Chapter 5

0 1 0
                                    

Chapter 5

Two hours of discussion had passed. Hindi ko namalayan ang mabilis na pagtakbo nito. Sa ngayon ay mayroon kaming trenta minutong break time. Kakaunti ang tao sa room dahil ang karamihan ay bumili sa labas.

"Sofia!" Katarina called.

Nandoon siya ngayon sa harapan. Sa sulok. Doon ko din sila nakita kaninang umaga. That's probably their tambayan. Nagsisiksikan sila sa dalawang upuan at isang mesa. Anim lang sila doon at kulang ng isa. Si Jake.

Sa kaunting oras na pagkakakita sa kanila, I started to envy their friendship. Solid tingnan. They look like a family. I don't have an idea that friendship like theirs exists for real.

Palibhasa ako, kinakaibigan lang kasi Mendez. Para bang obligado silang makipagkaibigan sa akin dahil sa antas ng buhay ko. Dahil sa titulong hawak ko. Anak ng may-ari ng school.

Sa larangan ng negosyo, kelangan kaibigan mo ang malalaking tao sa industriyang ito. For connection.

And I hate that. Walang totoo sa mga pinapakita dahil ang lahat ng iyon ay may karampatang kapalit. Kaya tinutulak ko sila palayo. I'm so sick and tired for that kind of people. I would rather be alone.

Lumapit ako sa kanila.

"Si Jake?" Tanong ko.

Nagtinginan silang anim. Hindi ako ngumiti. I just need you to answer my question then I'll soon leave. Hindi niyo kailangang pakisamahan ako dahil kakilala ko ang isa sa mga kaibigan niyo.

Si Wendell ang sumagot.

"Kung nasaan si Pearl at siguradong nandoon din iyon."

"Where exactly?" Iritado kong balik-tanong.

Nagpalitan ulit sila ng tingin. I just need to know where exactly he is. Ayaw pa kasing diretsahin.

"Ano... Sofia kasi hindi namin alam kung saan eksaktong lugar. Ang alam lang namin ay magkasama sila..." Sa pagkakataong iyon ay si Katarina Ang sumagot.

I sighed. Waste of time.

"Sana kanina niyo pang sinabi na hindi ninyo alam." Wika ko bago sila umalis.

Dinig ko pa ang pagpupuyos ng isa roon at ang pagtatanggol ni Katarina. Well Katarina, I don't need your sympathy. If they want to hate me for who I am, then hate me. Hindi ako magbabait-baitan para lang makisama sa kahit na sino.

Lumabas ako at sumandal sa railings. Naaagaw ko ang attention ng mga dumadaan sa corridor. Ano? First time lang makakita ng maganda sa personal?

I spend my thirty minutes watching the people below. Iyong mga dumadaan lang at tumatambay. Mag-isa at may kasamang kasintahan. Minsan ay napapatingin sa mga lumalabas sa katabing room. Silently wishing that Jake would appear behind the doors.

Ngunit wala. Walang Jake Suarez na nagpakita. Ubos ang thirty minutes ko kakahintay sa wala. Ang kaninang pinaglalaruang chewing gum na hindi pa nabubuksan sa aking kanang kamay ay napagdesisyunan ko nang kainin.

The bell rang. Nagsimula nang magsipasukan ang mga estudyante sa kanilang klase. Yet I am still standing here, waiting for the teacher's arrival. Papasok lang ako kapag nandiyan na siya.

Class President approached me. Ano na naman bang problema nito sa akin? He is casually walking towards me while both of his hands are on his pockets. Inilabas lang ang kanan at inilahad sa akin.

Nag-angat ako ng tingin sa akin.

"No chewing gums during class hours." Aniya.

Napangisi ako. He didn't fail to amuse me. Nakakailan ka na ha. Tinalikuran ko siya at kung kanina ay nakalapat ang likod ko sa railings, ngayon ay nakaharap na ako doon. Kumapit ako doon leaving him hanging.

The Blue House of Aragons (SHS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon