Chapter 15: Hidden Treasure
Sirene's Point of View
Nandito ako ngayon nakaupo sa loob ng library ng palasyo. Pinagtataguan ko kasi si Kael.
I sighed a heavy air bago ko inayos ang nagulo kong damit dahil sa kakatakbo.
"Walangya talaga ang lalaking 'yon!" wika ko pagkatapos kong ayusin ang damit ko.
Minsan na nga lang ako maging mabait eh hindi pa na aapreciate 'yong mga ginagawa ko. Nagkibit balikat naman ako.
Tatayo na sana ako upang makalabas na ng library ng may librong umakit sa mga mata ko.
Nakalagay ito sa isang stand na may kadenang nakapulopot. Tila ba ayaw itong ipagalaw sa iba. Lumapit ako sa stand at sinuri ang libro.
"Makapal at malaki." I murmured.
Tinanggal ko naman ang alikabok na humaharang sa libro gamit ang kamay ko at napatigil ng mabasa ang nakasulat sa cover page ng libro.
"Ang Itinakda."
Kukunin ko nasa ang libro ng makita ang mga kadenang nakapulopot sa libro. Pero wala naman akong nakikitang susian.
Hmm...
Paano ko ba 'to kukunin?
Napalinga linga naman ako sa paligid baka sakaling may makita akong pangtanggal ng kadena. Ngunit wala.
I sigh.
"Wag na nga lang," simangot kong wika dahil alam kong hindi ko talaga mababasa ang libro.
Aalis na sana ako ng mapansin ang maliit na susian sa ilalim ng stand. Sa sobrang liit nito ay hindi mo talaga agad ito mapapansin.
Hinawakan ko ang susian at tinansya kung gaano ito kalake.
Ng matansya ko na ang laki nito ay agad akong pumunta sa front desk ng library. Kung asan may isang matandang babaeng nagbabantay sa buong library.
Pero pagkarating ko ay hindi ko nakita ang matanda.
"Asan siya?"
Tumingin na lamang ako sa gilid ng mesa niya at tiningnan ang iba't-ibang uri ng susi. Ngunit ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang kulay gold na susi na kung susuriin mo ay may maliliit na letrang nakaukit dito.
Kinuha ko ito at agad na pumunta kung asan nakalagay ang libro.
Hindi ko alam pero parang may nagtutulak sa akin na basahin ang libro. Sakto ring bumalik ang matandang babae. Nangaling ata siya sa labas.
Pagkarating ko ay agad kong inilagay ang susi sa susian at napangisi ng bumukas ito. Bigla namang kumalas ang mga kadena na nakapulopot sa libro kaya dali-dali kong kinuha ang libro at inilagay sa mesang malapit sa akin.
Umupo ako at sinuri ang libro.
May mga letrang hindi ko alam kong ano ang lingwahe. Hindi ko maintindihan ang mga nakasulat.
Binuksan ko naman ng dahan-dahan ang libro at nagtaka ng makitang blanko ang unang pahina.
Bigla namang umihip ang malakas na hangin na ikinataka ko.
Pero hindi ko na lang iyon pinansin at agad na binuksan ang ikalawang pahina.
"July 29, 2019." basa ko sa petsang nakasulat sa itaas.
Teka! Kaarawan ko 'to ah? Baka coincidence lang.
"Blood lust..." pagsisimula kong basa sa pangalawang paragraph.
"Ang araw kung kailan magkikita ang dalawang gabay."
Huminto ako sa pagbabasa. Nagugulohan ako.
Ano bang ibig sabihin nito?
Tumingin muli ako sa libro at binasa ang kasunod.
"Ang babaeng magdadala ng pag-asa at ang lalaking itinadhana sa trono. Kapag sila ay ipinagsama magiging gabay sila sa lahat ng bampira sa buong mundo. At sila lamang dalawa ang makakabuo sa batang itinakda."
I stop reading and just this once naramdaman ko ang malakas na tibok ng puso ko. Ba't parang kakaiba ang nararamdaman ko?
Huminga na muna ako ng malalim bago ipinagpatuloy ang pagbabasa.
"Ang batang itinakda. Ang siyang magsasalba sa lahat ng bampira laban sa kasamaan."
Napalunok ako at naestatwa sa mga nabasa ko. Ba't ngayon ko lang nabasa ang librong 'to?
Ba't walang sinabi sa akin si Dad tungkol dito? Bubuksan ko na sana ang ikatatlong pahina ng may narinig akong mga yapak papalapit sa library.
Parang kilala ko ang mga yapak na 'yon.
Isa ito sa mga ability ng pagiging bampira. Ang tumulis ang pag-iisip at pakiramdam. Maririnig mo ang maliliit na pangyayari kahit malayo pa ito sa 'yo.
Agad ko namang isinara ang libro at ibinalik ito sa pwesto. Kinuha ko ng mabilis ang susi at sinara ito. Nagsimula na ring pumulupot ang mga kadena sa libro.
Gamit ang kapangyarihan ko ay agad akong pumunta sa front desk at iniligay ang susi in just a span of time.
Agad akong tumayo sa harap ng pinto at pinihit ang door knob. Nakita ko namang parang nabigla ang matanda sa ginawa ko.
Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Kael at Rash na nag-aalala.
"Irene!" tawag nila sa aking dalawa kaya napataas naman ang isa kong kilay.
"What?" tanong ko at agad na lumabas sa library.
"Saan ka ba nanggaling?" takot na tanong sa akin ni Kael.
Inirapan ko naman siya. "Duh! Edi sa library, pinagtataguan ka!" wika ko pero ramdam ko ang mga mata nilang dalawang nakatitig pa rin sa akin.
"What? Hindi kayo naniniwala?" gulong tanong ko sakanila kaya agad naman nilang iniwas ang mga tingin nila sa akin.
Good!
"Pinapatawag ka ng Dad mo. May sasabihin daw siya sa iyo." sabi ni Kael kaya tinangoan ko naman siya.
"Ano na naman kayang kailangan ni Dad sa'kin, this time?"
Tahimik na lamang kaming tatlo na naglalakad papunta sa office ni Dad.
Iniisip ko rin ang mga nabasa ko kanina sa library. Gusto ko pa sanang magbasa.
I sigh. Mamaya babalik ako. Para kasing may itinatago pa ang librong 'yon.
Parang tinutulak ako ng katawan kong alamin ang lahat ng nilalaman ng libro.
BINABASA MO ANG
The Vampire King's Beloved
Roman d'amourSirene Creed, the destined beloved of the vampire prince. The destined beloved who will bear the child of the future king of valencia. The future savior for the next generation of vampires. But, how can she fulfill that destiny if fate itself doesn...