Umuwi ako sa San Pedro nang Linggo ng gabi since Miyerkules pa ang next duty ko.
Nandoon ang pinsan ko na si Tere. Halos magka edad kami mas bata lang ito ng dalawang taon kaya parang kapatid na rin ang turing ko sa kanya. Anak sya ni Tita Marietta ko na kapatid ni Papa na kasalukuyang DH sa Taiwan. Kaya dahil hindi malayo ang bahay nila sa amin, madalas tumatambay dito si Tere. Dito na minsan natutulog. Parang anak na rin ang turing sa kanya ng mga magulang ko lalo na nung simulang mag aral ako at magtrabaho sa Maynila at madalang na na makauwi.
Nakaka miss sa bahay lalo na ang mga luto ni Mama. Iyong tipong pwede kang gumising ng tanghali na at paglabas mo ng kwarto may masarap na pagkain na naghihintay sa'yo. Ilang beses ko na ring naisipan na sa ospital na lamang dito sa San Pedro ako mag trabaho. Kaso medyo sanay na rin ako sa Maynila at 'di hamak na mas malaki ang sahod. Not that my parents need too much money. My parents own a small grocery in town. Iyon ang bumuhay sa amin ng mahabang panahon at nakapag patapos sa akin ng pag-aaral. Kaya nga tuwing umuuwi rin ako rito ay nagv-volunteer ako magbantay ng convenience store namin. Although may hired kami na tauhan roon.
Nagising ako sa tunog ng malakas na jingle at boses mula sa megaphone.
Tuwing Lunes kasi ay nag iikot sa buong bayan ang mga taga Munisipyo para mamigay ng libreng groceries sa bahay bahay. Malapit na naman kasi ang eleksyon kaya double time naman ang mga De Luca na mangampanya sa simple nilang paraan.
De Luca is a family of political dynasty in San Pedro. Bata pa lamang ako ay ang mga ito na ang manumuna sa naturang bayan. They are part Italian at maimpluwensyang pamilya. Parang nasanay na lamang ang mga tao sa mga ito kaya tuwing eleksyon ay sila pa rin ang nahahalal.
Pagkatapos kong maghilamos at magpalit ng damit, dumiretso na ako sa kusina para mag almusal. Nagluto si Mama ng fried rice, sunny side up egg, at ang paborito kong tapa. May pa de sal rin na binili ni Papa sa panaderya nila Mang Lukas sa kabilang kanto. Nagtimpla ako ng kape at nag almusal sa may terrace. Summer at tirik na tirik ang maliwanag na araw. Kaya sa terrace mula sa sala ako madalas tumambay dahil mahangin roon. Kalapit kasi sa puno ng mangga namin sa bakuran.
Bandang alas-diyes ay dumating si Tere sa bahay. Kami kasi ang magbabantay ng store mamaya. Kung wala ako at hindi naman busy si Tere, minsan sya ang nagbabantay ng tindahan. Education student si Tere. Graduating na sya at kukuha na ng board exam sa Septyembre.
"Ate, dalhin mo mamaya 'yong laptop mo. Mag netflix tayo mamaya."
"Sige. Kdrama na naman yata ang papanuorin mo eh." Sabi ko naman habang nag aayos na. Katatapos ko lang din maligo.
"Eh kasi ang daming bago ngayon sa netflix."
"Sige na. Kuhanin mo na lang doon sa bag ko sa sala. Nandon 'yung laptop ko."
"Sige, Ate!"
Nang matapos akong mag ayos ay nagpaalam na kami kila Mama na aalis na. Sa may labasan lang naman ang tindahan kaya walking distance lang.
Since Sabado, medyo maraming customer. Kapag wala naman, nanunuod kami ni Tere sa counter gamit ng laptop ko.
Nakailan rin kaming episode sa Kdrama na pinapanuod nya. Maganda naman. Naisipan ko ngang ituloy mamayang gabi sa bahay.
Doon na rin kami nag lunch. Binaunan kasi kami ni Mama ng niluto niyang pinakbet at pritong isda. Kaya nag sara muna kami bandang alas dose para kumain.
Habang kumakain ay panay ang vibrate ng phone ko. Si Brix chat nang chat sa Viber. Baka raw free ako bukas. Napabuntong hininga ako.
Iniwas ko ang phone ko nang makitang sumisilip si Tere doon.

BINABASA MO ANG
Mezzanotté (R-18)
RomanceSolana was eighteen when she lost her most kept virginity over her strange yet captivating visitor named Mezzanotté.