Pagpasok ko ng kwarto ko, Ramdam na ramdam ko ang kalungkutan ng kwarto ko. Nakakabingi ang katahimikan na bumabalot sa buong paligid
I miss you
And need you Loiuse
Hindi sya mawala sa isip ko, kaya hindi ko kakayanin kung malaman kong totoo na isa ka lang parte ng panaginip ko
Hanggang sa may biglang kumatok sa pinto
Sab, anong ginagawa mo dito? ~ salubong ko sa kanya
Gusto ko lang mag thank you~ sagot nya
and magsorry~ dagdag pa nya
(silence)
Sobra yung nagawa ko sayo, sobra kitang nasaktan. Sa tingin ko kulang pa to. Di ba sabi mo, nung last tayong nag usap. You as my friend are now signing off. I think i deserve it. Kasi ngayon na realize ko na. Sometimes, ignoring is the best way to make you feel better, and to move on. ~ seryosong sabi ko
I'm sorry Sab, for everything that i've done~ dagdag ko pa
No Nathan, You saved my life. Not once but twice~ seryosong sabi nya
Napakaselfish ko naman kung kakalimutan ko lang lahat yun nang dahil lang sa feelings ko. Tama ka, hindi dapat tayo masira nang dahil lang dun. Kaya from now on, me as your friend are now singning in again~ dagdag pa nya
Napangiti ako sa sinabi nya. Yinakap ko sya ng sobrang higpit dahil sa saya na naramdaman ko
Hanggang sa ilang saglit lang ay napunta kay Loiuse ang usapan
Naniniwala ka ba na hindi totoo si Loiuse?~ tanong ko
Natahimik sya sa naging tanong ko at hindi agad nakasagot
Ok lang kahit masakit, basta totoo~ dagdag ko pa
(silence)
Sa ngayon kase Nathan, mas kailangan mo ng peace of mind~ sagot nya
Paano ako magkakaroon ng peace of mind, kung lahat ng alam ko, hindi ko alam kung totoo ba o hindi. My mind stuck in a side story that i didnt know what are fiction or not~ paliwanag ko
Do you love Loiuse?~ tanong nya
(silence)
Hindi ko lang sya mahal. Loiuse is my happiness and my life. Kaya hindi ako naniniwala na hindi sya totoo. Hindi ako papayag na mawala sya sa isip ko. Alam nya yung mga bagay na magpapasaya sakin, sya lang yung nagpapakalma sakin sa tuwing hindi ko na makontrol yung emosyon ko. Kaya i can't imagine my life without her~ sagot ko sa kanya
Nararamdaman ko na naman ang mga tubig na syang naiipon sa aking mga mata, hanggang sa ilang saglit lang ay tuluyan na silang pumatak
Sorry, nagiging emotional na naman ako~ ako
Hindi naman masamang umiyak, hindi rin masamang malungkot, pero hindi ka dapat sumuko ~ nakangiting sabi nya sakin
(silence)
Ngumiti na lang din ako sa kanya bilang sagot
Pero normal lang din bang masaktan palagi? Iwan?~ tanong ko sa kanya
Normal din ba yun, nakakapagod na din kasi~ dagdag ko pa
May reason si God kung bakit yan nangyayari. Ang dapat mo lang gawin, is prayer . Prayer is the best armor against all trials ~ payo nya sakin
~at night~
Nathan, Dinalhan na kita ng dinner mo. Kumain ka na huh~ bungad sakin ni mama
Aalis na sana sya pero napatigil sya bigla nang magsalita ako
Ma, im sorry~ maamong sabi ko
Napatingin sya sakin bigla dahil sa sinabi ko
Sorry po sa nangyari. Sorry po kung nasagot kita ng hindi maganda. ~ dagdag ko pa
(silence)
Hindi mo kasalanan, at wala kang kasalanan. Ako ang dapat humingi ng tawad sayo kasi hindi kita naalagaan ng maayos. Ako ang nagkulang , dahil ako ang ina~ sagot nya
Nagsimula na namang manubig ang mga mata nya na syang naghihila din sa akin para pumatak ang mga luhang kanina pang gustong pumatak
Hanggang sa tuluyan na itong bumuhos dahil sa salitang gusto kong sabihin. Pinangunahan ako ng emosyon ko hanggang sa pati hinanakit ko sa kanya na syang matagal ko ng kinikimkim ay nasabi ko din
Ma, Im sorry. Im sorry kung hindi ako naging mabuting anak sa inyo. Kung minsan binabalewala na kita, kung madalas tayong hindi magkaintindihan lalo na kami ni dad. Im sorry ma, im sorry~ hagulhol ko sa kanya
Hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng luha ko. Nawawalan na ako ng kontrol pagdating sa emosyon ko
Shshshshshshhs! Naiintindihan ko, Walang ina ang hindi kayang unawain ang kanilang anak, kahit pasaway sila o nawawalan na ng respeto. Marami mang anak ang hindi perpekto, pero marami namang ina na kaya kayong ituwid sa mga pagkakamali nyo. At kung papipiliin ako ng pwede kong ipalit sayo, ikaw parin ang pipiliin ko. Marami man tayong hindi pagkakaintindihan, Pangako, hinding hindi kita susukuan~ maluha luhang sabi nya sakin
Hindi ko na nagawang sumagot sa sinabi nya dahil ang gusto ko lang ay yakapin sya.
YOU ARE READING
NIGHTMARE
RomanceSi Nathan Lee ay mayroong sakit na Schizophrenia, isang sakit sa pag iisip na kung saan nakakaranas ng hallucinations o nakakakita ng mga bagay na hindi nakikita ng isang normal na tao. Bukod dito meron din syang kakayahang makita lahat ng mangyayar...