• Pang-lima •

6 2 0
                                        

<Zild>

Heto na sumapit na ang pagkakataong iaanunsyo na ang magwawagi ng Myx Bandarito Performance of the Year.

Mabilis ang pagtibok ng aking puso. Tila may isang halimaw na gustong kumawala mula sa aking dibdib.

"Ayos ka lang?" Bulong ni Blaster sa akin.

Tinugon ko siya nang pagtango at ng isang ngiti. Ibinalik din namin niga ito sa akin.

Nakinig kami sa mga nagsaslita habang binabanggit nila ang lahat ng mga nominado. Sa pagkakataong ito, biglang sumagi sa isip ko na ang layo narin pala nang narating namin ng banda. Hindi ako makapaniwalang mapapasama kami sa mga ganitong klaseng mga awarding.

Biglang lumitaw sa aking isipan ang mga ala-ala mula sa mga panahong kami ay nagsisimula pa lamang. Kung paano kami nagkakilala, noong unang beses namin mag-jam, yung four of spades card na sinulatan namin ng unang setlist, yung mga tugtog namin na walang halos nanonood sa amin, noong sinabihan kami ng aking ama na 'hindi ko kayo kayang panoorin' noong hindi kami nagseseryoso, noong isinulat at binuo namin ang awiting 'Mundo', at lahat nang aming mga napagdaanan. Napa-ngiti na lamang ako. Napakabait ng Panginoon.

"IV OF SPADES!"

Biglang naghiyawan ang mga tao at naudlot ang aking pagmumuni-muni dahil dito.

"Uy! Tayo raw!" Hinila akong bahagya ni Badjao at nagtungo na kami paakyat ng entablado.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan magsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Hinayaan ko nalang na lumabas sa bibig ko ang mga dapat kong sabihin. Nagpasalamat ako sa mga taong tumulong sa amin at sumusuporta sa amin, pamilya, kaibigan at mga taga-hanga. Nagpasalamat din kami sa Kaniya na Siya rin namang nagbigay nang lahat ng ito. At bilang panghuli, hindi ko rin malilimutang pasalamatan ang isang tao na may malaking bahagi sa tagumpay na ito. Siya ay bahagi ng aming paglalakbay. Nakatayo kami rito ngayon sa kinatatayuan namin dahil nakasama namin siya sa paglalakad sa mabatong daan na aming tinahak. Kaibigan, maraming salamat.

"Salamat, Unique."

Alab Ng TanglawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon