Sa pagmulat pa lang ng mga mata ko. Sumalubong sakin ang ilaw na nagmumula sa kisame. Hindi ko pa tuluyang naimumulat ang mga mata ko, ngunit alam ko na dali daling lumabas si mom ng kwarto para tawagin ang doktor.
Naririnig ko ang tunong ng isang makina sa tabi ng kama, na syang nagpapatakbo at sumusuporta sa pagtibok ng puso. Naramdaman ko din ang dextrose na syang nakatusok sa magkabilang kamay ko. Habang may isang tubo naman na nakalagay sa bibig ko na syang nakakonekta sa isang makina
Nang makarating ang doktor at nurses, kinunan nila ako ng vital signs at blood pressure at pagkatapos nun ay inilabas na nila ako sa Emergency Room at dinala sa isang normal na kwarto ng ospital.
Mabuti naman at nagising ka na anak. Sobra kaming nag alala sayo~ mom
Ma, ano bang nangyari. Bakit nandito ako?~ tanong ko sa kanila
Hindi mo ba naaalala. Sinagip mo ang buhay ni Sab nung muntik na syang mabaril.~ sagot nya
Nagtaka ako sa naging sagot nya
Huh? Ma, matagal na yun~ sagot ko
Isang saglit lang ay biglang pumasok si Sab sa kwarto na may dalang mga prutas.
Hi Nathan, Mabuti gising kana. Dinalhan kita ng prutas~ nakangiting bungad nya sakin
Salamat sab~ nakangiting sagot ko naman
Kasama mo ba si Loiuse?~ dagdag ko pa
Kumunot ang noo nya sa naging tanong ko na parang hindi nya ito kilala
Loiuse? Sino sya?~ tanong nya sakin
Napatingin na lang ako kay mommy at mukang pareho sila ng naging reaksyon ni Sab
Nathan's Mom PoV
Bigla akong nagtaka sa mga kinikilos at mga tinatanong ng anak ko. Parang hindi nya alam ang dahilan kung bakit sya nasa ospital at na-coma.
Loiuse? Sino sya?~ sagot ni Sab ng may itanong si Nathan na isang pangalan
Maging ako ay nabigla sa naging tanong nya at bahagyang napakunot pa ang nuo ko.
Ma, dont tell me hindi mo din sya kilala?~ tanong sakin ni Nathan
Gusto ko syang sagutin pero mukang hindi nya maiintindihan. Kaya pilit ko na lang binago ang takbo ng usapan.
Anak. Sandali lang ha, kakausapin lang namin ang doctor mo. Sab tara, samahan mo ko~ ako
Pagkalabas namin ni Sab ng kwarto. Agad ko syang tinanong kung wala ba talaga syang kilalang Loise
Sigurado ka bang wala kang nakikilalang Loiuse? Kahit sa school nyo? ~ ako
Wala po talaga tita e. Pero may nakwento po sakin yung mga classmates ko about kay Nathan before po sya mabaril~ sagot nya
Talaga? ano yun? ~ ako
Tita, i did'nt want to offend you. Pero, kase si Nathan daw po palagi daw syang may kinakausap sa school na hindi naman nila nakikita, and a side from that ngumingiti din sya mag isa. So, tita i think Nathan need a psychiatrist ~ sagot nya
Napaisip ako sa sinabi nya, pero tama sya. Mukang kailangan ni Nathan ng Psychiatrist ngayon
~Kinabukasan~
YOU ARE READING
NIGHTMARE
RomanceSi Nathan Lee ay mayroong sakit na Schizophrenia, isang sakit sa pag iisip na kung saan nakakaranas ng hallucinations o nakakakita ng mga bagay na hindi nakikita ng isang normal na tao. Bukod dito meron din syang kakayahang makita lahat ng mangyayar...