Chapter 6

14 0 0
                                    

Chapter 6

Gusto kong mairita sa mga taong nagbubulungan malapit sa akin. Seryoso, bulong ba talaga iyon o ano? Dahil rinig na rinig ko naman!

Kung wala lang akong binabantayan at sagot na hinihintay, malamang ay nakapagsabi na naman ako ng mga masasamang words.

I know I am creating a scene here pero ata akong malaman ang totoo. Hindi nila ako masisisi dahil wala sila sa posisyon ko.

Nawalan na ako ng pakialam sa paligid ko o kung ano namang pinagsasa-sabi nila.

Titingnan ko pa sanang muli si Almira sa aking likuran para magtanong ngunit nanlaki ang mata ko nang magsalita ang lalaki.

Ang para sa aki'y kasumpa sumpang lalaki.

"No need to ask. I can give you my name, it's Sancho. You can call me babe, baby or whatever. And I can give my number too, if you want.."

Napa awang ang labi ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya.

Wow. Iba rin pala talaga kabaliwan nito e no'?

Napabuga ako ng hangin.

Ang kapal ng mukha. Nahiya naman ang bagyong Yolanda sa kanya. Nahiya naman ako sa signal number nine na hanging dala nya.

Narinig ko ang ilang pagsinghap at maliliit na pagtawa sa paligid ko.

Pinanatili ko ang kalmadong ekspresyon sa mukha kahit na sa loob loob ko'y gusto kong hampasin ang lamesa.

Nang makabawi ako sa kanyang bugok na banat, kunwari'y tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa at umiling iling na tila nadidismaya.

Pakiramdam ko ay dumugo ang dila ko nang dumiin ang pagkaka-kagat ko dito. Gulat mang muli ay hindi ko iyon pinahalata ng magawa nya pa akong kindatan.

Tang ina. Makikita mo talagang lalaki ka.

Gusto ko syang paulanan ng mura pero pinipigilan ko ang bibig ko. Alam ko kung kailan ako rerespeto at maling gawin iyon dahil nasa unahan pa din si Almira.

Bago pa man mapigtas ang pising nagpipigil sa akin ay nakita ko ang bakanteng upuan. Sa kamalas malasan ay sa likod niya iyon.

Ilang beses kong pinaalalahanan ang sarili ko na magtimpi habang dumadaan ako sa gilid nya. Mas pinahaba ko din ang pasensya ko nang mapagtantong wala talaga siyang pakialam. Gigil na nakakuyom ang kamay ko habang siya'y prenteng nagbabasa ng libro at parang wala lang ang mga salitang sinabi nya kanina.

Sige lang magmaang maangan kang Sancho ka.

Pabagsak akong umupo sa upuan. Napatingin sya sa likuran at ngumiti sa akin. Awtomatikong tumaas ang kilay ko sa kanya.

Ano bang iniisip nito? Talagang hinahamon ata ako.

Umiling itong natatawa at ibinalik ang tingin sa unahan nang mag-umpisang magsalita si Almira.

May tao pala talagang likas na nakakairita.

Ngayo'y napagtanto ko na kung ang iba'y naniniwala sa love at first sight, ako naman ay sa hate at first sight.

Hindi ako makapaniwalang nakatagal ako sa silid na iyon ng hindi sya binabatukan man lang. Wala akong magawa kung hindi samaan ng tingin ang kanyang likod at murder'in sya sa isip ko gamit ang toothpick.

Kinuha kong muli ang ilan sa mga librong dala ni Almira at sumabay sa paglabas. Walang pumasok sa utak ko sa buong pagtuturo nya pero sapat na nang nalaman ko ang pangalan ng lalaking iyon.

Behind The Storm In Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon