~school campus~
Habang naglalakad kami ni Loiuse ay napadaan kami sa library, naisipan kong i-kwento yung araw na pangalawang beses ko syang nakita dito.
Do you remember when we met at the library before?~ tanong ko sa kanya
Oo naman~ sagot nya
ang sungit mo nga nun e~ dagdag pa nya
Natawa ako ng konti sa sinabi nya
Tsk! di kase kita napansin non, pero alam mo ba sinundan kita nun~ ako
Huh? T-talaga?~ sya
Oo, may siningit kang papel dun sa libro ni Wiliam Shakespear. Ang awkward nga e kase nung tiningnan ko. wala naman~ paliwanag ko
Ano wala, meron no~ dipensa sya
Huh? Walaaaa~ ako
Meron ngaaa, gusto mo hanapin natin. Ipapakita ko pa sayo ~ sabi nya
O-sige~ sagot ko
Pumasok kami ng library at hinanap ang librong kanyang pinigsingitan ng papel.
Nang mahanap ko ito, inabot ko ito sa kanya para buksan ang libro.
Oh, ikaw na magbukas baka mamaya di ko na naman makita~ ako
Pagbuklat nya ng libro nagulat ako na may isang pirasong papel na nakasingit dito.
Inabot nya sakin ang papel at mas nagulat ako dahil
我永远不会忘记内森·李,我是如此爱你。再见
Huh? anong klaseng sulat to? Chinesse nga ako pero di naman ako marunong magsulat o magbasa ng ganto~ reklamo ko
(silence)
Teka, bakit ka nag singit ng ganito sa libro? tsaka para kanino to?~ dagdag ko pa
Bigla naman nyang kinuha ang papel at agad na ibinalik sa libro at nilagay sa book shelves
Teka, akin na lang yun~ako
Nathan wag na, wag kang mag alala sasabihin ko sayo kung kelan mo kukunin yan~ sagot nya
Huh?~ kunot nuo kong tanong sa kanya
Hindi na nya ako sinagot dahil nagsimula na syang maglakad paalis.
Pagkatapos naming mag enroll ay agad naman kaming pumunta sa Resort na sinasabi nya. Nag volunteer syang magdrive dahil mas alam nya ang daan papunta duon.
~after 2 and a half hours~
Nagising ako dahil sa kiliti na nararamdam ko mula sa butas ng ilong ko
Loiuse! ~ sarkastikong sabi ko
Andito na tayo, Bumaba ka na~ sagot nya sabay baba ng kotse
Sumilip ako sa bintana at namangha ako sa ganda ng tanawing nakikita ko. Bumaba ako ng kotse habang pinagmamasdan parin ang ganda ng buong paligid
HELLO! WELCOME TO VILLA RESORT!
Pagbati ng apat na tauhan sa akin
Nakita kong nakangiti lang si Liouse sa mga ito at kitang kita ko ang pagiging komportable nila sa isat isa.
By the way Nathan. Eto nga pala si Kit, sya yung namamahala ng buong paligid dito sa buong resort. Eto naman si Kim sya naman yung nag a-assist sa mga rooms. Tapos si yoki, yung taga luto natin at si Mang Ferdi security guard. ~ pagpapakilala nya sa mga ito
Binaling ko ulit ang atensyon ko sa buong paligid, sobrang tahimik dito at sobrang ganda ng dagat. At napansin ko ding walang ibang tao na dumadayo dito.
Inihatid naman nila ako sa kwarto ko para ilagay lahat ng gamit ko
Pagpasensyahan mo na kung medyo masikip ha tsaka luma na~ Kim
Tsaka kung medyo kinulang sa pako~ pabirong sabi ni Kit tsaka sila tuluyang umalis
Napatawa naman ako sa sinabi nya dahil tama sya, may kalumaan ang kwartong ito, meron naman silang maayos na higaan at kabinet na pwedeng paglagyan ng mga gamit ngunit ang pader naman ay parang pwedeng masira ano mang oras lalo na kung sisipain ko ito. Sira din ang lock ng pinto at mukang kinulang nga sa pako ang bintana ng kwarto dahil sa kahoy na nakalaylay.
Habang nag aayos ako ng mga gamit ko, kumatok naman si Loiuse sa pinto na may dala dalang tanghalian.
Kain ka na muna~ sya
Sige salamat~ sagot ko
So, nakakita ka na ba ng ipis dito?~ tanong nya
Huh? tsk! bakit mo natanong yan?~ matawa tawang sagot ko
Tsk! medyo luma na kase kaya alam ko naman na hindi dyan mawawalan ng ipis~ sya
Matanong ko lang, Meron bang dumadayo na taga ibang lugar dito?~ ako
Muka bang meron? tingnan mo nga. Yung mga kwarto isang bagyo na lng siguradong bibigay na, tapos yung resto ng resort halos tirhan na ng mga daga. Yung dagat naman super ganda nga pero. Wala e . So, muka bang meron?~ sagot nya
Pasensya na~ ako
Ok lang, Matagal ko ng gustong isara tong resort pero ayaw nung apat na yun. Kase sabi nila kaya pa naming buhayin ulit itong resort gaya nung dati, Sa totoo lang, sila lang yung naniniwala na makakabangon pa tong resort na to. kase ako buo na yung loob ko na. Hindi na , wala na to~ kwento nya
Wag kang panghinaan ng loob. I am willing to help your resort . Aayusin natin lahat ng to~ nakangiting sabi ko
~at night~
Masaya kaming nag inuman at nagkwentuhan ni Loiuse kasama ng kanyang mga trabahador sa dalampasigan ng resort. Naglalaro din kami ng truth or dare at sa larong iyon, nakikita kong ang saya nilang kasama dahil kung ano ano na ang ginagawa nila dahil sa alak na nainom nila.
Ipinaikot muli ni Yoki ang bote at sana unang pagkakataon, sa akin tumapat ang bote
Ok, truth or dare?~ kim
Sige, truth ako~ sagot ko
Anong bagay ang hindi nakikita ng iba sayo?~ tanong ni Yoki
Natahimik ako saglit sa naging tinanong nya
Siguro...
Halaga ko.
Effort ko.
At ako~ sagot ko
Nagsigawan silang apat na para bang nag aasar sa naging sagot ko.
Alam mo Nathan ang -dami ko ng nainom, Magpapahinga na ako ~ Sabi ni Kit na halata sa pagsasalita nya ang pagkalasing
Ako din magpapahinga na ko. maiwan ko na kayo ha~ paalam naman ni kim
Sumunod naman kaagad si Yoki kay Kim nang makaalis ito
Habang si Mang Ferdi ay nakatulog na dahil sa sobrang daming alak na nainom.
Bakit yun yung sinagot mo?~ tanong ni Loiuse
Itutuloy pa ba natin yung laro?~ pabirong sagot ko
Nathan, please. Wag mong isipin na walang tao na nakikita yung halaga mo, yung effort mo at mas lalong yung ikaw. ~ sya
Bakit mo ba sinasabi yan?~ ako
Gusto kong matutunan mong mahalin yung sarili mo, bago ka magmahal ng ibang tao.~ sagot nya
YOU ARE READING
NIGHTMARE
RomanceSi Nathan Lee ay mayroong sakit na Schizophrenia, isang sakit sa pag iisip na kung saan nakakaranas ng hallucinations o nakakakita ng mga bagay na hindi nakikita ng isang normal na tao. Bukod dito meron din syang kakayahang makita lahat ng mangyayar...