Chapter 9

0 1 0
                                    

Chapter 9

"Pota. Nakokonsensya ako na may hindi natuloy na date." Parinig ni Wendell sa amin.

Nasa loob kami ng bus ngayon. Katabi ko si Jake at nasa likuran namin si Wendell. Hindi nga kami nagkikibuan nitong katabi ko tapos ang ingay-ingay niya! Hindi na ako magtataka kung bakit laging mainit ang dugo sa kaniya ni Katarina. Bwisit siya! Peste!

Nang makarating kami sa school, nauna akong bumaba ng bus. Hinayaan kami ng guard na pumasok at hindi na sinita. Mabilis ang paghakbang ko ngunit hindi ko alam kung saan kami pupunta. Sa classroom ba?

I slowed down a bit. Nilingon ko ang dalawa sa likod ko. Nakaakbay si Wendell sa kaibigan. Si Jake naman ay bakas sa mukha ang pagkainis dahil na rin sa kanina pang pang-aasar nito.

Bigla namang bumitaw si Wendell nang makita ang salubong kong kilay hudyat ng panggagalaiti. He raised his hands.

"Sorry, boss. Huwag ka nang magselos." Aniya bago humagalpak ng tawa.

Marahan namang sinuntok ni Jake ang tiyan ni Wendell.

"Saan tayo?" Tanong ko kay Jake.

"Uy. 'Tayo.' Yiee." Sabat ni Wendell. Inemphasize niya pa yung word na 'tayo.'

"Pwede ba, Wendell? Shut up. Nakakairita ka." Pagkasabi ko noon ay umikot ang aking mga mata.

Pero imbes na tumiklop, mas lalo pa siyang nang-asar! Kagigil.

"Crush mo, oh." Wika ni Jake nguso sa harapan namin.

Mas mabilis pa sa alas kwatro na umangat ang kaniyang ulo pars tingnan ang nasa harapan namin. I also looked at what Jake is pointing to. Bahagya akong napanganga nang mamataan si Katarina sa dakong iyon.

I thought she's alone. Not until Tanya, the girl with braces and the short haired girl named Hailey appeared from her back. I already know their names. Kumakaway silang tatlo sa amin.

I took a glance at Wendell. Parang napako siya sa kinatatayuan niya. It took him a while before blinking. Natulala pa yata. Crush? Crush niya si Katarina? Tanya? Or Hailey? Hah!

Pupusta akong kay Katarina iyan!

Mukhang nahalata naman ni Wendell na kanina ko pa siya tinitingnan kaya ipinaling niya ang kaniyang ulo paharap sa akin.

"Ano?" Bakas ang iritasyon sa kaniya.

Nagkibit-balikat ako.

"Katarina! May chika ako!" Sigaw ko bago tinakbo ang ilang metrong pagitan naming dalawa.

Naramdaman ko ang paghawak ni Wendell sa pala-pulsuhan ko, pinipigilan akong makawala. Pero kahit pigilan niya ako, ang tumatakbong si Katarina na ang lumapit sa akin. Nakita ko rin ang pag-angal ni Jake sa paghawak nito sa kamay ko. He sighed before letting my hand go. I stucked my tongue out.

"Subukan mo lang..." Pagbabanta ni Wendell.

"Subukan mo lang..." I mocked him using my low voice.

"OMG! What's the tea?" Bakas ang galak sa kaniyang mukha.

Nginuso ko si Wendell.

"Ask him." Panunuya ko.

"Huh?" Naguguluhang tanong ni Katarina.

Tumingin ako kay Wendell habang ngumingisi sa kaniya. Binawian din niya ako ng ngisi bago inangkla ang mga braso sa balikat ni Katarina. Hindi nagpumiglas si Katarina at nagpatianod kay Wendell sa paglalakad. What the hell?

The Blue House of Aragons (SHS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon