Chapter 11

7 0 0
                                    

Nathan's PoV

Pagpasok ko palang ng kwarto ko, ramdam na ramdam ko na naman ang matinding kalungkutan. Naaalala ko na naman lahat ng nangyari kanina na sobrang dumurog sa buhay ko

*flashback*

Abala si Mama sa pagluluto nang maisip kong lumabas para puntahan si Loiuse sa bahay nya. Ginamit ko ang kotse ko para makaalis

Matapos ang ilang oras na byahe ay dali dali akong lumabas ng kotse nang makarating  ako sa labas ng kanilang bahay, laking gulat ko na bahay na bumungad sakin ay isang abandonado at lumang luma na, na parang walang nakatira

Huh?

Ano to?

Pumasok ako sa loob ng bahay

Ngunit walang tao

LOIUSE!

LOIUSE!

ASAN KA!

PLEASE MAGPAKITA KA SAKIN PLEASE!

sigaw ko sa buong bahay

Nang naramdaman ko na nga pagod dahil halos na libot ko na ang buong bahay,

Doon ko naramdaman ang mga luhang sunod sunod na pumapatak sa mga pisngi ko

ANO!? HINDI KA BA TALAGA TOTOO? PLEASE MAGPAKITA KA NA NAMAN SAKIN OH! KASE SOBRA NA KONG NASASAKTAN SA MGA NANGYAYARI. GUSTO NA KITANG YAKAPIN! GUSTO NA KITANG MAKITA ! ~ sigaw ko habang humahagulhol sa iyak

Napaluhod ako sa sahig hanggang sa may isang tinig akong narinig na nagmula sa likuran ko.

Patawarin mo ko, ~ mahinahong sabi nya

Lumingon ako, kasabay ng pagbuhos ng mga luha ko nang makita ko syang muli at hindi sa isang panaginip

Anong ibig mong sabihin? na totoo yung sinasabi nila? na hindi ka totoo?~ tanong ko

Nathan, Totoo ako. Pero tanging sa paningin mo lang. Wala akong buhay. Pero nananatili lang akong buhay sa mga mata mo. Patawarin mo ko. Ako si Loiuse, na binuhay at binuo mo lang sa isip mo. at hindi sa mundo~ sagot nya

So yung saya na nararamdaman ko pag kasama kita, lahat ba yon hindi totoo?















thank you for reading...

NIGHTMAREWhere stories live. Discover now