Naitapat sa ikatlong araw ng leave ko ang araw ng pyestahan sa San Pedro kaya sakto na rin at nakauwi ako at halatang masayang-masaya rin sila mama na nandito ako ngayon.
Big deal kasi sa mga taga San Pedro ang pyestahan. Talagang kahit mga nagt-trabaho ay liliban sa mga pinapasukan nila para makasama sa pagdiriwang. As usual, abala ang lahat sa kani-kanilang mga handaan at prosisyon. Maingay rin ang mga kalsada kahit alas-sais pa lamang ng umaga. At dahil malapit na rin ang eleksyon, naglabasan rin ang mga pulitiko sa kani-kanilang mga pakulo para makakuha ng simpatya ng mga tao.
Halos alas-dose na yata ng madaling araw kami natapos nila mama sa paghahanda. Tumulong rin si Tere dahil tuwing pyestahan ay pinag-iisa na lang namin ang handa namin sa kanila. Dito na natulog ang pinsan ko dahil maaga rin naman kaming gigising kinabukasan para mamalengke ng mga gagamitin pa ni mama sa pagluluto. Magbubukas rin kami ng tindahan pero half day lang. Expected kasi na marami ang customer.
Wala pa yatang dalawang minuto kaming nakahiga sa kama ko ay nakatulog na si Tere. Ako naman, hindi pa rin dinatnan agad ng antok kahit pagod kami maghapon. Ayaw sana ni mama na nagpapagod ako dahil nga sa kundisyon ko, pero mas okay na rin sa akin na abala ako. Nagiging mas preoccupied ang isip ko kapag ganoon.
Habang nagpapa antok ay nag chat na lang muna kami ni Brix. Nag iwan na ito ng message kanina pang hapon pero dahil busy ngayon ko lang sya na reply-an.
Nangangamusta lang naman sya. Nagtatanong rin kung kailan daw ang next duty ko. Sabi ko hindi ko pa alam. Hindi pa rin kasi nakapag decide kung magre-resign na ba ako although gusto ni Mama at Papa na dito na lang ako sa San Pedro mag trabaho. I still have two days to decide. Iniisip ko na tatapusin ko muna siguro ang isang cut off kung sakali man na magre-resign ako.
Medyo mabigat ang pakiramdam ko kinaumagahan. Ilang oras lang kasi ang tulog ko. Namalengke kami ni Tere tapos nagbukas na rin ng convenience store. Maraming customers kaya halos trabaho lang din kami buong umaga. Bandang alas-diyes nang magsimulang pumarada ang mga De Luca. As usual, kumpleto ang pamilya nila lulan ng sasakyan para sa prosisyon.
"Halika, Ate. Panuorin natin." Yakag ni Tere sa akin.
Maraming tao rin ang nasa kalsada na para manuod ng prosisyon. May mga matatanda at ilang mga bata ang pumarada suot ang mga native na kasuotan kung saan kilala ang probinsya. Kumapit sa braso ko si Tere at manghang nanuod sa pagtatanghal. Kinalikahan na namin ang ganito. Minsan lang talaga nababahiran ng pulitika lalo na't ilajg buwan na lamang ay eleksyon na naman.
Dumako ang tingin ko sa alkalde ng San Pedro at sa mga anak at kapatid nito na kasama sa paglalakad. Ang matandang De Luca naman na dating alkalde ng lugar ay nakasay sa may palamuting float na ginawa para sa prusisyon. Pamilyar ang mga mukha ng mga De Luca na naroon maliban sa isa na naglalakad sa gilid ng float at hawak ang kamay ng batang anak ni Konsi na ang usapan ay tatakbo sa pagiging alkalde kapalit ng ama nito. Hindi mo sya mapapansin dahil halatang sinasadya nitong maglakad sa likuran ng mga kaanak nito.
My eyes didn't leave him. I cranned my neck so my eyes can follow him. He's wearing black jeans and same yellow shirt everyone in the parade was wearing. Pamilyar ang mahaba nitong buhok at may kalakihan at matipuno nitong pangangatawan.
Sinilip ko ang pinsan ko sa tabi ko pero halatang abala ito sa panonood ng mga matandang nagsa-sayaw. Umusad ang prosisyon hanggang nawala na sa paningin ko ang lalaking kanina ay pinagmamasdan ko. Sigurado akong iyon ang lalaking nakita ko sa convenience store noong isang linggo. Dahil medyo malayo kanina, hindi ko pa rin detalyadong nakita ang mukha nya. But knowing he's one of the old De Luca's son, I know it's him. Pero ramdam ko sa kilos nya na hindi sya kasing sigla ng mga kaanak nya na todo ang kaway at ngiti sa mga tao habang nasa prosisyon. Lalong umigting ang kuryusidad ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
Mezzanotté (R-18)
RomanceSolana was eighteen when she lost her most kept virginity over her strange yet captivating visitor named Mezzanotté.