Sabrina's Pov
Kinabukasan
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na nagmula sa bintana ng kwarto ko na tumatama sa muka ko, kasabay pa nito ang matinding sakit ng ulo ko dahil sa alak na nainom ko kagabi.
11:30 am na pero hindi parin ako makaramdam ng gutom, parang mas gusto ko na lang matulog maghapon at magkulong sa kwarto.
Sa tuwing natutulala ako bigla na lang tumutulo ang mga luha ko hanggang sa hindi ko na mapigilan ang pagpatak ng mga ito.
Tok! tok! tok! (katok mula sa pinto ng kwarto ko)
Anak dinalhan na kita ng almusal mo, kumain ka na~ mama
Nakahiga parin ako na nakatagilid sa kanya, pinikit ko ang mga mata ko para pigilan ang pagpatak ng mga luha ko pero nabigo akong pigilan yon.
Ok ka lang ba? ~ tanong pa nya
Opo ma, ok lang ako~ sagot ko
O sige, kumain ka na ha~ sabi pa nya bago tuluyan umalis
Bago pa makapagsara ng pinto si mama bigla na lang bumuhos lahat ng luha ko na parang wala na itong katapusan.
Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko, halos makalimutan ko na kung sino nga ba si Nathan sa buhay ko. Pero kahit ganon hindi ko parin makalimutan yung nararamdaman ko para sa kanya. Nasaktan ako ng sobra sa hindi nya pagsipot sa akin kahapon pero mas nasaktan ako nang hindi ko manlang narinig ang dahilan nya kung bakit nya ginawa yun na parang hindi ako naging importante sa buhay nya
Ilang saglit lang ay kumatok ulit si mama sa pinto
Maaaa.. pleaseee~ pakiusap ko
Sinara na nya ang pinto pero may naramdaman akong may naglakad papalapit sa kama at umupo dito
I'm sorry~ pabulong na sabi nya na may katam katamang lakas
Alam ko ang boses na yun at alam kong si Nathan yun, hindi ako lumingon sa kanya dahil ayokong umiyak ulit sa harapan nya
I'm sorry kung nasaktan kita, I'm sorry kung hindi kita sinipot kahapon,pero maniwala ka sakin na pupuntahan kita pero nawala lang sa isip ko. Sana mapatawad mo ko~ dagdag pa nya
I like you, mahal kita, gaano ba kahirap sagutin yun para sayo?~ ako
(silence)
Im sorry, Mahal din kita pero—
pero bilang isang kaibigan~ singit ko sa sasabihin nya
Alam ko namang yun yung isasagot mo, Hindi ko nga alam kung bakit sinasaktan ko pa ng ganito ang sarili ko, siguro ganon talaga pag mahal mo ang isang tao. Ok lang kahit masakit kase mahal mo e~ ako
(silence)
Nathan, from now on, me as your friend are now signing off~ dagdag ko pa
(silence)
Sab, ano bang sinasabi mo?.(silence) Wag mo namang hayaang masira ang pagkakaibigan natin ng dahil lang, d-da-dahil lang sa —

YOU ARE READING
NIGHTMARE
RomanceSi Nathan Lee ay mayroong sakit na Schizophrenia, isang sakit sa pag iisip na kung saan nakakaranas ng hallucinations o nakakakita ng mga bagay na hindi nakikita ng isang normal na tao. Bukod dito meron din syang kakayahang makita lahat ng mangyayar...