Kabanata 1

27 5 7
                                    

G I A N N A

"Ms. Kingsley come here to my office now." seryosong wika ng Boss ko sa intercom. Agad naman akong tumayo at binitbit ang folder na naglalaman ng mga schedules ni Boss. Inayos ko rin ang sarili bago kumatok.

Agad akong pumasok matapos ang tatlong katok, bumungad agad sa akin ang seryosong mukha ni Boss na nagtatype sa kanyang MacBook. Hindi na sya nag-abala na lumingon sa akin.

"What is it Boss?" agad ko'ng tanong nang makalapit ako sa kanya, sa tapat lang ng table nya.

"My schedule for today and tomorrow," simpleng sagot nya na parang may binabasa yata sa laptop nya.

"You have a lunch meeting with Mr and Mrs. Rivera, twelve noon sharp. Mamayang 3 ay kay Mr. Ongsee and for dinner 6 PM with your Mom. That's all your schedule for today," dire-diretso ko'ng sabi habang nakatingin sa folder. Huminto ako at tiningnan sya natango-tango lang sya. "Yung kay Mr and Mrs Rivera ay sa Italian Restaurant yung malapit lang dito, tapos kay Mr. Ongsee ay sa office nya mismo. Tapos ang sabi sa akin ng magulang mo po ay itetext nya nalang daw." tiningnan ko sya muli at tumango-tango lang.

"And for tomorrow Boss Ms. Chenㅡ" nahinto ako ng bigla syang sumabat.

"Who's that?" medyo pagalit nyang tanong kaya kumunot ang noo ko.

"Daughter of Mr. Chen of oil company. Si Ms. Chen daw ang makakausap mo dahil may emergency daw ang kompanya nila kaya lumipad pa-Hongkong si Mr. Chen." paliwanag ko.

"Okay." Simpleng sagot nya at sinenyasan ako na ituloy na.

"That's 8 am Boss. And last, 12 to 3 pm in conference Room. That's all for tomorrow " pagpapatuloy ko sa nabitin na pagsasalita kanina. "Do you need anything Boss?" takhang tanong ko dahil hindi nya pa ako pinapaalis usually ay pinapaalis nya ako agad in a good way.

"Uh can you make a coffee for me please. I think I need one." aniya at pinadulas paatras ang swivel chair at niluwagan ang necktie.

"Okay Boss. Give me some minute." paalam ko sa kanya bago tumalikod at lumabas ng office nya.

Pagkalabas ko ay inilapag ko muna ang bitbit na folder sa sariling lamesa. Agad naman ako'ng pumunta sa coffee bar area ng opisina ko. At ginawa ang kape nya.

Dito kasi sa floor na 'to ay ang office ko at ang office ni Boss. Isa ito sa malawak na kwarto sa buong building dahil kapag pumunta rito ay ako muna ang bubungad sa pinto pagkabukas pa lang, at sa likod ko bandang kaliwa ay ang pinto na ni Boss sa opisina nyang malaki. Nasa office ko rin ang coffee area kaya dito ako dumiretso. Kapag may napunta dito ay ako ang unang kukunsultahin bago makapasok sa office ni Boss.

So it's a room in a room or should I say office inside an office.

Dinala ko na ang kape ni Boss at dahan-dahan naglakad papasok muli sa office nya, hindi na ako kumatok dahil alam nya na rin naman na babalik ako.

"Here's your coffee." ani ko at inilapag sa table nya ang ang kape. Agad nya naman yun kinuha at ininom.

"You can go now, thanks." aniya at ngumiti ng tipid bago ulit humigop sa kape, ngumiti rin ako ng tipid bago tumalikod sa kanya at bumalik na sa table ko.

Napasandal ako nang maka-upo sa swivel chair ko. Pinagpatuloy ko na ang report na ginagawa ko kanina na naputol ng tawagin ako ni Boss.

LUMIPAS ang ilang oras ay lumabas na si Boss, napatingin naman ako sa wrist watch ko. Malapit na palang mag 12 kaya pala lumabas na sa lungga.

|FLS 1| My UnEXpected BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon