Kabanata 5

8.1K 54 15
                                    

Sa Microbiology section ako madalas tumatambay kapag gusto kong umiyak. And my night duty after my day off was one of those nights.

Inutusan ko ang mga interns na tumao sa Blood Bank at sumubok silang mag crossmatching. May isa pang staff kaya pwede naman silang i-oversee. Kaya kahit na pwede ko namang iutos sa mga intern ang pags-stain ng slide for gram stain, ako na lang ang gumawa.

Sa bandang dulo ng lab ang section na ito. Kapag night duty, tahimik dito. Maliban kasi sa preparation ng culture media, walang ibang work-up tuwing gabi. Kaya usually pwede na talagang intern na lang ang tatao. But tonight, I just feel like I need a good cry.

And I did. I cried while leaving the glass slide soaked in staining medium. Isang ilaw lang ang bukas kaya may kadiliman pa rin ng kaunti. Maraming staff ang ayaw tumao rito lalo na pag night shift. Nakakatakot raw kasi. But this is my crying area. Wala rin kasing pumapasok dito dahil nga sa nasabing dahilan. At medyo malayo-layo sa clinical portion ng lab.

I cried. Well, sobbed.

I just feel like doing this sometimes. Iyong gusto ko lang umiyak kahit walang dahilan. Parang may void sa dibdib ko at bigla na lang akong nalulungkot. Well, I am mostly sad. This has to do with my panic attacks as well in the past years. I also experienced some form of depression.

I would like to think that I am healed. But do someone with mental problem really ever heal? Maybe improved but never cured. And although I have attended series of therapies and took some medication, sadness will always hit me up once in a while. Like it's already part of my system.

I cried until the timer on my phone started alarming. In-arrange ko ang mga katatapos lang i-stain na mga slides at pine-prepare for reading. Ako na rin ang magbabasa.

Shift was toxic, as usual. Minsan pakiramdam ko lumulutang na lang ako dahil sa antok at pagod pero kailangan pa rin kumilos. Pero mas advantage sa akin ang night duty. Kasi mas nakakapag pahinga ako sa umaga.

Ever since the night of my eighteenth birthday, I started having trouble sleeping at night. Although hindi naman palagi, pero madalas. That's why I work best during the night. Kung morning ang duty ko naman hirap ako sa gabi na matulog. Pero kung from night duty, parang mantika ang tulog ko sa umaga.

Medyo lumuwag ang duty bandang alas dos ng madaling araw. We let the interns take a nap habang walang dumadating na pasyente. Iyong ibang staff naman kanyahan na rin ng idlip. As usual ako ang nagpresenta na maiwan sa reception area. Bumili ako ng kape sa vending machine at sa recep na muna tumambay para kung sakaling may for blood extraction. Pagod ako pero hindi inaantok.

On time akong nag out kinaumagahan. Nagpunta muna ako sa atm machine sa loob ng ospital para mag withdraw tapos kumain ako McDo. Pagkatapos kumain, dumiretso na rin ako ng dorm. Wala na si Maan nang makauwi ako.

Nagtanggal na ako ng scrub suit ko kaya naka bra at panty na lang ako. Saglit akong tumingin sa sarili at nakita ang pagod sa mga mata ko.

I sighed and went to the sink to wash my face at magsipilyo. Changing into clean underwear, I went straight to bed to sleep.

-

"Sola? Sola?"

From the blurry vision, unti unting lumitaw ang itsura ng taong gumigising sa akin. It's my roommate, Maan.

Nagkunot ako nang noo bago pumikit uli at magmulat. I feel hot, drench, and dizzy.

"Sola? Okay ka lang?"

Nagmulat ako at luminaw ang mukha ni Maan sa harapan ko. I swallowed and it taste bitter.

"Magpalit ka muna kaya nang damit? Pawis na pawis ka na."

Mezzanotté (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon