Pumasok ako sa loob ng CR ng resort para maligo, dalawa lang ang cr pero. Pareho pala ito ng itsura. Halatang halata na walang gumagamit at wala pang tubig na lumalabas sa gripo.
Lumabas ako ng banyo at saktong nakasalubong ko naman si Mang Ferdi.
Magandang umaga mang ferdi~ bati ko sa kanya
Magandang araw din sayo Nathan~ bati naman nya
Lasing na lasing po tayo kagabi ah, ayos lang ba kayo?~ ako
Naku! hindi naman ako nalasing, inantok lang ~sagot nya
Natawa ako sa palusot ni mang ferdi dahil halata naman lasing na lasing sya kagabi
Teka, maliligo ka ba?~ tanong nya sakin
Ah opo, kaya lang yung cr po kase walang tubig~ ako
A-oo, hindi kase kami dyan naliligo~ sagot nya
San po kayo naliligo?~ tanong ko
Dyan sa dagat~ sagot naman nya at nagpatuloy na sa kanyang paglalakad.
Nananatili naman akong walang kibo na nakatingin lang sa buong karagatan.
Ang ganda no?~ tanong ni Loiuse na katabi ko na pala
Oo, ang ganda~ sagot ko sa kanya
Di ba sabi mo, you are willing to help my resort?~ tanong nya
Oo, Lets start? ~ nakangiti kong sagot
Matapos kong maligo ay agad kaming nagtipon sa lumang restaurant para pagusapan ang mga dapat gawin.
Sigurado ka ba talagang kaya natin to?~ yoki
(silence)
Oo naman! Kaya to! Di ba?~ sagot ni Loiuse sa kanya
Biglang nabuhayan ang lahat sa naging sagot nya. Agad din naman kaming nagkasundo sa aming mga napag usapan.
Sinimulan naming ayusin ang bawat pader at bintana ng sampung kwarto sa resort. Medyo nakakapagod pero dahil sa mga kwentuhan at tawanan ay hindi namin naramdaman ang pagod buong maghapon.
Sa mga sumunod na araw ay naglinis naman kami ng maaligabok na lumang restaurant ng resort.
Oh meryenda muna kayo~ yoki
Nagsilapitan ang lahat para kumain ng meryenda habang si Kit ay nakita kong nasa dalampasigan na mag isang pinagmamasdan ang buong karagatan.
A beautiful sunset~ sabi ko
Napansin ko naman ang isang picture ng babae at sanggol na hawak nya
Pamilya mo?~ tanong ko
Sana. Akala ko~ sagot nya
Huh?~ takang tanong ko sa kanya
5 years ago, nung nakilala ko sya. Akala ko nga totoo yung sinabi nya na. Magiging ama na ko~ sagot nya
Pero? Hindi?~ ako
Tumango lang sya bilang sagot
Nung nalaman ko na buntis sya, agad ko syang inalok ng kasal. Umo-o naman sya. Pero oneday, she confess something, and she said na hindi naman pala ako yung tatay ng anak nya. Nag hiwalay kami kase nasaktan ako. Sinubukan nyang ayusin, pero ayoko na. Ayoko ng maging tanga. Ayokong maging marupok.~ Kit
Alam mo Kit, wala namang taong marupok. Sobra lang talaga silang magmahal. They choose love over their emotion. Pero kung alam mo naman na yung love na nararamdaman mo sobra na yung tipong nagmumuka ka ng bulag at mapapasabi ka na lang sa sarili mo na "TAO AKO,HINDI BATO" , its better to give up. Kase baka meron pang mga tao na naghihintay sa mga ganyang klaseng love~ payo ko sa kanya
Pero kit nararamdaman ko, Mahal mo parin sya. Kaya lang you choose your emotion over love. Hindi naman masamang maging marupok ang masama yung hindi mo muna sinubukan ulit bago ka sumuko~ dagdag ko pa
~at night~
Masaya ulit kaming nag inuman sa dalampasigan, at gaya nung una naglaro ulit kami ng spin the bottle
Masaya at kagulo ang lahat dahil sa larong ito ngunit nilamon ng katahimikan nung sa akin ulit tumapat ang bote.
Okey truth~ sagot ko
(silence)
What is your message for Loiuse?~ Yoki
Nakita ko ang pagka ilang ni Loiuse sa naging tanong ni Yoki at ganon din naman ako sa kanya
A-Uhm, I just want to say thank you for being there. You always make me happy. You're such my happy pill everytime i woke up. Sana palagi ka na lang nandyan. Sana wag mo kong iwan~ seryosong sagot ko sa kanila
Wait, i feel somethingggg~ Yoki
Shshshshshs, ano ka ba!~ Kim
Maiwan muna namin kayo~ Mang Ferdi
Iniwan nila kaming dalawa ni Loiuse sa dalampisigan
What the heck!
Nabalot ng katahimikan ang buong paligid nung umalis sila.
(silence)
(silence)
(silence)
May nasabi ba akong mali?~ tanong ko sa kanya
Wala naman, Na shock lang ako. ~ sagot nya
(silence)
Bakit? Iiwan mo rin ba ko?~ tanong ko
(silence)
Nathan, hindi naman lahat ng umaalis. Ibig sabihin iniwan kana~ sagot nya
Hindi naman lahat ng umaalis, bumabalik. Di ba?~ dagdag ko pa
Natahimik sya bigla sa sinabi ko at kitang kita ko ang pagiging seryoso sa muka nya .
Ganon ba talaga para sayo ang ibig sabihin nun?~ tanong nya
Alam mo, magsisinungaling ako kung hindi yung isasagot ko~ sagot ko sa kanya
(silence)
Tama ka, hindi naman lahat ng umaalis, bumabalik. Pero hindi naman lahat ng bumabalik nagpaparamdam, yung tipong para din pala syang wala. yung mapapaisip ka na lang na "SANA HINDI KA NA LANG BUMALIK". Kase ako naniniwala ako na hindi importante yung nakikita mo, ang importante, yung nararamdaman. ~ sagot nya
Kaya kapag nawala ako, Hindi mo man ako nakikita. Pangako, palagi mo akong maalala. Dito (sabay hawak nya sa dibdib ko sa may bandang puso) ~ dagdag pa nya
~kinabukasan~
Naglinis naman kami ng buong kapaligiran ng resort. Hindi ko mapigilan ang mailang kay Loiuse sa hindi ko malamang dahilan.
Hanggang sa isang saglit pa'y mayroong isang tinig akong marinig mula sa aking tenga na sobrang lakas ng epekto sa aking buong katawan
NATHAAANN!!! ANAK KOOOOO!
Isang sigaw habang humahagulhol sa iyak ang naririnig ko sa tenga ko. Kasabay pa non ang tunog ng isang makina ng ospital at mga doctor at nurses na aligaga. May naririnig din akong babaeng umiiyak ngunit hindi ko ito makilala. Sobrang lakas nito na sabay sabay kong naririnig sa mga tenga ko na parang mabibingi ako.
Ma? ~ sa isip ko
Napahawak ako sa ulo ko at bahagyang napatigil sa ginagawa. Tumingin ako sa paligid at mukang ako lang ang nakakarinig ng lahat.
Nathan ok ka lang ba? ~ tanong sakin ni Kim
Nagsimula ng mataranta silang lahat ng bigla kong pinukpok ng mga palad ko ang muka ko. Dahil baka nananaginip lang ako, ngunit hindi. Sumigaw ako ng malakas para labanan ang ingay pero kahit sigaw ko. Hindi ko na rin marinig
to be continued.....
![](https://img.wattpad.com/cover/218254190-288-k455106.jpg)
YOU ARE READING
NIGHTMARE
RomanceSi Nathan Lee ay mayroong sakit na Schizophrenia, isang sakit sa pag iisip na kung saan nakakaranas ng hallucinations o nakakakita ng mga bagay na hindi nakikita ng isang normal na tao. Bukod dito meron din syang kakayahang makita lahat ng mangyayar...