• Pang-apat •

5 2 0
                                    

<Blaster>

"Bilisan ninyo, sakay na!" Tawag ni Daddy A sa amin. Nagmamadali kaming lahat sumakay sa van dahil ilang oras na lamang ay magsisimula na ng Myx Music Awards 2018.

Habang nasa biyahe papunta sa venue, lahat kami may kani-kaniyang mundo. Si Badjao, kausap si Ate Aimee sa phone. Si Zild, nakapikit at nagheheadbang habang nakaheadphones. Ako naman, nakadungaw lang sa labas, pinagmamasdan yung mga nadadaanan namin.

Sa gitna nang katahimikan biglang kumulo ang tiyan ko. Oo nga pala, hindi ng pala ako nakapagmeryenda bago umalis. Bigla namang tumawa si Badjao habang nakatingin sa akin.

"Narinig mo 'yon."

"Malamang!" Tawa niya.

Nagtanggalng headphones si Zild nang napansin niya ang pagtawa ni Badjao.  "Anong meron? Bakit tawang-tawa ka diyan?"

"Ang lakas nung sigaw ng gutom ni Ter eh." Sabi niya sa gitna ng kaniyang halakhak.

"Ako rin gutom eh." ika ni Zild habang tinatapik-tapik ang tiyan niya.

"Daddy A!" Tawag ni Badjao. "Gutom daw po itong dalawa. Gusto raw po bumili nang pagkain."

"Hoy wala akong sinasabi!" Wika ko kay Badjao.

"Male-late na tayo."

"Sige na raw po Daddy A, si Zild po nagmamakaawa na." Sabi uli ni Badjao kay Daddy A na sa harap ng van nakaupo.

"Sira ulo!" Siko ni Zild kay Badjao.

"O sige na, sige na! Kapag may nadaanan tayong 7-11."

"Ayaw daw po ng 7-11, gusto raw po tusok-tusok!" sabi uli ni Badjao.

"Ikaw atang gutom eh!" sabi ko naman.

"Dinamay mo pa kami." Wika in Zild habang sinusuot uli headphones niya.

"Oo na, sige na!" Sabi ni Daddy A.

Tumingin naman sa amin si Badjao sabay ngiti at thumbs-up "Ano? Ayos ba?"

Napa-iling nalang ako.

-------

"Ang sarap!" hindi ko mapigilan yung sarili kong kumain nang kumain ng fishball. Tagal ko narin kasing di nakakakain neto.

"You're welcome." Siko sa akin ni Badjao.

"Sakay na. Malapit na tayo sa venue." Sabi ni Daddy A mula sa bukas na bintana doon kinauupuan niya sa van.

"Hindi po ba muna namin uubusin 'to?" Wika ni Zild habang ngumunguya ng squid ball.

"Sakay na!"

Nagmadali naman kaming sumakay nang van.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami ng venue. Pero sa dami nang streetfoods na laman ng baso namin, hanggang ngayon, hindi parin ito ubos. Mayroon pa kaming tig-iisang stick kaya dinala nalang namin ito hanggang sa red carpet.

Pagkapasok namin nang venue, ang daming nagsisigawan. Ang daming camera. Ang daming ilaw. Hanggang ngayon, nagugulat parin ako sa mga nangyayari. Hindi pa rin ako makapaniwala na narating namin ang estadong ito. Nariyan na rin ang mga interview na amin na ring inasahan. Halos ayos naman ang iba, nagtatanong sila sa tungkol sa aming musika at sa aming suot-suot ngayon na sa totoo lang ay hindi namin pinag-usapan.

"IV OF SPADES, heto last interview." Sabi nang isang organizer habang gina-guide kami papunta roon sa mga huling magiinterview sa amin bago kami pumasok sa mismong loob ng venue.

Lumapit kami sa mag-iinterview sa amin, at mula sa kinatatayuan namin, nairinig namin ang sigawan ng mga tagahanga. Grabe, ganito pala talaga ano?

Nagsimulang maayos ang interview pero matapos ang ilang sandali, nagtanong sila ng tungkol sa nang may kaugnayan kay Unique.

'So hindi na kayo IV OF SPADES? Kasi tatlo nalang kayo.'

'Paano yung mga susunod ninyong albums, andoon parin ba yung voice ni Unique?'

'Are you guys okay with Unique?'

'Bakit parang may tension kapag sinasabi niyo yung pangalan ni Unique?'

Halos si Zild at si Badjao ang sumagot. Minsan may halo naring pamimilosopo ang mga sagot nila. Sariwa pa sa aming lahat ang nangyari. Bago pa yung sugat, tapos bubuhusan ng alcohol? Mahapdi. Hindi naman maiiwasan na maging apektado kami, hindi ba?

Sinenyasan na kami nang mga organizer na 'tama na' dahil kailangan na namin magpunta sa backstage para maghanda sa aming pagtugtog, kaya nagpatuloy na kami sa paglakad papasok ng venue.

Alab Ng TanglawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon