• Pangalawa •

8 2 0
                                        

<Zild>

"Grabe pala talaga kapag totoong wala na si Unique, ano?" Wika ko pagkalabas na pagkalabas ni Tito Allan dito sa studio.

"Nakakasira ng ulo." sabi naman ni Blaster. Bumuntong-hininga siya, sumandal sa kaniyang kinauupuan at tumitig sa mga ilaw sa kisame.

"Ano nang gagawin natin ngayon?" Tanong ko sa kanila dahil sa totoo lang, blanko na ang utak ko sa pagkakatong ito.

"Ikaw na kakanta." Wika ni Badjao. "Tutal nung mga nakaraan ikaw na rin nagvocals, tuloy-tuloy na niyan yan." Dagdag pa niya.

"Bakit ako?" Tanong ko.

"Anong klaseng tanong 'yan?" Balik naman sa akin ni Badjao. Sabagay, oo nga naman. Nasimulan ko na rin naman.

Huminga ako nang malalim, sinusubukang payapain ang utak.

"So ano na? Ano nang pag-uusapan natin?" Wika ni Blaster habang nakatitig parin sa kisame.

"Pag-uusapan?" Tanong ko naman.

Napatingin naman sa akin si Blaster sabay kunot ng noo. "Eh sabi mo kanina kina daddy may pag-uusapan muna tayo 'di ba?"

"Ah. Oo." Oo nga pala. Gan'on na ba kagulo utak ko?

"Zoned out ka nanaman Zild." Iling ni Badjao.

"Akala ko ba ako lang lutang dito?" Sabi naman ni Blaster.

Umiling naman ako at napangisi na lamang. Sandali nga, ano nga ba gusto kong pag-usapan namin? Kung sa magiging set-up ng banda, okay na rin naman. Ako kakanta, kakanta rin yung dalawa, gan'on pa rin ang mga instrumento.

Kakayanin namin itong ituloy na kaming tatlo lang. Oo, mahirap pero kailangan kayanin. Maraming umaasa sa musika namin.

Biglang sumagi sa isip ko ang aming mga tagahanga. Ngayong nailabas na ang official statement, ano kaya ang magiging damdamin nila sa amin at kay Unique? Magagalit kaya sila sa amin? Magagalit ba sila kay Unique? Iiyak kaya sila? Mababawasan kaya mga tagahanga namin? Mananatili pa kaya sila? Paano kaya ang pagtanggap nila sa ganitong sitwasyon? Ayos lang kaya sa kanila na ako na ang kakanta?

"Ano ba, Zild? Sabihin mo na anong pag-uusapan natin para makapagpahinga na tayo." Nagtaas ng boses si Badjao kaya naudlot ang mga tanong sa isip ko. "Kanina ka pa tulala diyan. Kung nagsalita ka edi tapos na yung paguusapan natin 'di ba?" Dagdag pa niya.

"Edi magpahinga ka na kung gusto mo magpahinga." Tugon ko sa kaniya.

"O edi sige." Malamig niyang sabi sa kaniyang pagtayo. Naglakad siya patungo sa pinto.

"Mukhang hindi ka naman interesado." Buntong-hininga ko.

"Anong pinagsasabi mo, Zild?" Napatigil siya sa kaniyang paglakad at napalingon sa akin.

"Magpahinga ka na tutal wala ka namang iniisip. Madali lang para sa 'yo ang makatulog sa ganitong sitwasyon." Tugon ko sa kaniya. Mukhang hindi naman siya interesado sa mga bagay na dapat naming pag-usapan.

"Hindi ba pwedeng magpahinga muna tayo ha? Zild?" Ang mga mata ni Badjao ay matalim na nakatingin sa akin.

"Hindi tayo pwede magpahinga!" Napatayo ako sa aking pagsigaw, isang paraan para mailabas ang bigat sa dibdib ko.

"Akala mo ba madali sa akin 'to? Ha?" Papalapit nang papalapit si Badjao sa akin.

"Hoy tama na 'yan!" Pumagitna si Blaster sa amin.

Naramdaman kong uminit ang pisngi ko sa luha na lumalabas sa aking mga mata. Bumibilis ang aking paghinga. Hindi ako makapagsalita.

"Ayan ka nanaman, Zild! Pakiramdam mo pasan-pasan mo lahat! Nandito kami ni Blaster oh? Hindi mo ba kami nakikita?" Nagtaas muli nang boses si Badjao. Nagmamalat na ang boses niya at kita ko rin ang pagod sa mga mata niya.

"Sorry." Ito ang tanging salita na lumabas sa aking mga labi. Tinalikuran ko sila at umupo sa pinaka malapit na upuan sa akin.

Yumuko ako at hindi ko na napigilan ang aking pagluha. Ang hirap kasi, ang bigat sa dibdib. Paano namin mabibigyan nang good show ang madla kung kulang na kami? Paano kami makakapag bas nang magandang mga awitin kung wala na yung sumusulat nang kanta?

"Zild." Narinig ko ang boses ni Badjao na ngayon ay nakaupo na rin sa harap ko. "Don't pressure yourself."

"Oo nga. Kakayanin natin 'to." Wika ni Blaster.

"Paano? How can we give people a good show every single time? How can we give them good songs? Hindi na tayo kumpleto!"

"Zild. Listen." Niyugyog ako nang mahina ni Badjao. "Itutuloy natin 'to. Hindi tayo titigil. We will give better shows and better songs."

"Pero–"

"Walang pero-pero Zild. Kakayanin natin 'to." Sabi ni Badjao sa kaniyang pagtayo. "Kaya magpahinga na muna tayo. Kasi marami pa tayo tatrabahuin."

"Tama..." Humikab naman si Blaster. "Doon nalang kayo sa kwarto ko matulog, lipat nalang natin yung isang matress galing sa guest room."

Tumango nalang ako sa kanilang dalawa habang naglalakad sila palabas ng silid. Napalingon naman sa akin si Blaster, napansin niyang hindi pa ako tumatayo sa kinauupuan ko.

"O, Zild, tara na."

"Mauna na kayo. Iwan niyo muna ako dito."

Napabuntong-hininga na lamang si Blaster saka tumango bago lumabas ng silid.

Ikinulong ko muna ang sarili ko dito sa studio. Ni-lock ko ang pinto at naglakad-lakad paikot-ikot dito.

Alam niyo ba yung pakiramdam na parang pagod na utak mo sa dami ng iniisip mo pero yung ulo mo parang blangko? Ang gulo, hindi ba? Yan ang nararamdaman ko ngayon. Sa sobrang dami ng tanong sa utak ko, para na itong lumulutang.

Napasandal nalang ako sa pader at unti-unting napaupo sa sahig. Ipinikit ko ang aking mga mata, kahit ilang saglit lang sana pumayapa muna ang kaisipan ko.

Kaya lang naisip ko, may sapat na oras ba para sa ganito? May oras ba para sa pagtunganga? Wala, Zild. Wala.

Tumayo ako at inabot ang laptop ko. Umupo akong muli sa sahig at binuksan ito. Kailangan magtrabaho. Ulit-ulit na sinasambit ng utak ko.

Sinusubukan kong may magawa, pero nandito pa rin ako, nakatulala lang sa screen ng laptop ko.

Tinatanong ko na ang sarili ko, 'ano ba talaga, Zild?'. Napapikit na lamang uli ako.

Narinig kong bumukas ang pinto kaya iminulat ko rin ang aking mata. Sa pagkakaalala ko, ni-lock ko yung pinto. Ganoon na ba ako kalutang?

"Zild." Si Badjao.

"Bakit gising ka pa?" Tanong ko sa kaniya.

"Kasi gising ka pa." Lumapit siya sa akin. "Bakit bukas 'yang laptop mo?"

"May sinusubukan akong gawin."

Napatungo naman siya sa screen at nakita niyang wala naman akong ginagawa.

"Bakit wala naman?" Tanong niya.

"Wala akong maisip."

"Bukas na 'yan Zild. Tara na. Pahinga na tayo."

Napabuntong-hininga nalang ako. Suko na ako... Pero ngayon lang, para lamang sa araw na ito. Bukas, laban uli. Ilalaban namin ito uli.

Alab Ng TanglawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon