17

73 35 2
                                    

Junior's point of view

Maraming pagkakataong dumating sakin para maging maayos ang buhay ko.

Hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam ko sa mga ito, na para bang sinasabi nila na hindi ako para sa mga opportunidad na yun.

Pero magmula ng makita ko si nancy, magmula nung araw na nakilala ko siya saka ko palang naramdaman na kailangan kong pumasok sa buhay niya.

Hindi ko naramdaman na Isa siyang opportunidad para gumanda ang takbo ng buhay ko.

Magmula ng unang beses ko siyang nakita hindi nawala sa isip ko na ang babaeng ito ay magiging nobya ko, ang babaeng pagaalayan ko ng puso ko.

Ang taong nais kong mabigyan ng simple at masayang pamilya.

" Junior halika nga dito" napalingon ako Kay barak na nakaupo sa labas ng bahay nila.

" Bakit ba? Tanghaling tapat mangiinis ka nanaman" sambit ko habang lumalapit, napansin ko ang mga naka kalat na bote ng red horse na may laman pa sa mesa.

" umupo ka pare kase naman" wika nito.

" Tulungan mo naman ako pare alam mo naman na wala pa akong nagiging syota dahil NGSB ako tulungan MO naman akong dumiskarte kasi first time in forever may natipuhan na ako finally"

"mukhang maganda yan sige tutulungan kita ako ang gagawa ng mga love letters na ibibigay mo sa kanya" sambit ko habang tinatapik tapik pa ang balikat niya

" teka muna sino ba ang babaeng nagustuhan mo?"

Nawala ang saya sa mukha ko ng narinig ko ang pangalan ng babaeng gusto niya.

" Si Nancy pre di ba hindi mo naman gusto si Nancy lagi ko nga kayong nakikitang nagaaway. Naiinggit nga ako sayo kasi lagi kayong mag kasama sana talaga matulungan mo ako sa kanya"

PUTANGINA bakit ikaw pa Barak!

Kung alam mo lang kung gaano ko pinipigilan ang sarili kong yakapin ang babaeng yun.

Kung alam mo lang kung gaano ako ka galit sa sarili ko dahil ikaw pa ang magiging karibal ko.

Kung alam mo lang kung gaano ko ka gustong sabihin sa babaeng yun na mahal ko na siya.

Kaso hindi ko kaya.

Duwag ako.

Takot ako na baka masaktan ko siya.

Takot ako na baka hindi kami hanggang sa dulo.

Takot ako sa lahat ng possibleng mangyaring hindi maganda.

Kasi takot akong makita siyang umiiyak.

Ayoko na ako ang magiging dahilan ng pag iyak niya.

Ikakadurog ko yun.

" Sige pare wag kang magalala ako bahala sayo"

-----------------------

Nakatulala ako habang naka tingin sa kisame ng bahay namin wala kaming kwarto na tigiisa dahil mahirap lang kami.

Paano ko ba tutulungan si barak kung ayaw gumana ng sistema ko. Ayaw makisama ng puso at isip ko sa paggawa ng liham.

Tumayo ako at kumuha ng papel at ballpen.

Hindi ako mapakali, sobrang dami kong gustong sabihin sa kanya kaso hindi ito literal na manggagaling sakin.

Ang matatanggap niyang liham ay ako lang ang nagsulat subalit hindi ako ang magttimbre ng bawat salita.
_______________

Mahal , Pakiusap Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon