The Killer App 19: The Truth

491 31 0
                                    

The Killer App 19: The Truth

FAILED! Napasigaw at napamura sa sobrang galit si Terrence ng makatanggap siya ng mensahe mula sa App sa nangyaring Assassination niya kay Heaven.

"Tang-ina! May lahing pusa ba itong si Topaz, bakit ang hirap niyang mapatay?" biglang sabi ni Princess ng minutong iyon habang sina Bryne at Dalton ay pinapakalma si Terrence na nagwawala na ng oras na iyon.

"Putang-ina talaga iyang lalaking iyan. Tinik talaga siya sa lalamunan ko!" galit pang sabi ni Terrence pagkatapos niyang ihagis ang isang Vase na binili ng Mommy ni Anastacia siya sa France.

"Uy, 50 thousands iyan. Bayaran mo iyan!" sabi pa nito habang nag-aayos ng kaniyang buhok. Saka siya tinignan ng masama ni Terrence.

"Kumalma ka nga! Ang OA mo! Pwede mo namang isend ulit iyan. Hello, unli-killers ata ang laman ng App na iyan. Hanggang buhay pa sila, wala silang choice kundi ang makipaghabulan at lumaban sa mga iyon, or else mamamatay sila." kalmado pang sabi ni Anastacia habang sinusuklay nito ang kaniyang kumikinang at malambot na buhok.

"May point siya. As long as may tumanggap ng trabaho, may chance tayo na manalo." ngiting sabi pa ni Princess sabay nakipag-apiran ito sa kaibigang si Anastacia.

At sinunod naman ni Terrence ang sinabi ng kaniyang mga kaibigang babae. Umupo siya sa couch at muling sinend ang details ni Heaven kalakip ang amount sa patong ng ulo nito.

...

Tulala at walang humpay parin ang pagtulo ng luha ni Heaven habang nakaupo ito sa ikalawang baitang ng hagdanan habang nakatingin sa kaniyang Ina na wala ng buhay.

Hindi na lumapit pa si Topaz sa dalaga, binigyan niya ito ng oras para magluksa pero alam nito na hindi sila dapat tumagal sa lugar na iyon.

Kaya pagkalipas ng isang oras ay muli siyang lumapit kay Heaven, inilahad nito ang kaniyang kamay sa harapan ng dalaga, tumingala ang luhaang mukha nito saka siya tinignan.

"Kailangan na nating umalis."

"Please, bigyan mo pa ako ng panahon."

"Heaven, habang tumatagal tayo dito mas mayroon silang chance na mahabol tayo."

"Topaz, pinatay nila ang Mama ko." giit at galit pang sabi ni Heaven.

"Kaya nga huwag mong sayangin ang pagkakataon mo na nabuhay ka, bigyan mo ng dahilan ang pangalawang buhay mo at gamitin ito para makaganti sa mga taong gustong manakit sa iyo." sabi ni Topaz habang nakatingin ito ng diretso sa mga mata ng dalaga. Muli siyang umiyak at bigla nalang siyang niyakap ng mahigpit nito at doon Humagulgol. Pinabayaan muna ng binata na umiyak ito ng umiyak, dahil pagkatapos ng luha kinakailangan na nila lumaban.

...

Habang nasa loob ng kotse ay hindi naiwasang matanong ni Heaven kung sino ang gustong pumatay sa kaniya.

"Hindi natin sila kilala. Or should i say, baka kilala mo sila." biglang pumasok sa isip ni Heaven ang mga kaibigang sina Terrence.

"Hindi magagawa sa akin ito ni Terrence."

"Hindi kita pipigilan sa iniisip mo, pero kilalang-kilala mo ba ang mga kaibigan mo?"

Saglit na natahimik si Heaven at hinawakan ang kamay ng binata na kung saan hawak nito ang manubela. Napatingin naman sa kaniya ito.

"Pwede bang magsabi ng sekreto sa iyo?"

"Nasa iyo iyan Heaven, kung pinagkakatiwalaan mo na ba ako."

Huminga siya ng malalim.

"Sorry ah, kung hindi pa ganoon ang tiwala ko. Kasi hindi ko na alam kung sino pa ba ang paniniwalaan ko." malungkot na paliwanag ng dalaga.

"It's okay. I understand."

"Okay. Sasabihin ko na." siguradong sigurado na si Heaven ng minutong iyon. Saka na niya sinabi sa binata ang totoong nangyari kay Vivian Filomena.

Tahimik at patuloy lang sa pakikinig si Topaz habang nagdadrive ito papuntang Batangas.

"Wala akong partisipasyon sa mga plano nila. Nagulat na nga lang ako na nandoon silang lahat habang tinatakot nila si Vivian. Ang kawawang Vivian." malungkot pang paliwanag ni Heaven kay Topaz.

"Bakit hindi ka nagsumbong?" tanong ni Topaz sa kaniya.

"Natakot ako. Hindi ko alam ang gagawin ko ng mga panahon na iyon. Hanggang isang araw, gustong gusto ko nang magsumbong sa Principal namin, at nakapagdesisyon na ako. Papasok palang ako sa building ng makarinig ako ng sigawan ng mga tao kaya napalingon ako, at maya-maya may bigla nalang akong nakaramdam ng malagkit sa aking mukha. Tila para bang may tumalsik sa mukha ko."

"At nang tumingin ako sa paanan ko, isang patay na babae ang nakita ko at nang hawakan ko ang mukha ko, doon ko napagtanto na dugo pala ito."

Malinaw na malinaw pa sa isipan ni Heaven ang mga nangyari ng araw na iyon.

"Tapos na. Tapos na iyon, mag-move on ka na, Heaven. Sa tingin ko naman alam ni Vivian ang totoo, kaya huwag mo nangsisihin ang sarili mo."

"Hindi kasi tama, Topaz. Kung naging matapang lang ako noong una, kung nilakasan ko lang ang loob ko. Kung talagang naging totoo lang ako sa sarili ko, edi sana buhay pa si Vivian."

"Tama na. Okay, magfocus nalang tayo sa kung anong mga nangyayari ngayon."

"Topaz, mamamatay ba ako?" kitang-kita ni Topaz ang pag-aalala sa mga mata ni Heaven ng minutong iyon, kaya ngumiti siya at pinalakas nito ang loob ng dalaga.

"Hindi ka mamamtay, tandaan mo iyan." saka hinigpitan ni Topaz ang hawak sa kamay nito.

The Killer App  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon