The Killer App 21: Tadhana
"Hindi coincidental ang mga nangyayari sa atin, Heaven." nagtaka naman kaagad si Heaven sa narinig niya mula sa binata.
"A-ah, anong ibig mong sabihin."
"Natandaan mo iyong kiniwento ko sa iyo tungkol sa mga magulang kong pinaslang?" tumango si Heaven ng minutong iyon bilang tugon.
"Sa tingin ko nahanap ko na sila."
"A-ah?" napakamot pa siya sa kaniyang batok at tila hindi magets ang nais nitong sabihin.
Saka ipinakita ni Topaz sa dalaga ang isang Application sa kaniyang Phone.
"Ano naman ito?" tanong niya sa binata.
"Ang tawag sa App na iyan ay The Killer App."
"Seryoso?" Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa kaniyang narinig.
"Ginamit ko ang App na ito para takutin si Penelope." nanlaki ang mga mata ni Heaven ng minutong iyon at tila kinabahan siya sa kaniyang narinig mula sa binata.
"Y-you mean…"
"Oo, isa akong Killer."
Halos nanghina ang tuhod ni Heaven ng minutong iyon sa kaniyang narinig. Hindi niya akalain na sa dami ng maaaring sabihin nito o aminim nito ay ang pagiging Killer pa niya.
"A-are you gonna kill me?" tanong niya rito habang nag-aalala sa kaniyang buhay.
Saka biglang tumawa ng malakas si Topaz dahilan para magtaka si Heaven sa kinikilos ng binata.
"Anong nakakatawa sa tanong ko?" imbis na matakot ay inis ang naramdaman niya sa pagtawa nito sa kaniyang sinabi.
"Alam mo kung gusto kitang patayin, edi sana tinanggap ko na iyong patong sa ulo mo na 10 million." nanlaki ang mga mata ni Heaven sa narinig niya mula rito.
"Anong sabi mo?"
"You heard me right? 10 million ang nakapatong sa ulo mo."
Muling bumilis ang tibok ng puso ni Heaven at halos hindi na siya makahinga.
"Uy, kumalma ka. Everything is fine here, okay. Walang gagalaw sa iyo rito. And don't think na masama akong tao. Well, i killed people. Pinakabatang napatay ko ay baby,"
"Seryoso ka? Tapos sasabihin mo na kumalma ako? Gago ka ba?" sinigawan pa siya nito.
"Anak siya ng isang terorista okay, at sa susunod siya na ang mamamahala sa grupo ng mga magulang niya. I just saved thousands of lives."
"Kahit na! For pete sake, Topaz. Baby iyon. Wala pang muwang iyon."
"Lahat naman tayo dumaan sa pagkabata."
"Pero, hindi ko pinangarap na maging killer."
Huminga ng malalim si Topaz saka siya muling magsalita.
"Hindi ko rin naman ito pinangarap," naging seryoso ang tono ng boses niya.
"Pero ginawa mo parin."
"Ginawa ko kasi gusto ko."
"Galing na rin naman pala sa bibig mo, gusto mong pumatay. Gusto mong patayin ang baby na iyon."
"Dahil gusto kong maghiganti! At malapit na ako, Heaven. Matatahimik na ang kaluluwa ng mga magulang ko. Maigaganti ko na sila." giit pa ni Topaz sa kaniya.
"Sa tingin mo ba, gusto ng mga magulang mo ang ginagawa mo?" hindi nakasagot si Topaz at bigla nalang itong tumayo saka iniwan si Heaven at lumabas ng kwartong iyon.
Habang si Heaven ay nag-alala sa kaniya, pakiramdam niya masyado siyang maraming nasabi. Nasaktan nito ang damdamin ng kaibigan.
…
Binuksan ni Topaz ang shower at sumandal siya sa wall habang muling binalikan ang mga salitang sinabi sa kaniya ni Heaven kanina.
Sa tingin mo ba, gusto ng mga magulang mo ang ginagawa mo?
Hindi maiwasang hindi mainis ni Topaz at bigla niyang sinuntok ang pader na sinandalan niya hanggang sa masugatan ang kanang kamao nito.
Samantala, hindi parin maalis-alis sa isipan ni Heaven ang mga nangyari kanina. Parang ang daming naganap sa araw na ito at ang daming rebeleasyon na kaniyang narinig sa araw na ito.
At isang tao lang ang hindi mawala sa isipan niya.
Si, Topaz.
Hanggang sa naisipan niyang lumabas mula sa Veranda. Tapos napalingon siya sa gilid nito, nandoon rin pala si Topaz at nakatingala sa langit.
"Uy," sabi ni Heaven pero hindi siya pinapansin nito. Napansin naman nito ang bandage sa kanang kamay ng binata at kaagad niyang kinuha ang atensyon nito.
"Sinaktan mo ang sarili mo?"
"Huwag kang mag-alala, wala kang kinalaman dito." malamig na sagot ni Topaz sa kaniya.
"Look, I'm sorry. Sorry sa nasabi ko. Sorry kung pakiramdam mo ay jinudge kita, okay."
"Okay lang iyon." saka ito Huminga ng malalim..
"Peace na tayo?" tinignan siya ni Topaz.
Ngumiti naman ng maluwang si Heaven at nagpacute sa harapan ng binata, at saka ito ngumiti.
"Yes! Napangiti ko siya!"
"Baliw!" sagot nito saka siya tumalikod at muling ngumiti saka ito muling pumasok sa kaniyang kwarto.
BINABASA MO ANG
The Killer App (Completed)
Teen FictionMay kinaiinisan ka ba? Binully, pinahiya, sinaktan o pinagsamantalahan? Now is the time para makaganti ka sa kanila. Use the Killer App. #TheKillerApp All Rights Reserved 2020 04/29/2020