G I A N N A
Hindi nga ako nagka-mali sa inakala ko kagabi. Pagkagising pa lang namin ay hawak niya na ang cellphone ko at inaaral ang isang sayaw habang naghahanda ako ng aming almusal.
Inaya ko muna siya kumain at mamaya ay tutulungan ko na siya sa ginagawa niya. Agad naman siya napangiti ng sinabi kong ituturo ko sa kaniya ang mga sayaw na makakabisado ko kapag may napanood.
Naligo muna kami bago magsagawa ng pageensayo ng sayaw. Nakatingin lang siya sa akin habang nakaupo sa sofa at ginagalaw ang binti pa atras-abante.
Natapos ang lahat ng gusto niyang ipaturo at sinayaw rin namin ng sabay. Nagmemeryenda nalang kami dito sa sala kasama si aling Lolita. Nakacharge ang cellphone ko kaya tahimik lang naglalaro ng barbie doll si Rynna.
Pareho kaming nakatingin ni aling Lolita kay Rynna habang naglalaro ito.
"Hija, nasaan ba ang asawa mo? Hindi ko siya nakita nang makauwi kayo dito," biglang salita ni aling Lolita. Mabuti nalang at medyo mahina iyon dahil ayaw ko muna magtanong si Rynna.
"Ganito po kasi iyon aling Lolita. Hindi ko kasi kilala ang lalaking nakatabi ko nang gabing iyon." nakatingin ako kay Rynna habang sinasabi ang mga salitang iyon.
"Aba'y kawawa naman ang anak mo at wala palang kinikilalang ama." bakas ang lungkot sa boses ni aling Lolita na nakatingin rin sa aking anak.
"Kaya nga po e, pagkakamali ko rin siguro na hindi ko tiningnan kung sino ang lalaking katabi ko nang magising ako nang madaling araw. Natatakot po kasi rin ako, kaya hindi ko na alam ang mga galaw ko. Basta ang nasa isip ko lang noon ay makaalis sa bahay na iyon," mahabang paliwanag ko at napasandal nalang sa sofa.
"Ipagdasal mo nalang hija na kung may pagkakataon pa na makita mo ang ama ng anak mo ay wala pa itong pamilya. Mahirap kapag hati ang atensyon ng ama sa kaniyang anak." paalala niya at tiningnan ko lang siya. Hindi ko alam ang isasagot ko.
Tumango ako. "Kung makikita ko po, kaso mukhang malabo talaga e. Ni wala nga akong makitang palatandaan sa lalaki," ani ko at bumuntong hininga.
"Pero kung hindi mo man makita, bukas ba ang puso mo para sa ibang lalaki?" nakatingin siya diretso sa mga mata ko.
"Bakit niyo naman po naitanong iyan?" medyo natatawang sagot ko sa kaniya dahil wala talaga sa plano ko ang magkaroon ng lalaki.
"Kasi may mga tambay pa riyan sa tabi tabi," natatawang aniya na ikinatawa ko rin. "Biro lang, pero papaano nga?"
"Hindi ko rin po alam. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay si Rynna. Mag aaral na siya sa pasukan kaya binabalak ko na sa kaniya na ang buo kong atensiyon, pati na rin siguro kung magtatrabaho ako." sagot ko at hinimas ang kanang braso.
"Sa bagay, kung ako rin ikaw. Sa anak ko muna ang atensyon ko kaysa sa mga lalaki." nakangiting sagot niya. Napangiti rin ako, namimiss ko na ang lola ko pero sumakabilang buhay na. Naalala ko siya kay aling Lolita na puro rin advice.
Nagtagal pa kami sa sala ng ilang oras. Paminsan ay nakikisali kami ni aling Lolita sa laro ni Rynna. Ang anak ko ang "nagluluto" at kami ni aling Lolita ang "bibili" at "kakain".
Nakakalungkot lang isipin na wala man lang kalaro ngayon si Rynna na kaedad niya rin. Kahit sa pangasinan ay wala rin siyang kalaro kundi ang pamilya ko. Malalayo kasi ang agwat ng mga bahay doon, kaya wala talaga siyang kalaro.
Hindi niya rin maintindihan ang ilokano na sinasalita ng mga bata. Kaya lumalayo nalang siya at si Gina nalang ang nilalaro niya madalas.
Ngayon naman ay kami ni aling Lolita ang kalaro niya. Kahit dito ay madalang ang bata. Halos kasi ang mga nakatira dito ay nagtatrabaho at mga bente pataas ang edad.
BINABASA MO ANG
|FLS 1| My UnEXpected Boss
Random|First Love Series 1| Gianna Keegan Kingsley is a hardworking woman, she was once a secretary of Ryken. And has a deepest secret na ang kanyang magulang at nakababatang kapatid lang ang may alam. Ryken Jett Thunder, a good-looking man in physical a...