• Una •

10 2 0
                                        

<Blaster>

May 5, 2018

Tahimik. Walang nagsasalita ni isa sa amin sa silid na ito. Si Zild at Badjao, tulala sa kawalan, samantalang sina Daddy – kasama ang iilan pang bahagi ng aming produksyon — ay tahimik na nakatitig sa kani-kaniyang screen, computer man yan o cellphone.

Pasado alas-tres na ng madaling araw pero gising na gising ang lahat sa amin. Gising ang katawan pero patay ang kaloob-looban. Kakalabas lamang ng aming official statement. Napalunok nalang ako sa ideya. Wala na talaga. Opisyal na.

Hanggang ngayon hindi ko parin sukat akalain na ganito talaga ang mangyayari. Oo, hindi ko naman itatanggi na nakita ko na ang posibilidad na mangyari 'to pero iba pa rin pala talaga kapag nandito na at nangyari na.

Nagpaalam si Unique at napagusapan din naman naming apat nang maayos ang kaniyang paglisan. Pero ngayon lang sumagi sa isip ko na wala pa kaming matinong usapan, kaming tatlo. Sige, oo na. Wala na sa banda si Unique. Ano na ngayon? Ano nang kasunod?

"Iwanan na namin kayo." naudlot ang aking pag-iisip nang biglang may magpaalam mula sa production team. Pinilit naming ngumiti bilang pagtugon.

Tumayo si Daddy A upang ihatid sila sa pintuan hanggang sa sila'y tuluyan na ngang nakaalis.

"Zild, Blaster, Badjao." tinawag ni Daddy A ang aming atensyon. "Magpahinga na kayo. Marami-rami pa tayong tatrabahuin sa mga susunod na araw." aniya habang nakatayo sa may pintuan.

"Opo. May paguusapan lang po kami sandali. Pahinga na po kayo." Tugon ni Zild na siyang tinanguan ng aking ama bago lumabas dito sa studio sa aming tahanan.

Alab Ng TanglawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon