• Pangatlo •

4 2 0
                                    

<Badjao>

Ilang araw narin ang lumipas mula nang nag-release kami ng official statement. After noong araw na yon, halos araw-araw kami nasa studio para mag-ensayo at mag-isip ng mga bagong ideya. Tulad ngayon, may ensayo kami para sa Myx Music Awards 2018, may special performance kasi kami doon at ilang araw na lamang, darating na ang awards night.

"Ayan!" Hiyaw ni Zild habang tinatanggal ang headphones niya. Tinanggal niya rin ang pagkakasaksak nito sa laptop niya. "The backing track's perfect, pakinggan ninyo." Sabi niya sabay pindot ng play button.

Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo

Mayroong chorus sa simula bago mag-intro talaga. Interesting.

Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo. Mundo'y magiging ikaw.

Ang angas lang kasi parang may distortion.

"Angas ah!" Sabi ko kay Zild.

"Mas maganda nga 'yan kaysa sa una." Sabi naman ni Blaster.

Nangiti lang si Zild sabay tayo. "Tara, subukan natin."

Tumayo rin kami ni Blaster mula sa aming kinauupuan at lumapit sa kani-kaniya naming instrumento. Pinasadahan namin yung backing track na ginawa ni Zild ng mga ilang beses hanggang sa malinis na namin siyang naitugtog.

"Tawagin ko na si Daddy. Parinig natin." Tumayo si Blaster at lumabas ng studio.

"Salamat ha." Biglang sabi ni Zild habang may kinakalikot sa bass niya.

"Saan?"

"Noong isang gabi. Noong sinabi mong itutuloy natin 'to." Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Noong gabing 'yon, nagdududa na ako sa magagawa natin, pero ikaw, naniwala ka. Sabi mo nga, we will give better shows and songs." Dugtong niya. Napatingin naman siya sa akin. "Thank you for having faith in us."

"Sabi ko naman sa'yo, itutuloy natin ito 'di ba?" Sabi ko naman sa kaniya nang may ngiti. "Itutuloy natin ang laban, Zild."

"Laban?" Nataw naman siya nang paloob.

"Oo. Laban."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nung isang gabi, binasa ko yung mga sulat at mga mensahe ng ibang mga Spaders." Sabi ko habang naglalakad papalapit sa kaniya. Mayroon akong mga litrato nang mga 'yon sa phone ko at ipapakita ko ito sa kaniya. "'Di ba yung ibang mga fan arts at letters ako may hawak? Heto. Pinicturean ko yung iba. Basahin mo." Inabot ko sa kaniya ang phone ko at nagbasa nga siya nang mga fan messages. "Lumalaban sila, Zild."

Napatingin naman siya sa akin. "Mukhang naiintindihan ko na." Bumalik muli ang tingin niya sa mga sulat. "Nakakapagpatuloy silang lumaban dahil sa musika natin."

"Tama. Kaya dapat lumaban din tayo. Lumaban tayo para sa kanila, Zild. Kasi lumalaban sila. Yun ang nakikita kong purpose ng Panginoon sa atin."

Napangiti naman si Zild. "Itutuloy ang laban." aniya.

"Para sa mga patuloy din na lumalaban." Ngiti ko sa kaniya.

Alab Ng TanglawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon