Chapter 3

19 2 0
                                    

Chapter 3

You're turning me on

You turn me around

You turn my whole world upside down

"Goodnight babies! See you on Wednesday!" Malakas at malanding sigaw ni Waldus, hawak ang microphone. Bahagya pa nyang itinaas ang kaliwang kamay na tila nagpapaalam.

Nakakabinging sigawan. Umuusok na stage. Mga taong kanya kanyang salin sa baso ng alak. Ilaw na tila sumasayaw kasabay ng aking bawat paghampas.

Dito umiikot ang mundo ko tuwing gabi ng Lunes, Miyerkules at Biyernes. Sa lugar ng mga taong nagwagi o di kaya naman ay sawi.

Dalawang taon na din kaming tumutugtog dito sa Angel's Haven, isa sa mga kilalang bar dito sa Trimocha. Dinarayo ng mga turista at hindi nawawalan ng mga parokyano. Maganda naman ang sistema at bayadan kaya siguro tumagal na din kami dito.

Bagong pasok ako sa banda noong una kaming tumugtog dito. Ito na din ang naging traning stage ko sa mahabang panahon.

Tinapos ni Waldus ang Upside Down, ang huling kanta sa set namin sa gabing ito. Matapos naming iligpit ang aming gamit dumiretso na kami sa back stage.

Pare pareho kaming pagod na sumalampak sa monoblock. Rinig kong pinag-uusapan nila ang isang bagong kanta na napakahirap raw ng chords habang ako naman ay abala sa pagtingin sa mga taong may kanya kanyang ginagawa dito sa likod. Maya't maya ay may pumapasok at lumalabas.

Napatingin ako sa kanila nang abutan ako ni Calsin ng bote ng tubig. Tinanggap ko ito at uminom.

"Pasikat ka Waldus, kala mo hindi ko nakita ang pagkindat kindat mo sa babae dun sa dulo ha?" Hinampas ni Calsin ng bote ng tubig si Waldus sa ulo.

"Gusto ko na nga ihampas ang gitara ko kanina. Kung hindi ko lang mahal ang gitara ko..." Iiling iling na sabi ni Bernard at pinitik nya sa tenga si Waldus.

"Aray ko ha! Bakit ba ang sasadista nyong lahat sakin?" Aniya sa malakas na boses habang hinihimas ang tenga.

"Ang hyper mo Waldus. You looked like a worm. Napakapasikat mo don sa babae, halata ka gago! Inaantay ko nga na mahimatay ka kanina. Sayang!" Si Bryce.

Agad naman kaming nagtawanan. Nung huli kasing sobrang naging hyper nya, nahimatay sya sa backstage.

Magdadalawang taon na din nang mabuo ang Knavery, ang aming banda. Sa dalawang taong yon masasabi kong kilala ko na sila

Bukod sa alam ko kung ano ang kanilang mga hawak at mahal na instrumento, alam na alam ko ang bawat kulo ng mga iyan. Ang obsession ni Calsin sa itim na bagay hindi lamang sa kanyang piano. Kung paano sapian ng kung anong kaluluwa si Bernard sa stage kapag hawak na ang kanyang electric guitar. Si Bryce na hindi mo aakaling sa likod ng kanyang kunot na noo at palaging tikom na bibig ay magagawang dumaldal kapag gusto niya ang usapan. Ang bokalistang si Waldus na gumagamit ng malamig na boses, nang aakit at totoong nakakahalina ngunit isang loyal na babaero.  Nasa loob ang kulo, dinaig pa ang Ibong Adarna. Ibang klase. 

Sa huling instrumentong natitira ay doon ang pwesto ko, ang drums. Hindi man pangkaraniwan pero ito talaga ang gusto ko. Sa bawat ingay na nililikha ng aking instrumento ay ang pagtakas ko sa aking mga problema.

Drums ni Waldus ang gamit ko na syang pinag iipunan ko ngayon para mabili ko na sa kanya.

Hindi ko man palaging sinasabi ay lubos akong nagpapasalamat kay Waldus na syang nagyaya sa aking sumali sa kanilang binubuong banda noon. Masaya akong tinanggap nila kami nina Calsin at Bryce kahit na baguhan.

Behind The Storm In Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon