one

2.5K 109 18
                                    

"Congratulations, Miss Sinco. You are hired. You'll be working directly for Miss Veronica Lastra, our CEO." Mrs. Sanchez, the HR, walked me through the things I need to do. Tango lang ako ng tango para iparating na nakikinig ako sa mga sinasabi niya.

I am supposed to make Miss Lastra coffee first thing she arrives, read her schedules, summarize reports for her to review, answer calls, buy her lunch, attend meetings with her, and other secretary stuffs. Landing a job almost immediately after graduation is a blessing for someone like me, because to be honest, I'm not very smart.

"You will start tomorrow. This is Miss Lastra's schedule for tomorrow." Inabot niya saakin ang isang envelop. Nasa loob na ang schedules gaya ng sabi nito.  "She hates stuttering. Any questions?" She added.

"No Ma'am, thank you." I answered politely. I'm trying not to show my enthusiasm just yet. I'm so excited and I think I could'nt wait to scream until I get home.

"Okay, if you need anything I'll be in my office." Nagpasalamat na ako sa ginang. After the orientation umuwi na ako sa bahay. Malaki parin ang ngiti ko hanggang sa pagpasok ko sa loob ng bahay. 

Sa isang mataong compound kami nakatira. Minsan may gulo, madalas maingay. Very typical for a crowded area of people with low income.

Our house is small and simple. Pagpasok ng pinto ay mabubungaran na kaagad ang sala namin. Sa kaliwa ay ang kusina at ang dining table na para sa dalawang tao. But we have seperate rooms where we sleep.

"Musta ang lakad mo?" Tanong saakin ni Nanay na nanonood sa TV. Lumapit ako sa kanya at nagmano.

"Ayos lang po, magpapalit na po ako. Tumango lang siya at binalik na tingin sa TV. Napailing ako ng marinig ang malakas niyang tawa dahil sa pinapanood.

May mga pwesto si nanay sa palengke, kumuha siya ng mga tak na namamahala doon. Ngayon, madalas nalang siyang nasa bahay. Kami lang ni Nanay ang magkasama. Nabuntis siya ng nobyo niya noon, ang biological father ko. Wala na kaming balita sa kanya ngayon.

Hindi kami nito pinanindigan kaya mag-isa akong pinalaki ni Nanay. Tinakwil na din siya ng mga magulang niya dahil masyado silang konserbatibo, ayaw nila sa anak na disgrasyada. I haven't met them until now.

After changing to a comfortable clothes, I decided to lay on the bed before preparing our dinner.

Nireview ko ang schedule na inabot saakin ni Mrs. Sanchez. Eight-thirty palang ng umaga ay may meeting na kaagad. Malaking kompanya naman kasi ang pinapasukan ko kaya inaasahan ko ng magiging ganito kahigpit ang schedule. 

Dahil kinakabahan ako sa pagpasok bukas ay minabuti ko nalang na mangalap ng impormasyon tungkol sa magiging amo ko. I picked up my phone from the bedside table and types her name in the search bar.

I could hear my heart beating fast while watching the loading circle on my screen. I don't really know what to expect, pero dinadasal kong sana ay madali lang itong pakitunguhan.

Sa baba ng litrato nito ay nakasulat ang pangalan at kaarawan niya. She just turned twenty-eight last month, which means she's four years older than me. I scrolled further, pero bukod sa posisyon niya sa kompanya ay bilang lang ang mga impormasyon tungkol sa kanya.

Nalaman ko rin na nawawalang anak siya ng nagpatayo ng kompanya na si Mrs. Veronica Lastra Sr. Naisapubliko lang ang katauhan niya ng mag eighteen-years old siya. Nang tumuntong ito sa edad na twenty-one napunta na dito ang pangangalaga sa kompanyang itinayo ng ginang.

Binalingan ko ang litrato niya. She's very beautiful. Hanggang bewang ang itim na itim nitong buhok. Hugis puso ang mukha at mapula ang labi na bumagay sa maputi niyang balat. She's only wearing a light makeup kaya kitang kita ang maamo niyang facial features.

Meron talagang ganitong babae, maganda na, mayaman at matalino. Parang nasa kanya na ang lahat. Samantalang ako ganda lang.

TRENTA minutos at dalawang sakayan mula sa bahay patungong opisina. Bago makapasok sa building pinakita ko muna ang ID ko sa guwardya.

Mukha naman akong presentable sa suot kong grey cami top na pinatungan ko ng old rose blazer. Sinuot ko ang katerno ng blazer na pencil cut skit na hanggang sa kalahati ng tuhod ko.

Pinaresan ko na rin ng five-inches beige pointed stilleto na regalo ni Nanay kaya naman ang taas ng confidence kong maglakad ng may poise. Nakakatangkad daw kasi pag pointed at nude colors.

"Hi!" Tinigna ko yung babaeng nakasabayan ko sa elevator. Maikli ang buhok niya na hanggang taas ng balikat at naka all-black siya na ofice attire.

"Ikaw yung bagong secretary ni Miss Lastra?"

"Oo, Thalia Sinco nga pala." Nilahad ko ang palad ko para makipag kamay. Nakangiti naman niya itong tinanggap.

"Ako naman si Krizza, puro babae na talaga ang kinukuhang secretarya ni Miss Lastra simula nung nagkagusto sa kany-" Natutop niya ang bibig, para bang may nasabi siya na hindi dapat sabihin.

Nacurious tuloy ako kaya pinilit ko siyang ituloy ang sasabihin sana. Gumana naman ang convincing powers ko, ako pa ba, tss.

"Huwag mong sasabihin na sinabi ko sayo. Nagkagusto kasi sakanya ang dati niyang lalaking sekretarya, naging obsess kaya nagawa pang stalkin si Boss. Pinagkalat pa na may relasyon sila at naikama na daw niya si Boss." Napasinghap ako, ayaw ko talaga sa mga ganyang uri ng lalaki.

Napakabastos! Ang tingin nila sa mga babae parang trophy na ibabalandra nila sa mga kauri nilang lalaki. Mga walang respeto!

"Hindi mo naman masisisi si Gary, sobrang ganda kasi kaya maraming nagkakagusto sa kanya." Pasimple akong napairap, yung hindi niya makikita.

Hindi ako nag-aagree sa sinabi niya kaya nanahimik nalang ako. Kahit saang anggulo kasi tignan mali naman ang ginawa nung lalaki.

Hindi porket maganda ay nakalaan na para pagnasaan nila! Tingin nila pag nag-aayos ang babae nagpapaimpress sa mga lalaki.

Ang hirap naman kasi talagang maging maganda, alam ko kasi marami naring nabighani sa taglay kong kagandahan. Lintek nga lang kasi puro tambay!

"Ayaw kasi ni Boss na pinag-uusapan siya. Napaka misteryoso naman kasi, parang may tinatago. Mantakin mo ba namang bigla nalang sumulpot at anak daw ni Mrs. Veronica." Nauna nang umalis saakin si Krizza, sa pinakataas pa kasi ang floor ko.

Nakalaan ang pinataas na floor para sa opisina ng CEO at taguan ng mga napaka importanteng files na si Miss Lastra lang ang may access.

Paglabas ng elevator ay isang mahabang hallway muna ang lalakarin hanggang sa marating ang pinto ng opisina niya.

Nakaupo na ako sa station ko, parang yung nasa reception din kasi ang itsura nito at katapat ng pinto ng opisina ni Miss Lastra, so hindi lang ako sekretarya para narin akong gwardiya.

Ilang sandali pa ay naaninag ko ang isang matangkad na babaeng papalapit sa kinaroroonan ko kaya napatayo ako sa kinauupuan ko bilang pagbibigay respeto.

Maganda, mahaba ang buhok, matangkad, at napakarespetadong aura. Namukhaan ko ito bilang ang taong pagsisilbihan ko, ang CEO, si Miss Lastra. Nakasuot siya ng itim na trenchcoat na hanggang sa baba ng tuhod niya, may itim na bag din na mula sa sikat na brand na nakasabit sa braso niya.

Taas noo itong naglalakad at hindi manlang ako tinapunan ng tingin nang madaanan ako hanggang sa makapasok sa loob ng opisina niya.

Naalala ko ang mga kailangan kong gawin kaya nagtimpla na ako ng black coffee na siyang gusto nita. Kumatok muna ako ng dalawang beses bago pumasok.

Inilapag ko ang tasa ng kape sa lamesa niya. Nag-angat siya ng tingin saakin at nagtaas ng kilay. My heary is beating so fast. I hope I did everything right.

"Good morning Ma'am. Thalia Sinco po, your secretary." Nakangiti ako habang sinasabi iyon samantalang walang emosyon ang mata niyang humahagod sa katauhan ko.

Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon