Chapter 2: Really Embarrassing

11 1 0
                                    

Maxwell Rohan

Hindi rin masyadong nagtagal ang first half ng klase namin ngayong araw. Dalawang subjects lang naman ang mayroon kami before lunch break. Parehong two hours ang first subjects namin. Samantala, may one hour naman kami para mag lunch. Then resume na uli ng class, in which dalawang subjects din. Ang isa ay two hours at ang last subject naman ay one hour lang.

Just like our first subject, introduction of selves lang ang ginawa namin sa sumunod. Pinaalam lang din ng teacher namin kung ano ang rules and regulations niya during time niya. Binanggit niya rin ang mga dapat i-accomplish within the semester sa subject niya.

Papunta na kami ngayon ni Precious sa cafeteria para mag lunch. Mas napili namin na kumain na lang dito sa loob ng school kaysa lumabas pa. Puwede kasing lumabas ang senior students para mag lunch. That's why yung iba naming classmates and school mates ay nagsisilabasan. Sure naman na babalik sila dahil automatic na mag sesend ng notice of ditching classes sa parents nila if ever na hindi sila bumalik.

Hindi rin nag tagal ang paglalakad namin ni Precious at narating na namin ang cafeteria ng school. Sing laki ito ng tatlong basketball court kaya medyo maluwag. Maraming iba't ibang uri ng pagkain dito. Simula sa rice meals, pasta, salad, cakes, frappes, teas, coffee, and finger foods. Sakto lang naman ang presyo, hindi bababa ng fifty pesos pero di rin naman lumalampas ng two hundred. Presyong fast food, ika nga ni Precious.

"Sikat talaga tayo dito sa campus natin Max! Hihi," Precious stated right after we entered the cafeteria.

"IDC, and IHI," walang gana kong tugon.

The moment we stepped in here, marami na agad nag tinginan sa amin. Medyo marami rin kasing studyanteng kumakain dito, especially juniors. Bawal kasi silang lumabas ng campus during break time.

"Ayan ka na naman sa I DONT CARE at I HATE IT mo. Jusko, simula first year tayo dito ganiyan din ang sinasabi mo sa tuwing nakahahakot tayo ng atensyon. Wala na bang iba?" Bahagyang napapangiwi niyang tugon.

"I hate attention, right?" Tangi kong saad.

"I know right. Eh kahit naman ayaw mo, palagi pa rin tayong napapansin, lalo ikaw. The fact that we aren't doing anything, yet we got almost everyone's eyes! You should've been used to it already. Lalo pa't ika-sixth year na natin dito sa school, at ika-sixth na rin natin sa spotlight kumbaga," mahaba niyang litanya.

"Whatever," I replied nonchalantly.

Until now na nandito na kami sa counter at nakapila para mag order, rinig na rinig ko pa rin ang bulungan ng iba about sa amin ni Precious. The heck, till now inaakala pa rin ng iba na ka-year level namin na mag on kami after all these years. Ang iba naman sinasabi na bagay daw kami. Hindi rin nakalampas sa pandinig ko ang iba na walang ideya kung sino kami kaya nag tatanong.

Minsan talaga ang hirap din na nananahimik na lang. Ganon din naman kasi, kahit anong tikom ng bibig mo, marami pa rin silang mapaguusapan tungkol sa'yo. Kapag nag react ka naman sa mga sinasabi nila, paguusapan ka pa rin. Yet still, I think that the best thing to do is to remain silent.

"One plate spaghetti, two slices of pizza, a serving of macaroni salad, and a medium size bottled water," sabi ko sa canteen staff na kumukuha ng order.

"270," tugon naman niya matapos i-compute ang total price ng binili ko.

"Chicken salad with cheese, a slice of black forest cake, and a medium size bottled water," sabi naman ni Precious na siyang kasunod ko sa pila.

The Guy Who Made Me NewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon