Chapter 9: Rush of Emotions

5 1 0
                                    

Maxwell Rohan

Several days had passed already. Minsan tuloy naiisip ko na laging may pupuntahan yata ang oras, nagmamadali. Tsk.

Sa mga araw na tuluyan nang dumaan at lumampas sa akin, isa lamang ang katotohanang sigurado ako. Ito ay ang hindi ako pinapansin ni Adam na kung maka-asta'y akala mo malaki siyang kawalan. Tss.

Although I admit na naguguluhan ako kung bakit siya naging ganoon sa akin. Sa pagkakatanda ko naman ay wala naman akong nagawang kasalanan sa kanya. Inaamin ko rin na may MALIIT na parte sa akin ang hinahanap-hanap ang nakilala kong Adam.

Sa iba naman naming kaibigan, ayos ang pakikitungo niya. Lagi pa rin naman siyang sumasama sa amin every lunch. 'Yun nga lang ay tila hangin lang ako sa kanya.

Hinahayaan ko na lang dahil kahit papaano'y naging payapa ako. Walang preskong masyadong caring pero hanggang umpisa lang naman pala. Eh? Walang kumakausap sa akin na masyadong conceited. Higit sa lahat, wala na rin nanlilibre sa akin. Psh. Minsan nga naisip ko tuloy na na-realize niya sigurong maghihirap lang siya kalilibre sa akin nang wala namang nahihitang matino mula sa tulad ko, kaya who you ako sa kanya. Ha! May pera ako noh! Tss.

Pero the heck with a triple cringe! Nababaliw na ang sistema ko dahil sa sitwasyon ngayon. Di ko alam kung bakit pero gusto kong mag sorry sa kanya kahit alam kong wala naman akong nagawang mali. Pero asa siya na makatatanggap siya ng 'sorry' mula sa akin.

On the brighter side, mabuti at ang sistema ko lang ang nababaliw at hindi ako.

"Sweetie, I'm gonna be out of the country, the following week after next week for a meeting with some prospect foreign investors," wika ni mommy na siyang naging dahilan upang maibalik ako sa kasalukuyan mula sa malalim na pagiisip.

Kasalukuyan kaming kumakain ng almusal ngayon.

"Okay," walang gana kong tugon bago sumubo ng spoonful of my favorite viand, bopis.

"You may invite Precious and your new friends that you've mentioned before for a sleep over here, para naman may kasama ka. They may stay here for a week or even until I get back," masaya niyang suhestiyon na tinugon ko lang ng marahang pagtango.

"You may also invite your suitors or the one you're courting if there's one, hihihi," pilyang dagdag pa ni mommy na hindi ko na lang pinansin. I'm just not in the mood. I mean I'm always not in the mood, tss.

"You're not in yourself recently, sweetie. Mind to share?" May bahid ng paga-alalang saad ni mommy.

"Nothing important," I replied nonchalantly.

"Weh? Then why're you always spacing out?" Di naniniwalang wika niya.

"Just a teenager thing," I said with a bored tone. Hindi rin ako tumitingin sa kanya.

"Aysus, 'teen ager thing'. LQ kayo ni Adam ano? Hihihi," aniya sa isang pilya at mapanuksong tono. Dahilan upang muntikan na akong mabulunan.

"Hahahahaha, I knew it," pumapalakpak pa niyang dagdag. Marahil ay nakita niya na muntikan akong mabulunan. My mom's happiness is teasing me, obviously.

"Mom there's no 'LQ' thing. Simply because there's nothing between us. We're just friends," saad ko na may blankong ekspresyon upang hindi niya mabanaag na medyo tensed ako sa dahilang di ko alam. Tss.

The Guy Who Made Me NewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon