Chapter 31: Mating
Pagkatapos naming mag-usap ay lumabas na kami sa silid. Bumungad agad sa amin ang tahimik na pasilyo ng ospital. Sinabi sa akin ni Troy na nais niyang iuwi ako sa bahay iyon nga lang ay hindi raw pwede dahil baka magising ako nang wala sa oras lalo na't hindi pa handa ang katawan ko.
Paglabas namin ng ospital ay bigla na lamang akong napatigil ng marinig ang tawanan at pag-uusap ilang metro ang layo sa pwesto namin.
"Naririnig ko sila Troy." asik ko at tiningnan ang direksyon kung saan nanggagaling ang mga boses.
Nginitian naman ako ni Troy at hinawakan ang aking kamay.
"Isa kanang ganap na bampira kaya mayroon ka na ring abilidad na gaya sa amin. Maririnig mo ang bawat galaw, pagtibok ng puso nila kahit na pagnguya nila ng pagkain." Tiningnan niya rin ang direksyon kung saan ako nakatingin.
"Pero hindi mo sila maririnig kung mag po-pokus ka lang sa lugar kung nasaan ka ngayon. You just need to focus, Sirene." aniya.
Iniwas ko naman ang aking tingin at huminga nang malalim. Ipinikit ko ang aking mata at pinakalma ang aking sarili. Hanggang sa unit-unti ng nawawala ang mga boses sa aking isipan.
Binuksan ko ang aking mga mata at nakita sa harap ko si Troy na nakatitig.
"See? Madali lang." asik niya at nginisihan ako.
Tumango na lamang ako at binigyan din siya ng ngiti.
"Sirene! Anak!"
Napatingin kaming dalawa ni Troy sa lalaking mabilis na tumakbo papalapit sa amin and in just a span of time ay nasa harap na namin siya.
"Dad!" wika ni Troy pagkarating ng kanyang ama.
"Haring Ignacio." asik ko at yumuko.
"Oh no need with the formality Sirene." wika ni Haring Ignacio kaya nahihiyang napatango na lamang ako.
"Saan ka nanggaling dad? Akala ko'y nasa labas ka lamang ng silid." usal ni Troy na ikinatigil ko.
Naalala ko ang nangyari kanina. Nakakahiya! Nakita pa lahat ng hari.
"Alam ko namang matagal kayong magu-usap kaya umalis na muna ako. Bumalik lamang ako rito para sabihin sa inyo ang importanteng mensahe." sagot ng Hari na ikinataka ko.
Importantemg Mensahe?
"Ano 'yon Dad?" tanong ni Troy.
Huminga naman ng malalim si Haring Ignacio bago kami sinagot.
"Maayos na ang lahat. Wala na tayong kaaway. Makakabalik na tayo sa normal, gaya lang ng dati. Kaya maipagpapatuloy niyo na rin ng maayos ang buhay niyo." he paused.
"Gusto kong ipagpatuloy niyo ang pag-aaral, Troy at Sirene. Tatapusin niyo ang taong ito. 'Pag tapos niyo ng advance education ibibigay na namin sa inyo ang trono."
Pagkatapos sabihin iyon ng hari ay nanlaki na lamang ang aking mga mata. Nakita ko rin ang pagkabigla sa mga mata ni Troy. Totoo ba talaga ang aking narinig? Ipapasa na ang trono? Hindi ako makapaniwala! Hindi rin ako handa!
"Napaka-aga naman po ng desisyon niyo hari." asik ko, wari ba'y hindi ko alam ang gagawin.
Ni hindi pa tumutulong itong nararamdaman ko. Hindi pa ako sanay sa bagong lakas na mayroon ako ngayon.
"No, hindi ito maaga Sirene. Itinakda talaga kayong mag hari rito sa valencia. Ipapasa na namin ang trono sa inyo and that's final." Otorisadong wika nito na ikinatahimik ko na lang.
Tiningnan ko si Troy na may malalim na iniisip.
"Pero bakit naman ang aga niyong bumaba sa pwesto dad?" tanong ni Troy, tumango tango naman ako.
Nginitian lamang ng hari si Troy at hinawakan ang balikat nito. "Magiging parte na ako ng council anak. Magiging okupado na ako sa lahat ng bagay. Hindi lang valencia ang aatupagin ko. It's time to do your mission." Huminto siya at tiningnan ako.
"Besides, mangyayari na ang mating process ngayong linggo. Hindi ba anak?" tanong nito at binigyan ng kakaibang tingin si Troy.
Hindi ko alam pero bigla na lamang kaming namula sa sinabi ng Hari.
"D-Dad!" biglang pigil ni Troy dahilan upang mapatawa ang hari.
"You are old enough Troy. I give you my blessing." wika ng Hari at bigla na lamang umalis sa harap namin.
I-Iyon lang? Ni hindi man lang nagpaalam ang hari. Gulat akong tiningnan si Troy. Nakita ko namang hindi pa rin siya nakabawi sa kanyang narinig.
"Ah.. Troy?" tawag ko sa kanya.
Napatingin naman siya sa akin. Nahihiya akong magtanong pero gusto ko sanang malaman.
"Ah, ano nga pala ang gagawin sa araw na mangyari ang mating process na sinasabi ng hari? At bakit sinabi niyang ngayong linggo na mangyayari iyon?" tanong ko dahilan upang mapabuga siya ng malalim na hininga.
"Hin..Hindi mo alam?" gulat na tanong ni Troy na ikinataka ko.
"Hindi alam ang ano?" tanong ko and this time nakita ko na talaga ang mas lalong pagpula ng mukha niya.
"Tatlong linggo kang natulog Sirene. Tatlong linggo kaming naghintay." sabi niya sa mahinang boses.
"At ngayon ito na ang huling linggo, sa buwan ng agosto." Patuloy niya na ikinabigla ko.
Huling linggo ng agosto? Ibig sabihin... magaganap na ang proseso ng pagsasama? Ito iyong sinabi sa akin ni Ginoong Greg na dapat mangyari sa kabilugan ng buwan. Ganoon kabilis?
"A-Ano namang gagawin?" Inosente kong tanong.
Ayokong mag isip ng kung ano-ano baka kasi ay mali ako. Baka hindi tama ang iniisip ko.
"Ah..Eh.."
Napataas naman ang isa kong kilay ng makitang hindi makapagsalita ng maayos si Troy. Okay lang ba siya?
"Ang proseso ng pagsasama Sirene ay ginagawa ng magiging bagong hari at reyna. Sagrado itong proseso na tanging ang dalawang ipinagtagpo lamang ang siyang gagawa nito." litanya niya sabay iwas sa kanyang tingin.
Bakit pakiramdam ko'y ang bilis bilis ng tibok ng puso ko? Bakit parang kinakabahan ako?
***
BINABASA MO ANG
The Vampire King's Beloved
RomantikSirene Creed, the destined beloved of the vampire prince. The destined beloved who will bear the child of the future king of valencia. The future savior for the next generation of vampires. But, how can she fulfill that destiny if fate itself doesn...