, sa aking pag aaral dito sa University, sa aking tinitirahan na noon ay kanya, maaaring sa lahat ay tinulungan nya ako noon. Kaya't nasabi kong tutulungan sa paraang kaya ko para sa lahat ng nagawa nya sa akin. Hindi ko lang talaga inaasahan na ganito nya kaaga hihingin sa akin.
Napabuntong hininga ako at nagdesisyon na kahit na may pagtatalo sa aking isipan.
"May magagawa ba ako Ate? Kahit yata sa santong paspasan ay hindi kita mapipilit.." Biro ko sa kanya.
"Silly! So you're in?" Tumango ako sa kanya.
Napapalakpak sya sa tuwa at parang kumislap kislap pa ang kanyang mata.
"Later, I'll introduce you to Raven. Mga after class okay lang?" Tinanong nya ako. Tumango ako sa kanya.
"And then maybe next week you and the team may start planning on the film. I think this is a rush film? I don't know. He's too busy kasi e.."
The team. Ano ba itong napasok ko?
"Team? Para saan ba ang film na iyon Ate?"
"It's a requirement. You know graduating Film Student. They have to create their own film and that will serve as their finals I guess? Im not sure, really. Just ask Raven later or next week..."
"Hindi ka ba parte nito? Hindi ka kasali?"
Natawa sya ng bahagya. "Silly, of course not! Ako yung wala talagang alam dyan. And tambak pa yung mga ida-digest ko and yung mga recit ko gosh Haides, I am already cramping! I can't handle another stress anymore. I am just helping my cousin for the team, that's all.."
BINABASA MO ANG
Behind The Storm In Her Eyes
RandomHis words against me? I'll definitely win this battle. "Hindi salita ko ang kalaban mo Marcelo. Ako. Ako mismo. At sa oras na matalo ka, aangkinin ko ang labi mo.." As always, f*ck you Sancho. She wears cold days and darkness equally well. Remem...