five

1.7K 82 38
                                    

"LIA, I want to meet your parents." Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag kay Nanay. Kahit ako hindi rin makapaniwala sa nangyayari.

Pero at least may maipapakilala akong ama ng anak ko?

May mga nanligaw saakin dati, pero wala pa akong naipakilalang lalaki kay Nanay. Hindi naman na physically lalaki si Miss Veronica, maliban nalang sa nasa pagitan ng hita niya. Alam ko naman na masyado niya lang akong iniingatan lalo na sa mga usaping pag-ibig. Sa totoo lang wala din akong inintertain sa mga manliligaw ko dahil natatakot ako.

Hindi ko na kailangang ituro ulit ang daan sa bahay namin dahil mukhang natatandaan pa naman niya. Matalino kasi, lalaki din kayang matalino ang ang anak namin? Sana lang lumaki siyang masipag at responsable kagaya ni Miss Veronica.

Ilang sandali pa ay huminto na ang kotse niya sa tapat ng bahay namin. Parang bubuyog naman na nagkumpulan ang mga kapitbahay namin habang sinisipat ang magarang sasakyan ni Veronica. Ako tuloy ang nahihiya para sa kanila.

Nakaupo si Nanay sa sofa habang nanonood sa TV. Pinaupo ko nalang si Ve sa isang armchair.

"Nay, si Veronica po." Pinatay ni Nanay ang TV at nabigla ng may kasama ako.

"Siya po ang ama ng pinagbubuntis ko." Nasundan iyon ng nakakabinging katahimikan. Kulang na lang may nag-iingay na ng kuliglig sa background.

"Huwag mo nga akong pinagloloko, Thalia. Para kang tanga, bumili ka nalang ng softdrinks diyan sa tapat at asikasuhin mo ang bisita mo!"

"Nay, totoo po ang sinasabi ko."

"Ang batang to! Mas maganda pa nga sayo yan' eh, paanong magiging ama ng anak mo!" Tumingin ako kay Vee para humingi ng paumanhin. Nanay is always too loud.

"Nay makinig ka kasi! Transgender po kasi si Miss Veronica. Hindi pa siya nagpapa sex reassignment kaya meron pa siyang ti-" Naputol ang sasabihin ko ng tumikhim ng malakas si Veronica.

"Let me talk to her, alone." Bulong niya saakin.

Nagpasya nalang akong maghintay sa tapat ng bahay namin, meron namang mauupuan sa labas ng gate kaya doon nalang ako tumambay. Hindi kasi nila ako pinayagan na sa kwarto nalang maghintay, akala naman nila makikinig ako sa usapan nila.

"Lia, sino yung magandang babae na nandoon sa bahay niyo?" Tumabi saakin Benjie, tambay sa barangay namin. Inirapan ko lang siya, medyo hindi ko nagustuhan ang amoy niyang parang pinaghalong sigarilyo at alak kaya lumayo ako ng kaunti.

"Tangina! tol' ang kinis ng legs, sarap jowain! Pakilala mo naman kami!" Sabi naman ni Jomar na dakilang lasinggero. Mababait naman ang mga to kahit na medyo nalihis sila ng landas, may pagka manyak sila pero hanggang tingin lang. Hindi ka daw nila hahawakan kung hindi mo gusto, pero sino naman ang may gustong magpahawak sa kanila.

"Tigilan niyo ako Jomar! Hindi kayo papatulan non!" Napatayo ako ng narinig kong bumukas ang pinto ng bahay namin. Lumabas doon si Nanay kaya lumapit ako sa kanya.

"Anong pinag-usapan niyo Nay? Anong sabi niya?"

"Papanagutan niya daw ang responsibilidad niya sayo at sa anak mo." Hindi na ako nagulat sa desisyon niya. She's very responsible, pero nag-aalinlangan ako, I mean she's basically a woman like I am.

"Anong sinabi niyo? Pumayag kayo? Nakakahiya naman Nay!"

"Mas mabuti pa na kayong dalawa ang mag-usap. Sinasabi ko sayo, ngayon na alam ko kung sino ang tatay ng anak mo hindi ako papayag na lumaking walang kumpletong pamilya ang apo ko." Hinaplos ni Nanay ang pisngi ko. Tumango ako at pumasok na sa loob ng bahay.

Pagpasok ko sa nadatnan ko siyang nakaupo sa arm chair at may kausap sa cellphone. Base sa naririnig ko, tungkol ito sa kompanya kaya naupo nalang ako sa sofa habang hinihintay siyang matapos. Marami akong gustong itanong sa kanya. Paano kung kukunin niya saakin ang baby ko pagkatapos kong manganak. Sigurading mabibigyan niya ito ng magandang buhay, but I want to be present too.

"Something came up in the office. I should go." She said. Hindi ko napansing nakatayo na pala siya sa harapan ko at matiim na nakatingin saakin. Her makeup looked flawless kahit na sobrang init dito sa amin.

"S-sige po. Ingat po kayo." Nagpaalam muna siya kay nanay bago ko siya hinatid sa kotse niya. I waved my hand and smiled at her, she looked at me before driving away.

Kinabukasan ay maaga akong gumising para magpunta sa opisina. Looking back, hindi ko alam kung okay na ba yung resignation ko. May mga naiwan pa akong trabaho, kailangan ko ding sundin yung one-month policy ng company.

Pagdating ko sa floor ng office ni Miss Vee, nakita kong bakante pa ang secretary's desk. I sighed. I'll miss working here. Kumatok nalang ako sa pinto niya bago pumasok. Nakaupo siya sa table niya at busy sa pagbanasa ng mga paperworks.

"What are you still doing here?" Tanong niya habang nakakunot ang noo. Bigla tuloy akong kinabahan, napakaseryoso niya kasi palagi.

"P-para po sana sa turn over process." Sagot ko ng makalapit ako sa tapat ng mesa niya.

"You said it's not good for our baby." Our. Something touched my heart with the way she addressed our unborn child.

"Pero..."

"Everything's been taken care of. You don't have to worry yourself. Just rest at home, I'll visit you later." Bago pa ako nakasagot ay may galit na galit na lalaking pumasok sa loob ng opisina. Nakasuot siya ng office suit at nakakunot ang noo. He's probably in early fifty's but the way he fashion himself with overpowering confidence made him look timeless.

Pabalibag nitong sinara ang pinto kaya naglikha iyon ng malakas na ingay. Kasunod niya ang isang gwardya na pinagbabawalan siya sa gusto niyang gawin. I did'nt know wants gotten into me, probably the secretary instinct, but i blocked him before he can even reach her.

"Sir, hindi po kayo pwedeng basta basta na-" Before I could even finish the sentence, he shoved me away with his hand. Hindi naman ako nasaktan, nabigla lang kaya muntik na akong mawalan ng balance. Tumayo ako ng maayos at muling hinarap ang lalaki para sana pakiusapan ng maayos pero sinigawan ako nito.

"Dont you know who I am!"

"Are you okay? Just wait for me outside." Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Vee. Napapikit ako ng hinawakan niya ako sa balikat pero kaagad din niyang tinanggal iyon. Hindi ko alam, pero para akong nadisappoint.

"Should I call the police?" I asked her. Umiling lang siya bilang sagot.

"Bring back my son!" Sigaw nung lalaki.

Nagpaalam nalang ako at naglakad na para makalabas ng opisina. Medyo natatakot narin ako sa lalaki. Ito ang unang beses na nagpunta siya dito sa opisina simula nung nagtrabaho ako dito. Ito rin ang unang beses na may nangyaring ganito kaya hindi ko din alam ang gagwin.

Nakalabas na ko ng pinto at isasara na sana, but before I close the door I heard Veronica said something that got me holding my breath.

"Greyson was dead, a long time ago. I killed him."

Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon