• Panimula •

12 1 0
                                        

• Panimula •


Kung lumisan ka, 'wag naman sana.

Luha
Hindi napigilan, tumulo nang kusa
Parang patak ng ulan, hindi humuhupa
Sa pagtangis, magang maga na ang mata
Ang kanina'y ambon, ngayon ay baha na.

Lungkot
Sa maraming tao kalumbayan ay bumalot
Ang madla'y nagtaka, sa ulo'y napakamot
Libu-libong katanungan, walang malinaw na sagot
Ano kayang magpapagaling sa pangyayaring masalimuot?

Umuwi sa ating sinimulang tahanan, ngunit ngayon wala ka na.

Kaligayahan
Natamo mo na ang hangaring kalayaan
Nailagay na ang isip sa kapahingahan
Hindi ipinagdamot ang nais mong katahimikan
Sana ika'y masaya at payapa, mahal naming kaibigan

Alab Ng TanglawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon