Chapter 3: Raider Guy

19 1 0
                                    

Maxwell Rohan

It's already past seven in the evening. I'm here inside my room while waiting for my mom. Kahit anong mangyari kasi, kahit busy si mommy sa pag-handle sa pastry business namin, lagi pa rin siyang umuuwi nang maaga para sabay kaming mag dinner. Mostly eight siya nakauuwi, while late na yung ten in the evening.

Right now, wala akong ginagawa kundi pagmasdan ang puting kisame ng kuwarto ko. Kahit gusto ko na maging productive ang gabi ko habang naghihintay sa paguwi ni mommy, like what I always do, hindi ko magawa.

Natulog ako kanina nang makauwi ako, and since magising ako kanikanina lang, wala akong will para gawin ang kahit na ano.

Hindi ko alam pero simula kanina, ginugulo na ang isip ko ng isang lalaki na kakikilala ko pa lang naman ngayong araw. There's this weird feeling inside me na hindi ko maipaliwanag kung ano. Sa iilang oras pa lang namin na nagkasama, pakiramdam ko ang lakas ng impact niya sa akin. Nobody made me feel this way, just him. It's not love at first sight eh. More likely, hatred at first sight.

I don't know, ayaw ko lang kasi talaga na dinidikitan kami, particularly ako ng isang tao na feeling close. Yung mga tao na kung makipagusap sa'yo eh akala mo matagal na kayong magkakilala. Ayaw ko rin ng masyadong mahangin na tao. Well, ganon na ganon siya, mahangin and feeling close. However, kahit naiinis ako sa kanya, I kinda want to know him more. It's not that I want us to get to know each other through dating or the likes, I just want to know more about him because I feel like he's a big mystery.

Who are you really, Adam Mathew Gold?

Honestly, ngayon lang ako naging ganito. Ngayon lang ako naggugol ng oras para lang isipin ang isang tao. Which is not so me. Hindi kaya infatuated ako at hate ko siya at the same time? Maybe hate ko siya kasi infatuated ako sa kanya? Ugh! Napahilot na lang ako sa aking sentido.

After several minutes, I decided to reach for my phone which is on top of my bedside table. Agad ko itong in-unlock using my right thumb which is my registered finger print. Hindi na ako nagabala pa na tingnan ang notifications sa lock screen. Usually kasi wala naman kuwenta. Gaya ng Facebook, Youtube, Instagram, Wattpad, and Mobile Legends notifications. Madalas din na may message notifications ako from globe.

I clicked my phone's music player and looked for my favorite comfort song whenever I'm stressed or bombarded by something, I Love You by EXID. Ganito yung mga tipo ko sa music. Yung mga medyo lively yung beat pero hindi masyadong OA, just enough liveliness kumbaga. Mahilig ako sa mga songs na one of a kind yung tunog. I love listening to underrated songs kasi di mo madalas maririnig kung saan aside sa music player mo so hindi nakakasawa agad.

Hindi na ako nagabala pa na magsuot ng AirPods kasi mas feel ko yung vibe kapag phone speaker yung gamit ko sa pakikinig sa favorite songs ko.

Just for a fact, I might be emotionless every time, but whenever I listen to music, every emotions of mine is effortlessly coming out. Especially when I'm singing, which is normally dito lang sa kwarto ko kaya ako lang ang nakakikita kung paano bumuhos ang emosyon mula sa mga mata ko. Madalas pa nga akong humaharap sa salamin tuwing kumakanta ako because that's the only time where my emotions are showing. A rare occasion I suppose.

Ilang saglit pa, I decided to open my Facebook app. Well, I'm still a normal teenager who loves browsing on social media apps. Yun nga lang, thirty minutes lang ang ginugugol kong oras sa virtual social world. Mostly kasi, nonsense posts lang ang nasa social media sites gaya ng memes and rants ng mga kabataan. Hindi ko rin bagay yung mag share ng posts or mag update ng status ko. Although I have more than half a thousand friends on Facebook, antisocial pa rin ako. Ayaw ko lang masabihan ng 'famous', 'snob' and the likes kaya I'm accepting my classmates' friend request.

The Guy Who Made Me NewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon