Chapter 2
"Miss Azalea Haides Marcelo?" Dahan dahan akong napamulat nang makarinig ako ng boses kasabay ng tunog na nanggagaling sa pares ng sapatos.
Isang nakasisilaw na liwanag ang sumalubong sa akin. I was blinded by the light kaya't agad kong iniharang ang palad ko ng napagawi ang paningin ko sa kanan.
Saglit ko pang naisip kung nasa langit na ba ako pero kaagad ko din iyong binawi ng matanaw kung saan nanggagaling ang liwanag, sa bintana kung saan tumatagos ang sikat ng araw at hindi sa pinaniniwalaan ng lahat na tarangkahan patungo sa paraiso.
Ibinaba ko rin ito para mas maayos kong makita ang tao sa aking kaliwa.
Masyadong nalipad ang isip ko. My forehead creased while trying to remember what happened.
"Ahh I'm Nurse Chella. Nasa hospital ka Miss Marcelo. Ako yung nag-agala sayo mula ng isugod ka nung Biyernes ng gabi dito.." Agad na nangunot ang noo ko sa babaeng nakaputi, base nga sa suot nya isa nga siyang nurse. Napatingin din ako sa kamay nyang hawak hawak ang tray ng pagkain.
Biyernes ng gabi? Hospital?
Agad akong napabangon ng maalala ko ang waiting shed at taxi. Napangiwi ako saglit sa biglaang pagkilos ko.
"Kamusta ang pakiramdam mo? Naku, wag ka muna maggagalaw, wag ka malikot. Teka..." Sabi nya. Ibinaba nya ang tray sa table na katabi ko at may kung ano syang pinindot sa may higaan ko.
Umangat ang higaan ko kaya para na rin akong nakaupo. She gave me a warm smile.
"Bakit ako nandito? Paano ako napunta dito? Pwede na ba ako umuwi?" Sunod sunod na tanong ko ng maayos ko ang pwesto ko.
"May lalaking nagsugod sayo dito. Sabi nya ay nakita ka daw na nakahandusay sa kalsada. Kilala mo ba sya?" Malumanay nyang tanong. Umiling ako.
"Kung ganon mabuting tao ang lalaking yon at dinala ka dito sa ospital. Kung hindi ka nya nakita e baka kung ano na nangyari sayo." Dagdag nya. Masinsin syang nakatinin sa akin sa paraang sinusuri ako.
I sighed.
"Hindi nagpakilala ang lalaking iyon. Basta inadmit ka nya dito kahapon. Isa pa mukhang nagmamadali din sya e..." Dagdag nya pa.
Napaisip ako saglit ngunit ipinagsawalang bahala ko na lang iyon. Kung ayaw nya makilala wala akong magagawa. Lihim na lang ako magpapasalamat sa kanya. Siguro isang matandang lalaking driver iyon na nagmamadaling makauwi sa kanilang bahay.
Napatingin ako sa mga braso ko. Wala akong mga pasa. Bukod sa nananakit na likod ko wala naman na akong ibang nararamdaman.
Kung nasagasaan man ako dapat kahit galos ay mayroon ako pero wala akong nakita. So, hindi nga ako nasagasaan. Nakakapagtaka naman.
Nakita nya yata ang reaksyon ko at sarili kong pagchecheck sa katawan ko.
"Na overfatigue ka. Nang isugod ka dito e basang basa ka. Nilagnat ka din, ang taas ng temperature mo kaya nagdecide kaming i-confine ka na muna.." Hindi ko akalaing hindi ako nasagasaan. Buong akala ko talaga katapusan ko na nung oras na 'yon.
"Wala kaming nakita kundi ID na suot mo, tinawagan namin yung contact na nakalagay dyan pero hindi sumasagot. Wala ka bang kamag-anak o pamilya na pwedeng pumunta dito sayo?"
Natigilan ako saglit sa tanong nya. Nag-iwas ako ng tingin at itunuon ko na lang ang mga mata ko sa bintana.
"Wala.." Mahinang sambit ko, tila isang tinig iyon na hindi ko gustong iparinig sa kanya.
BINABASA MO ANG
Behind The Storm In Her Eyes
RandomHis words against me? I'll definitely win this battle. "Hindi salita ko ang kalaban mo Marcelo. Ako. Ako mismo. At sa oras na matalo ka, aangkinin ko ang labi mo.." As always, f*ck you Sancho. She wears cold days and darkness equally well. Remem...