Chapter 6

0 1 0
                                    

Chapter 6

"Sof."

I groaned.

Pumikit ako ng mariin nang maalimpungatan sa mahihinang kalabit sa aking braso at sa boses na kanina pang tumatawag sa akin. Ilang beses pa niyang tinapik ang balikat ko bago ko inangat ang upper body.

I yawned and stretch my arms. I didn't had a chance to escape this class kaya naman naisipan kong matulog na lang.

Tutol si Katarina doon dahil una sa lahat, nasa klase kami at may nagdidiscuss na guro. Ikalawa, kung matutulog ako ay halatang-halata dahil nasa gitnang bahagi kami ng silid. Malaki ang tyansang mapapansin niya ako dito. Ikatlo, may quiz daw kami after discussion kaya kailangan kong makinig.

Pero wala akong pakealam sa kahit anong rason na iyon. Milagro na ngang nakaupo ako sa upuan ko buong maghapon. Sinuswerte naman yata kayo kung makikinig pa ako at magtitake ng quiz ngayon.

In the end, sumuko na rin si Katarina. Wala namang sinabi yung teacher sa akin kahit kitang-kita ng dalawa niyang mata na may natutulog sa kaniyang klase.

I didn't took the quiz. Payapa ang naging tulog ko. All thanks to this teacher and her voice. Tila hinehele niya ako at unti-unting bumagsak ang mata ko, sumuko na indayog ng pagkaantok.

"Oh? Tapos na ang klase?" Tanong ko nang mapansin na nag-aalisan na ang mga tao.

"Hoy Jake! Sama ka?" Moreno guy from his squad asked.

Hinampas naman ito sa dibdib noong may babaeng may braces.

"Asa ka namang sasama sa atin iyan e kasama niyan si Pearl ngayon!" Singhal nito.

He acted like he didn't heard anything.

"Ano, G? Milktea tayo diyan sa labas. Hang out." Dagdag pa ni Moreno guy.

"Oo nga, Jake. Miss ko nang tumambay kasama kayo." The short hair girl said.

"Nakakapagtampo ka talaga Papi Jake. Puro ka na lang Pearl." Si Wendell.

"Sa amin ka muna ngayon please?" Si Katarina ang sunod na nagsalita.

I don't have time to listen to their chitchats kaya agad na akong tumayo at iniwan sila. Narinig ko pa ang halakhak ni Jake bago ako nakalabas ng classroom.

Hindi pa ako. Nakakalayo nang makaramdam ako ng footsteps na papalapit sa akin. Tiningnan ko si Jake na ngayon ay kasabay ko na sa paglalakad.

"You won't join them?" Tanong ko.

Nagtaas siya ng kilay.

Bakit nga ba ako nagtanong? Wala naman akong pakealam. And obviously, hindi siya sumama dahil kung oo, hindi ko siya kasabay na maglakad ngayon.

Malamang Sofia, she chose to be with his girl.

Mukhang deads na deads 'to kay Pearl, e!

Nasa labas na kami ng building. I expected him to go somewhere else. Liliko sa kanan o kaya kaliwa, kung nasaan man ang babae niya. Ngunit nandito pa rin siya. With his hands on his pockets, kalmadong-kalmado siya naglalakad sa tabi ko.

Baka sa labas niya kikitain si Pearl, I kept that in my mind.

I don't have a problem going home alone. Commute? Basic. Mag-aabang lang ako ng bus, sasakay, magbabayad, pipindutin yung button kapag papara, tapos bababa na.

The Blue House of Aragons (SHS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon