Toxic ang duty ko that night. Since maraming naka leave ay lima lang kaming naka duty sa lab. Maliban sa crossmatching at pagtao sa microbiology section, tumatakbo rin ako sa ER tuwing may tawag sa phone for blood extraction. We have interns around but they could only assist. Kaya laspag na laspag pa rin ako sa duty. Parang hindi na ako nakaramdam ng antok dahil halos sunod-sunod ang dating pasyente.
"Uy Sola, ano na? Kelan tayo?" Tanong ni Brix, ER nurse. Nag aayos na ako ng tackle box ko pagkatapos kong kuhanan ng dugo ang tatlong pasyente sa ER nang lumapit sya.
Halos kasing tagal ko na rin yatang nagta-trabaho ito dito sa ospital na pinapasukan ko. Noong bago lang akong hired puro ER extraction ang ginagawa ko kaya kakilala ko na halos ang mga nurse sa ER. One of them is Brix. Apparently, malandi ang isang ito at panay ang yakag sa akin na mag inom kami minsan after duty. Napagbigyan ko once pero sinama ko iyong ibang kasamahan ko sa lab. Ngayon humihirit na naman.
"Eh hindi naman kasi magsabay morning o PM duty natin." Sabi ko naman.
Okay naman si Brix. Matangkad. Medyo fit rin ang katawan. May tattoo sa left arm. Moreno. Dave is different, mestizo naman si Dave at singkitin.
I put my sharpie pen on the breast pocket of my scrub top at binuhat ang tackle box gamit ng isang kamay.
"Basta kapag nagkasabay tayo ng PM, ha? Huwag mo na akong tanggihan." Sabi pa nito habang nagsusulat sa chart. Nginitian ko naman sya. PM duty runs from 2 PM to 10 in the evening.
"Oo, sige na." I said before walking out of the ER going back to the lab.
Pagbalik ko ng lab ay may lima agad ako na for crossmatching. I checked the time from the wall clock of the Blood Bank section. Half past 1 AM. Hindi pa ako kumakain maliban doon sa rice meal na binili ko sa Ministop kanina. Halos hindi na nga ako makaupo sa dami ng ginagawa. Pagkatapos kong mag crossmatch ay nag prepare naman ako ng media for wound culture.
By five in the morning, tumulong akong mag warding extraction sa fasting patients. Halos mangiyak-ngiyak ako nang makita kong dumating ang mga staff for morning shift. I was done half an hour past six in the morning.
Bumili ako ng ilang pirasong pan de sal at isang sachet ng 3-in-1 na kape bago ako umuwi. Iyon lang muna dahil medyo malayo pa rin ang sahod. Nakasalubong ko si Maan, iyong isa sa dalawa kong dormmate habang paakyat ako sa floor ng inuupahan namin. Sa office nagta-trabaho si Maan kaya halos hindi na rin kami nagpa-pang abot kung pang gabi ang duty ko. Si Kate naman, estudyante pa lang pero madalang naman sya umuwi sa dorm since ilang sakay lang din mula sa school nya ang bahay nila. Kapag late lang natatapos ang klase nya saka sya umuuwi sa dorm.
"Uy iniwanan kita ng ulam pala sa mesa. Nagbaon rin kasi ako sinobrahan ko na. 'Yon na lang kainin mo for lunch para hindi ka na bumili." Bilin nito nang magkasalubong kami.
Ngumiti ako. "Salamat, Maan. Ingat ka papasok sa work."
"Hmm, sige. Bye!"
Sinalubong ako ng walang lamang dorm room pagpasok ko. Mabuti na lang at malinis sa kwarto si Maan kaya kapag dadatnan ko ang dorm, malinis at maayos. Sumampa agad ako kama ko. May dalawang double decker bed ang dorm namin. Sa magkabilang baba kami ni Maan. Si Kate naman sa taas ni Maan since minsan lang sya sa dorm. Iyong kama sa taas ko bakante. Minsan pinaglalagyan na lang namin ng gamit.
Sa isang sulok ay may sofa bed tapos maliit na TV. Katabi naman no'n iyong maliit rin na dining table na may tatlong mono block chair tapos lutuan na. Sa isang side naman iyong toilet at shower.
Nag dorm ako nang magsimula akong mag trabaho sa ospital. Two months yata after kong makapasa ng board exam, nag work na ako. Ospital agad since iyon na rin naman ang experience ko from internship.

BINABASA MO ANG
Mezzanotté (R-18)
RomanceSolana was eighteen when she lost her most kept virginity over her strange yet captivating visitor named Mezzanotté.