The Killer App 27: Bestfriend

466 32 0
                                    

The Killer App 27: Bestfriend 

Si Topaz na mismo ang tumanggap ng assignment. Nasa harapan niya si Heaven ng minutong iyon nang muling isend ni Terrence ang assignment na nagfailed sa pangalawalang pagkakataon. 

"Paano iyan, kailangan mo ba akong patayin?" 

Sa batas ng Killer's Inc. Kinakailangan na iyong trabaho na Tatanggapin mo ay dapat mong tapusin. Bibigyan ka lamang nila ng limang araw para magawa mo ang trabaho at kapag nagfailed ka o nagdalawang isip ka na gawin ang assignment. Maaari kang habulin ng mga Killers. Namomonitor kasi nila ang mga galaw mo pati na rin ang mga trabahon ipinapagawa sa iyo gamit ang chip na nakakabit sa batok ng mga Killers. 

"Ano ng gagawin natin?" ramdam ni Topaz ang pangamba ni Heaven ng minutong iyon. 

"Magtutulungan tayo, okay?" sagot ni Topaz sa kaniya saka nito hinawakan ang kamay ng dalaga. 

"Uhm, bakit hindi nalang baril mo ako sa hita o kaya sa paa tapos aarte nalang ako na parang patay." seryosong suggestion pa ni Heaven kay Topaz kaso tinawanan lang siya ng binata. Dahilan para mainis sa kaniya ang dalaga. 

"Anong nakakatawa?" 

"Wala! Wala. Sorry, i didn't mean to offend you, okay? Ang cute mo lang kasi talaga." saka pa niya pinisil ang pisngi nito. 

"Ewan ko sa iyo." nagtatampo parin siya ng minutong iyon. 

"Okay sige na. Iyong ideya mo, hindi kasi applicable sa sitwasyon. Gaya nga ng sabi ko, namomonitor nila ang galaw natin, okay? At by this time siguro may ideya na rin sila sa mga nangyayari kaya kailangan nating gumawa ng paraan at plano." nakinig at inintidi naman ni Heaven ang mga sinabi ni Topaz sa kaniya. 

Muli silang nagplano kung paano nila malalaman kung sino ang naguutos na patayin sila. At walang ibang pumapasok sa isip ni Heaven na maaaring makatulong sa kanila kundi ang bestfriend niyang si Dorothy. 

Kaya minanmanan nila ito. Sinundan at inalaman ang bawat galaw ng kaibigan maski ang schedule nito. Hanggang sa isang araw ay mayroong birthday party na pupuntahan ang kaniyang Mommy ng gabing iyon at maiiwang mag-isa si Dorothy, pagkahatid niya sa kaniyang Mommy ay siyang sakton paglabas ni Heaven sa loob ng kotse at saka niya sinundan si Dorothy at tinutukan ng baril sa gilid nito. 

"Dumiretso ka lang ng lakad." bulong pa nito sa kaniyang kaibigan na kaagad namang sinunod ni Dorothy. Nang oras na iyon, alam na ni Dorothy ang taong nasa kaniyang likuranp. Si Heaven, ang kaibigan niya. 

Nang makapasok na sila ay inutos naman ni  Dorothy na dumiretso sila sa cctv room nila at ioff nito ang cctv at idelete ang video footage na kung saan nakita na pumasok siya, na siyang sinunod din naman ni Dorothy. 

Nang nagawa na ni Dorothy ay tinanong niya ang kaibigan. 

"Nagawa ko na, okay na ba?" naiiyak na sabi ni Dorothy sa harapan ng kaibigan. 

"Huwag mo akong iyakan, Dorothy. Hindi pa ako patay, at sinasabi ko sa iyo na hindi ako mamamatay." may laman ang mga salitang binitawan ni Heaven sa dating kaibigan. 

"Bes, sorry na." tumulo na ang luha ni Dorothy ng minutong iyon at lumuhod pa siya sa harapan nito at nagmakaawa. 

"How dare you do this to me, huh! I trusted you! Of all people ikaw ang pinakahindi ko pagiisipan na gagawa ng masama sa akin. Akala ko magbestfriends tayo tapos ito ang gagawin mo sa akin?" nanggigigil na si Heaven ng minutong iyon. Gustong-gusto na niyang galawin ang gatilyo ng baril na hawak niya sa mukha ng kaibigan. Napapikit naman sa sobrang takot si Dorothy sa maaaring gawin sa kaniya ng kaibigan. 

Panay naman ang hingi ng patawad ni Dorothy sa kaibigan pero bingin na si Heaven sa mga salitang lumalabas sa bibig ng kaniyang kaibigan. 

"Natakot lang din ako. Kapag kumalas ako, idadamay nila ako. Kilala mo naman si Terrence, hindi ba? Natakot lang din ako para sa buhay ko, Heaven." paliwanag pa nito sa kaniya. 

"Kaya hindi mo sinabi?" 

"No! No! I tried to warn you. Naalala mo, iyong pinilit kitang sumama sa School party, pero sabi ko huwag ka nalang tumuloy? Pero sabi mo sayang naman kasi nakaayos na ako. Pinilit ko, Heaven. Maniwala ka, pinilit ko talaga." 

"Hindi ako naniniwala sa iyo." galit na sabi nito sa kaniya. Nang biglang tumunog ang phone ni Dorothy at inutos ni Heaven na tignan nito kung sino ang tumatawag at sinunod naman ni Dorothy kinuha niya sa bulsa ng short niya ang kaniyang phone saka tinignan ang tumatawag sa kaniya ng minutong iyon at walang iba kundi si Anastacia. 

"Sagutin mo." tinutuok pa ni Heaven ang ulo ni Dorothy ang baril na hawak niya. Nanginginig naman na kinausap ng dalaga ang kaibigang si Anastacia. 

"H-hello…" 

"What the! Anong nangyari sa iyo?" tumingi sa mga mata ni Heaven si Dorothy at tila nag-antay ng sasabihin nito pero walang sinabi si Heaven. 

"Uhm, nasa cr kasi ako at masama iyong tiyan ko." pagdadahilan pa ni Dorothy kay Anastacia. 

"Eww! Bilisan mo, at ikaw nalang ang inaantay ni Terrence, mukhang mainit na naman ang ulo." gipit pa nito saka niya ibinaba ang tawag.

"Gawin mo." 

"A-ah?" 

"Makipagusap ka sa kanila. At huwag kang magpakahalata na may kakaibang nangyayari sa iyo, kundi hindi ako magdadalawang isip na pasabugin iyan ulo mo." giit pa ni Heaven sa kaniyan at sinunod naman niya ito. 

Hanggang sa nangyari na nga iyong nakita ni Dorothy na nahulog ang ulo ni Princess sa harapan ng camera at Napasigaw siya sa sobrang takot at nagleft sa conference video call ng oras na iyon at humagulgol ito sa sobrang iyak. 

"Tumahimik ka!" biglang nagpaputok si Heaven ng minutong iyon at tumahan naman si Dorothy habang patuloy parin sa pagtulo ang luha nito gayon din ang sipon nito sa kaniyang ilong. 

"Please, nagmamakaawa ako sa iyo Heaven. Huwag mo akong patayin, please!" pagmamakaawa pa ni Dorothy sa kaibigan. 

"May proposal ako sa iyo. Kapag natapos na ang gulong ito, gusto ko lumantad ka. Tapos, sabihin mo sa lahat ang mga nalalaman mo. Naiintindihan mo ba?" mabilis naman na tumango si Dorothy sa harapan ng kaibigan at niyakap pa nito ang hita ng kaibigan kaso sinipa naman siya ni Heaven. 

"Hindi pa kita napapatawad sa mga nagawa mo sa akin, Dorothy. Namatay ang Mommy ko dahil sa nagawa niyo, kaya kapag nalaman ko lang na ginagago mo ako, alam mo na ang mangyayari sa Mommy mo." pagbabanta pa ni Heaven rito saka na siya muling umalis sa bahay ng dating kaibigan at sumakay sa kotseng nakaparada sa harapan ng bahay nila at doon palang nakahinga at binuhos ng dalaga ang pag-iyak nito. 

The Killer App  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon