Kabanata 2

12 5 8
                                    

G I A N N A

Nagising ako sa tunog ng alarm clock sa bed side table ng kama. It's still five in the morning, I always woke up this early kasi ang pasok ko ay Seven. Umaalis ako ng bahay alas-sais ng umaga.

Bumangon na ako. Sandali lang ako nag-unat, dumiretso na sa kusina para magluto ng almusal. Uminom muna ako ng tubig, nang maka-inom ay nag-umpisa na akong mag saing. Kaunti lang ang isinaing ko dahil ako lang naman mag-isa.

Nagluto na rin ako ng ulam. Pumunta muna ako sandali sa kwarto para kunin ang cellphone ko. Baka may nag-email sa akin na tungkol sa trabaho.

Habang kumakain ay nagsasagot ako ng ibang emails. Usually mga meeting's ito. Nagpapa-appointment para kay Boss.

Since ako ang may hawak ng folder para sa mga meetings ng CEO ay ako na rin ang nagdedesisyon. Kung papayag ba si Boss o hindi. Dahil sa tinagal-tagal ko nang secretary kilala ko na kung kaninong kompanya ang ayaw ni Boss na magkaroon ng appointment. VIP talaga.

Nang matapos ay hinugasan ko na ang pinag-kainan. Nag toothbrush na rin ako nang makarating sa banyo.

Naligo lang ako ng ilang minuto at nagbihis na rin.

I wear V neck blouse and silk ruffle skirt. And a black ankle strap, kinuha ko na ang mga importanteng dadalhin ko sa trabaho. Nang ma-double check na lahat ay gumayak na ako.

Nag-hintay ako ng tricycle, nang makakita ay itinaas ko na ang kamay ko senyales na sasakay ako. Huminto naman ito sa harap ko kaya pumasok na ako sa loob.

Dumungaw ang driver, pahiwatig na kung saan nya ako ibababa.

"Sa labasan lang ho ako" sabi ko lang sa kanya at nag-umpisa nang umandar ang tricycle.

Nagbayad ako sa kanya ng saktong pera. Naglakad na muli ako papunta sa sakayan ng jeep.

Maaga pa. Kaya nakipag-sisikan ako sa mga tao sa loob. Maraming estudyante kaya mahirap talaga maging pang-umaga. Nagbayad ako at sinabi kung saan ako bababa.

Ganito lagi ang senaryo tuwing papasok ako ng trabaho, wala namang bago.

May bumaba na dalawang pasahero kaya naka-upo ako ng maayos.

Mabuti at walang sumakay, phew!

Nang makarating sa tapat ng isang school ay lalong lumuwag ang sinasakyan ko'ng jeep. Nag-babaan ang halos ma estudyante nitong karga.

Tumingin ako sa orasan na nasa pulso ko banda. Nang makitang 6:30 na ay medyo di na ako mapakali sa upuan.

May kalayuan pa ang trabaho ko, sana di ako malate.

Baka maabutan ni Boss na maalikabok yung opisina ko. Ba't ba kasi nakalimutan ko'ng mag walis man lang kahapon bago umuwi.

Pumwesto ako sa bandang pintuan ng jeep idinulas ko lang ang pwetan ko baka ma-out of balance ako kapag tumayo pa. Para mamaya mabilis nalang ako makababa.

Iniisip ko palang hitsura ni Boss na nagagalit, napapapikit nalang ako e.

"Para po manong!!" Sigaw ko at huminto naman agad ang jeep. Lumingon muna ako sa harap kung may sasalubong na sasakyan, pero nang mag take-over ang mga itoay dali-dali na akong bumaba.

"Goodmorning Ma'am" bati ni Mang Ben na sinamahan nya pa ng saludo. Tumango lang ako at ngumiti.

Halos liparin ko na ang daan papuntang elevator sa kakamadali.

Sakto naman na bukas ang isa sa dalawang elevator ay pumasok na agad ako. Napahawak nalang ako sa railings ng makapasok.

Tatlong tao lang naman ang nasa loob, pang-apat ako. Ngumiti lang ang nga ito sa akin, tumango ako sa kanila.

|FLS 1| My UnEXpected BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon