Chapter 21: Troy's Revenge
Hindi na ako bumalik sa labas ng palasyo kung nasaan nagsasanay sila Kael. Buo na ang desisyon ko. Aalis na ako.
Sapat na ang mga nalaman ko dito lalo na't bumalik na lahat ng mga ala-ala ko simula noong bata pa ako.
Kinakabahan ako sa bawat hakbang na ginagawa ko dahil pakiramdam ko sa oras na ito paniguradong hinahanap na ako ni Kael. Once na malaman ni Gilbert Ashvill na umalis ako paniguradong susundan nila ako.
Nakita ng aking mga mata ang malaking tarangkahan ng palasyo kaya agad akong tumakbo at tinungo ito. Hinihingal ako sa aking pagtakbo na tila ba may humaharang sa lalamunan ko.
Nakaabot ako sa tarangkahan at ng pabubuksan ko na sana ito sa mga guards na nakabantay dito ay bigla ko na lamang narinig ang boses ni Gilbert Ashvill na tinatawag ako.
Napalunok naman ako at pinagpawisan bigla. Bumilis din ang pagtibok ng puso ko. Konti na lang sana't makakalabas na ako.
"D-Dad!" bungad ko.
Nakita ko si Kael, si Gilbert at iba pang mga kawal na nagtataka kung bakit ako nandirito. Paniguradong kanina pa nila ako hinahanap. Alam kong kahit saglit lang akong mawala ay mag wawala sila.
"Saan ka pupunta?" malamig na tanong sa akin ni Gilbert.
Huminga naman ako ng malalim. Kailangan kong magpanggap na hindi bumalik lahat ng mga ala-ala ko. Kailangan kong magpanggap bilang anak sa harap niya.
"A-Ah lalabas po sana ako. Maglilibot po sana ako sa buong Alegria." Marahan kong wika at nilapitan sila.
"Bakit hindi mo sinabi kay Kael? Para masamahan ka niya." sabi niya.
Tiningnan ko naman si Kael na seryosong nakatitig sa akin.
"Eh kasi po may pinagkaka abalahan po siya. Ayoko naman pong gulohin ang ginagawa niya." sabi ko at nakita ko naman kung paano tingnan ni Gilbert si Kael. Nagagalit siya.
Sige, magalit ka lang Gilbert. Ngayon na alam ko na ang lahat hindi niyo na ako mapapaikot pa. Lalo na't naalala ko na kung paano ka nagpanggap bilang si Dastan. Lalo na ngayon na naaalala ko kung paano niyo ako dinakip at sinaktan.
Tiningnan ko naman si Kael at nginisihan. "Ayaw niya po yatang makasama ako." sabi ko kay Gilbert at itinuro si Kael.
"Palagi niya lang po akong iniiwan sa gilid eh. Kaya napag-isipan kong lumabas muna at maglibot," I paused and pout. "Dad."
Nakita ko naman ang pagbabago ng emosyon ni Gilbert. Mahinahon na siya ngayon. Napangisi naman ako sa aking isipan. Ganyan lang. Mahulog kayo sa acting ko.
"Alam mo anak, huwag ka na lang lumabas. Magpahinga ka na lang sa silid mo lalo na't kakailanganin mo ang lakas sa pakikipaglaban." sabi ni Dad na ikinangiwi ko.
Ugh! Pababalikin niya ako? I sighed.
"Sure Dad! Sige po. Babalik na lang po ako sa silid." sabi ko at tinangoan niya naman ako.
Nakita ko pa kung gaano ako tiningnan ng masama ni Kael. Paniguradong papagalitan siya. Kaya I just gave him a smirk para mas lalo siyang magalit sa'kin.
***
Third Person Point of View
Sa kabilang dapit naman ng bayan ng Valencia. Makikita ang lahat ng mga bampirang naghahanda sa gaganaping digmaan. Tatlong araw na lang ang nalalabi at kailangan na nilang magmadali.
Ang mga bata at matanda ay pinagpaliban na muna nila sa malayong dapit ng kagubatan ng Valencia kung saan pwede silang magtago habang nangyayari ang digmaan.
Ang mga malalakas, mga bampirang kayang lumaban para sa Valencia ay ngayo'y nagsasanay. Makikita rin sa 'di kalayuan ng plaza ng Valencia ang ama ni Troy Ashvill na si Haring Benedict. Nandoon din ang dalawa niyang anak na si Troy at Rain Ashvill.
"Kung sana ay hindi mo muna dinala si Sirendepity dito sa Valencia Troy hindi sana siya makikita ng tauhan ni Gilbert!" bulyaw na wika ng Hari sa kanyang anak na si Troy.
Ilang araw niyang hindi nakakausap ng maayos ang kanyang anak dahil sa nangyari. Kaya ngayon ay hindi na niya napigilian pang bulyawan ang anak niya.
"Hindi ko po siya dinala dito sa Valencia Dad. Alam kong hindi pa siya pwedeng bumalik dito pero hindi ko naman aakalain na mapapadpad siya dito." mapaklang pagkakasabi ni Troy.
"Ngayon wala na siya! Kasalanan ko dahil hindi ko siya nailigtas." malamig na sabi ni Troy habang kinukuyom ng mahigpit ang mga kamao niya.
Agad na naging mahinahon ang emosyon ng Hari ng marinig niyang nagsalita si Troy. Ramdam niyang nasaktan ng malubha ang kanyang anak. Kaya imbes na pagalitan pa siya ay isinantabi niya na lamang ito.
"Wala na tayong magagawa diyan. Kung sana hindi muna siya nagpakita ay paniguradong wala tayong problema. Alam naman nating lahat na makakabalik lang siya dito sa Valencia kapag natapos na ang alitan natin sa kapatid kong si Gilbert."
Napabuntong hininga naman ang hari ng sabihin niya iyon.
"Ngayon ay hindi niyo na magagawa ang mating process Troy. Ibig sabihin niyan... mamamatay ka. Magkakaroon ng digmaan dahil mag aagawan sa trono. Hindi ko na alam ang gagawin!"
Agad na bumagsak ang balikat ng Hari na parang hindi na alam ang gagawin dahil simula ng malaman nilang patay na nga si Sirendepity ay nawala lahat ng plano nila. Planong matagal na nilang pinaghahandaan.
"Ni hindi man lang sinabi ng inyong Ina sa akin na nandito pala si Sirendepity sa Valencia. Maiiligtas sana natin siya. Alam niyo namang hindi pa pwedeng magpakita ni Sirendepity lalo na't tao pa siya. Ngayon kung buhay pa sana siya ay paniguradong nagsisimula ng magpakita ang abilidad niya bilang bampira dahil itinakda iyon... Pero," huminto ang Hari sa pagsasalita at iniwas ang tingin.
"Wala na siya. Hindi na niya magagawa ang mga bagay na itinakda para sakanya."
Pinalibutan naman ng ilang minutong katahimikan ang mag-ama. Hanggang sa tinapik ni Rain ang balikat ng kanyang kapatid na si Troy at nilapitan ang kanilang amang Hari.
"Huwag kang mag-alala Dad. Gaganti tayo. Alam niyo namang gagawa ng paraan si Troy para makuha ang hustisya sa pagkamatay ni Sirene. Hinding-hindi nila makukuha ang trono kung hindi iyon si Troy."
Hinawakan naman ng Hari ang balikat ng kanyang panganay na anak na si Rain ng marinig niya ang sinabi nito. Masaya siyang makitang hindi nagseselos si Rain ng malamang ang kanyang kapatid na si Troy ang susunod na tatangap sa trono.
Masaya ang Haring makita na suportado ni Rain ang kanyang kapatid. Kung hindi lang sana nasilaw ang mga mata ng kanyang kapatid na si Gilbert sa trono ay paniguradong maayos sila ngayon. Walang Alegria. Walang digmaan. Hindi rin naman niya masisisi ang kanyang sarili na siya ang nakakuha ng trono dahil mismong ang Reyna na si Emma ang pumili sakanya.
Alam ng buong Valencia na ang kadalasang maghahari sa nayon ng bampira ay ang nakakatandang anak ng Hari. Pero kapag iba ang pipiliin ng susunod na kaagapay, ang magiging Reyna ng Valencia ipapasa ng Hari ang trono sa lalaking mapipili ng susunod na Reyna.
Ang kaagapay ay makakapili lamang ng lalaking nais niyang maging Hari sa mga anak lang rin ng kasalukuyang Hari. At sa sitwasyon ng anak niyang si Rain at Troy.
Pinili ng batang si Sirendepity si Troy. Alam ng lahat iyon.
"Huwag kayong mag alala Dad. Hindi mawawasak ang Valencia. Ipaghihiganti ko si Sirene at sisiguraduhin kong magbabayad si Gilbert." malamig na wika ni Troy habang nakatingin sa kawalan.
Ilang araw na tulala si Troy at hindi makausap ng maayos. Hindi niya maisip na nawala na nga ng tuloyan ang kanyang minamahal. Nagsakripisyo siya ng ilang taon para hindi makita si Sirene at ngayong nakita na niya ay nawala na naman.
Pero this time, nawala na nga talaga siya ng tuloyan.
BINABASA MO ANG
The Vampire King's Beloved
RomanceSirene Creed, the destined beloved of the vampire prince. The destined beloved who will bear the child of the future king of valencia. The future savior for the next generation of vampires. But, how can she fulfill that destiny if fate itself doesn...