Epilogue

1K 58 38
                                    

Epilogue 

Malamig ang oras na iyon. 11:30 pm, 30 minutes bago magpalit na naman ng panibagong araw mg dumating mag-isa si Terrence sa warehouse na lugar na ibinigay ni Heaven kung saan sila magkikitang dalawa. 

Pumasok sa tahimik at madilim na luma at maalikabok na lugar na iyon si Terrence ng mag-isa gaya ng utos ni Heaven sa kaniya. Bilang kapalit sa buhay ng kaniyang Mommy. 

Pagkatapos nilang mag-usap ng oras na iyon ni Heaven, sinubukan niyang tawagan ang number ng kaniyang Ina pero walang sumasagot dito at panay lang ito ring ng ring. Nang muli niya itong tawagan ay may sumagot na rito ibang boses at alam niyang hindi ito ang boses ng kaniyang Ina. 

"Please can i talk to my Mom?" pagmamakaawa pa ni Terrence ng minutong iyon. Gusto lang naman niyang malaman at makasiguro na buhay pa ang kaniyang Ina. Maya-maya nakareceived siya ng MMS at nang buksan niya ito ay doon niya nakita na ang kaniyang Ina ay nakahiga sa kama at tila para bang natutulog lang ito. Muli niyang tinawagan ang numero ng kaniyang Mommy pero hindi na siya sinagot nito. 

Palingon-lingon si Terrence sa paligid, inaalerto niya ang kaniyang sarili baka raw kasi bigla nalang siyang sugurin ng mga ito. Huminto siya sa gitna ng Warehouse may malaking ukang sa itaas nito na siyang nagbibigay ng liwanag sa spot na iyon. Mabilis parin ang tibok ng puso ni Terrence. Handa na rin naman siyang mamatay, alam niya na sa dami ng mga napatay nilang mga kaibigan nito, hindi siya sasantuhin o bubuhayin ng dalawa. 

Napalingon siya sa gilid ng biglang lumabas mula sa dilim si Topaz. 

"Kamusta, Terrence. It's been a long time." ngiting bungad pa ni Topaz sa kaniya. Nakatitig lang sa mga mata nito si Terrence na halatang gigil na gigil na nang minutong iyon. 

"Napaka-swerte mo, ikaw ang huling mamamatay sa mga kaibigan mo." dagdag pa ni Topaz nang akmang susugurin na sana siya ni Terrence nang biglang nagpakawala siya ng putok sa paligid nito atsaka siya huminto sa paglalakad patungo sa kaniya. 

"Ayan, marunong ka naman palang kumalma. Good boy, Terrence." nakuha pang mang-asar ni Topaz rito. 

"Alam kong hindi mo na kailangan ng pera, dahil sobrang dami na nang pera ng pamilya mo. Ano ba talagang gusto mo, ah?" 

"Ang gusto ko, tumahimik ka!" muli na naman siyang nagpaputok. 

"Ang ingay mo, hindi ako maka-concentrate. At kapag hindi ako maka-concentrate, nanginginig iyon kamay ko!" saka niya sinuntok sa sikmura si Terrence at napangiwi ito sa sobrang sakit. Napaluhod din siya ng minutong iyon habang hawak-hawak ang kaniyang tiyan. 

"See? Ayan tuloy ang nangyari sa iyo." inangat ni Topaz ang ulo ni Terrence at nakipagittigan ito ng husto. 

"Tumingin ka sa mga mata ko." saka naman walang choice na tumingin si Terrence sa kaniya dahil sinambunutan siya nito. 

"Magkikita tayo sa impyerno, pero sa ngayon. Mauuna ka muna." sabi pa nito saka niya pinagsisipa at binugbog ng husto ang walang kalaban-laban na si Terrence. 

Halos manghina na siya ng minutong huminto saglit si Topaz para huminga, at saka naman dumura sa gilid nito si Terrence na may halong dugo na nito. 

"B-bakit ayaw mo pa akong patayin?" nauutal na tanong ni Terrence sa kaniya. 

"Bakit? Kasi nag-eenjoy pa akong pahirapan ka. Nag-eenjoy akong nakikitang kang mahina, wasak at mukhang basura." 

"Patayin mo nalang ako, please." 

"Don't be too excited my friend. Darating ka rin diyan, but for now i save the best for last to yourself ." sabi ni Topaz saka lumabas na si Heaven sa may gilid ni Terrence dahan-dahan siyang lumingon rito at inangat ang ulo para masilayan ng husto ang dating kaibigan. 

The Killer App  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon