BUNTIS ako.
Nakumpirma iyong ng dalawang pulag guhit sa pregnancy test. Sinabi ko kay Nanay, hindi niya natanggap kaagad. Yun din ang pinakaunang beses na nasampal niya ako. Pakiramdam niya nagkulang siya, pakiramdam niya naulit saakin ang nangyari sakanya. Umiyak lang kaming dalawa sa banyo at nung niyakap niya ako, nagkaroon ako ng lakas para kayanin ang sitwasyon kiahaharap ko ngayon.
Kanina lang ay galing kami sa OB, nakaranas kasi ako ng konting pananakit sa tiyan at pagkahilo. Mahina daw ang kapit ng baby ko, critcal stage daw ang first trimester at kailangan kong mag-ingat ng sobra. Nalaman ko din na two months na akong buntis.
Pinagsawalang bahala ko lang kasi ang pagkahilo at pagsusuka ko nung mga nakaraang linggo dahil sa pag-aakalang pagod at puyat lang iyon sa trabaho. Naging maselan din ang pang-amoy ko at naging mapili sa pagkain.
Isang araw nagulat ako nang inabutan ako ni Nanay ng PT nung pagdating niya sa bahay galing sa palengke. Wala siyang sinabi saakin, inabot lang niya tsaka tinalikuran ako. Ilang araw ding naging distant si Nanay saakin, yung tipong mas gugustuhin ko nalang na sumbatan niya ako kaysa ignorahin.
Naging maingat na ako sa mga kilos ko dahil sa nalaman. Hindi ko man kilala kung sino ang ama ng dinadala ko responsibilidad ko bilang ina niya na protektahan siya. Wala akong ama pero pinalaki ako ng maayos ni Mama kahit na bunga ako ng isang pagkakamali. Dahil doon nagdesisyon ako na magresign nalang muna sa trabaho.
Hindi man naging madali para kay Mama na tanggapin ang nangyari saakin. Pero tinanggap niya parin ako, kami at nangakong tutulungan kami ng anak ko. Hindi ko din sinabi na baka si Emmet ang ama ng dinadala ko, hindi rin naman ako sigurado.
Mahal ko ang trabaho ko, marami akong natututunan. Bukod sa malaki ang swedo ay marami din ang benefits kaya naghihinayang ako. Gusto ko mang magtake nalang ng leave, hindi ko kayang ipagsapalaran ang kaligtasan ng anak ko.
Ginawa ko parin ang usual workday routine ko. Inasikaso ko na rin ang mga trabahong maiiwan ko para maayos na pag itu-turn over sa magiging secretary. Pagdating ko sa opisina, hinintay ko ang pagdating ni boss at pinagtimpla siya ng kape. Binasa ko rin ang schedule niya na tanging tango lang ang sagot. Pagkatapos dumaan ako sa HR para isubmit ang resignation letter ko.
"You should forward this directly to the CEO, that's one of the protocol she made since her secretaries are working directly with her. You're very efficient Miss Sinco, may I know why you want to resign?"
"Personal matters po." Nginitian niya ako.
"I understand, but i'll send you an email if there's a job opening." Nagpasalamat na ako sa kanya.
Nagpaalam na ako at tinungo na ang opisina ni Miss Lastra, kumatok muna ako at huminga ng malalim bago pumasok.
"Good Afternoon, Miss Lastra." Nilapag ko ang envelop sa desk niya.
"This is a resignation letter. Why are you giving me this?"
"Mrs. Sanchez told me to submit it directly in your offce, Miss. Don't worry, I will follow the company protocol. I will immediately request for your new secretary and train them myself." Binitawan niya ang ballpen na hawak. She crossed her arms and raised an eyebrows at me.
"Why. Are. You. Resigning." May diin at lamig sa bawat salitang binitawan niya. Nalunok ko ang laway ko sa kaba. Pakiramdam ko nanginginig na ang katawan ko sa kaba.
"I-i'm p-pregnant, Miss Lastra." Bigla siyang napatayo sa swivel chair niya. Muntik na akong mapatalon sa kinatatayuan ko ng pumikit ang mata niya at bumagsak ang katawan niya sa sahig.
Dali-dali akong tumawag ng tulong. I immediately called her doctor friend. Tinulungan ako ng guard na ihiga sa sofa sa loob ng opisina niya. She just passed out, not something fatal. I think.
"She probably passed out because of stress or schock. It's okay, she'll wake up in a few minutes. Just give her pain killers when she felt pain, due to the fall. Tell her to call me when she wakes up." Pinasalamatan ko ang doktora at hinatid na siya sa pinto. Pagbalik ko nakaupo na si Miss habang nakangiwi at nakahawak sa balakang niya.
"Are you okay, Miss? You passed out." I took some painkillers and water for her to take. Still she did not say anything. She just looked at me with her piercing eyes. Na conscious tuloy ako sa mga kilos ko, kaya nanatili lang akong nakatayo. Ilang segundo pa ay ako na ang bumasag sa katahimikan. Kasi, hello?
"I'm very sorry for the inconvenience I may have caused you. Hindi naman po ako magreresign if it were'nt because of my pregnancy's condition."
"Why, is there something wrong with the baby." I don't know If I'm sure but I can sense worriness in her voice.
"Uhm, I went to an OB. Maselan daw ang pagbubuntis ko kaya kailangan kong umiwas sa mabibigat na gawain, lalo na ang stress." Natatakot akong baka pagalitan niya ako. Baka isipin pa ni Miss Lastra na nagrereklamo ako sa mga pinapagawa niya saakin. Although, working for the CEO is a very tiring job. Kung nasaan siya nandoon din ako, kabi-kabila ang mga business meetings na kailangan kong asikasuhin para sa kanya.
"There's something I need to tell you." Tinuro niya ang bakanteng upuan sa sofa. Naupo ako doon.
"Miss Sinco, remember our business meeting in Germany two months ago, where we celebrated and got drunk?" Inalala ko ang sinabi niya. May business meeting kami sa mga hawaiian investors two months ago. We celebrated our success in a bar? Funny thing is, I'm also two months pregnant.
"I escorted you into your room that night." Kinabahan ako sa sinabi niya. If my calculations are correct, on that night I conceived my baby with someone. Nakumpirma ang hinala ko sa sumunod na sinabi niya.
"I think your baby is mine too." Now it's my turn to blackout.
"ANG baby ko?" Napahawak kaagad ako sa tiyan ko ng mapagtantong nasa ospital ako.
"He's fine, you passed out." He.
"For how long?" Inalalayan niya akong makaupo sa hospital bed. Para pa akong napasok sa pagkakahawak siya sa braso ko pero pinigilan ko ang sarili kong iwaksi ang kamay niya. Baka kasi bitawan niya ako.
"Two hours, how are you feeling?" Inabutan niya ako ng bottled water, uhaw na uhaw na pala aka ng ininom ko iyon.
Ilang minuto na ang nakakalipas nang magising ako sa Hospital. Tanging si Miss Lastra lang ang naabutan kong kasama sa silid. May mga nurse din na nagpunta dito kanina para icheck ako, nahilo lang daw. Sino ba namang hindi nahihimatay kung ang maganda mong boss ay nagsabing siya ang ama ng anak mo?
"Hindi ko maintindihan, paanong may nangyari saatin ng gabing yun?" Napaka impossible naman kasi, o impossible nga ba?
"Like I said, I escorted you into your room and..." Tumigil siya. "You seduced me, Miss Sinco."
"Ano!" Naku! Parang gusto ko nalang mahimatay ulit sa pinagsasabi niya.
"Well, you said you like me...and you touched me until I could'nt control anymore, then..." Napanganga lang ako sa mga sinasabi niya.
"I'll spare you the details, Miss Sinco. But, if you've never been with any man since that night I assure, I'm the uh... father? of your baby." Nilunok ko ang laway na nakabara sa lalamunan ko.
"But ho- how? You're... are you gay?" Wala naman akong problema sa mga bakla, hindi lang ako makapaniwala.
"Transwoman, Miss Sinco. I have the male genitals and reproductive system." He said that with the coldest and serious voice possible.
"But we-"
"If you're just going to ask me how we did it, I'll assume you were asleep when your teacher discussed Anatomy 101."
"Sorry."
"Given the circumstances I think it's better if we cut the formalities. We should start by addressing each other with first names."
"I'm Veronica Lastra, you can call me Ve." Nilahad niya ang kamay niya saakin, magpapakilala na nga lang para paring nakikipag business deal.
"Thalia Sinco po, Lia ang palayaw ko." Tinaggap ko ang kamay niya at pinakatitigan ang pagkakadikit nito saakin. Malambot ang palad niya at makinis ang balat, sa pagkakaalam ko ito ang unang beses na nahawakan ko ang kamay niya. Kaagad niya din iyong binawi matapos ang ilang segundo.

BINABASA MO ANG
Her Secretary
Storie d'amore... "Miss Sinco, remember our business meeting in Germany two months ago where we celebrated and got drunk?" Inalala ko ang sinabi ni Miss Lastra. May business meeting nga kami sa mga German investors two months ago. We celebrated our success in a b...