Nancy's Point of view
"So who is this guy named Junior?" napakunot ang noo ko sa tanong ni Janna.
I decided na dalhin siya sa malapit na Jollibee fast-food sa school namin.
"Why do you care? And wait bakit mukhang masyado mong binibigyan ng malisya?"
Naka taas kilay kong tanong sa kanya.
"bakit ka defensive?" nangiinis na tugon nito na kinainis ko.
Until now hindi ako makagetover sa pagpprank niya sakin and now bibigyan niya pa ako ng ganyang attitude.
" I'm not. He's nothing. Hindi siya mayaman. Laki siya sa hirap, hindi siya gwapo and madami siyang characteristics na malayong malayo saatin"
" Who told you to explain to me about him? I don't care either" nakangising sabi niya.
" Did you also forget that you don't care about someone's life unless their important to you?" she caught me.
Bakit ba kilalang kilala niya ako.
"So tell me, Kung paano naging special ang lalaking to sa best friend ko?" napairap nalang ako sa kawalan.
"He's not special okay. No feelings involve he's just a friend and if ever paano kami magkakaroon ng status nun e mukhang inampon na siya ng parents ko " Tango nalang ang sinagot niya sakin.
" Bakit kaba nagtatanong ng nagtatanong tungkol sa lalaking yun? Wala naman ibang ginawa yun kundi bwisitin ako atshaka Kuya lang ang tingin ko sa kanya" pagmamaktol na sabi ko which is true.
"don't you miss me?" Pahabol kong tanong na may halong paglalambing.
"of course I miss you pero merong isang mas nakamiss sayo" biglang nagiba ang expression ng mukha niya ng sinabi niya yun.
"Brad nagusap na ba kayo ni Kris? About sa nangya--" hindi ko na siya pinatapos.
"He left. Wala na siyang babalikan. It's his choice. Kung ano man ang nangyari sa nakaraan naming dalawa mananatili nalang yun na isang alaala."
Kung meron man akong ayaw pag usapan. Si Kris yun.
" Pero paano kung bumalik siya? Anong gagawin mo?"
Napaisip ako ng malalim sa tanong ni Janna.Ano nga ba ang gagawin ko?
------------------------Junior's point of view
Hawak ko ang sulat na ginawa ko para kay nancy.
Hindi na ako nag abala pang lagyan iyon ng sender's name tutal hindi naman galing sakin ito.
Napabuntong hininga nalang ako bago tumapat sa kakaparada palang na sportscar ni Nancy.
Napahinto siya ng pagbaba ng sasakyan niya ng nakita ako bago tuluyang mag salita.
"get in" Sabi niya niya sa napaka babang tono.
Sumunod nalang ako sa sinabi niya subalit minabuti kong tignan ulit siya but this time sa mata na niya.
" May problema ba?" tumingin Lang siya saglit saakin bago umiling.
Bakit ba ang sinungaling ng mga babae? Kitang kita mo na nga sa mga mata nila ang lahat ng emosyong hindi nila masabi tapos magsisinungaling pa.
Pero kahit alam kong hindi normal ang pinapakita niyang emosyon mas minabuti kong manahimik.
" Tara inom?" pagaaya niya.
" Hindi ako umiinom" tinawanan niya lang ako sa sagot ko.
BINABASA MO ANG
Mahal , Pakiusap
Novela Juvenil"Pakiusap Lang wag mo nalang akong paasahin sa mga bagay na di mo kayang panindigan na sa bawat galaw mo masasabi kong para bang hindi ka katulad nila, at kailanman hindi tutulad sa kanila" - nancy